Ilulunsad ngayong araw ng Miyerkules April 24, ang Bright Leaf Agriculture Journalism Awards, isang prestigious competition para sa best agriculture stories and photos dito sa Dagupan city.
Ayon kay David Isaac Buenaventura, ang project manager, ang bright leaf awards ay pumipili sa pinakamahalagang istorya at larawan na kuha ng mga kalahok na journalists.
Ang nasabing paglulunsad ay layuning mahikayat na lumahok ang lahat ng mga media practitioners sa buong Pangasinan.
Kabilang sa mga categories para sa nasabing competition, ang agriculture story of the year, tobacco story of the year, best television program or segment, best radio program or segment, agriculture photo of the year, tobacco photo of the year, best regional news story, best national news story, best regional feature news story and best national feature story.
Ang awards secretariat ay tatanggapin ang mga entries hanggang august 31 ngayong taon.