Announcement: Thank you for your participation in the 17th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards.

Katangi-tanging Istorya ng Pagsubok at Tagumpay ng mga Magsasaka, Hinahanap ng PMFTC

2024-07-23

Dobol P: Boses ng Katotohanan

By: Philpiccio

Inilunsad ng PMFTC o Philip Morris Philippines Manufacturing Inc. and Fortune Tobacco Corporation ang 11 Bright Leaf Journalism Awards sa Lalawigan ng Nueva Ecija, upang humanapng mga natatanging agriculture stories and photographs para sa taong 2017.

Ayon kay PMFTC Communications Manager Didet Danguilan-Santiago, layunin ng Bright Leaf Agriculture Journalism Awards na suportahan ang agrikultura at bigyang parangal ang mga mamamahayag at manunulat na nasa likod ng mga katangi-tanging istorya na nagtataguyod ng kaunlaran at lumilikha ng kamalayan tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa Agrikultura ng bansa.

Dagdag nito, para sa ika-labing isang taon ng kanilang programa, isinagawa nila ang kick off program dito sa Nueva Ecija bilang pagkilala sa probinsya bilang Rice Granary of the Philippines at Major Food Basket Supplier ng bansa.

Umaaabot aniya sa isang libo ang naipapasang entries sa kanila kada taon ngunit bumababa ito hanggang sa anim na raan dahil sa kakulangan ng mga requirements, kaya naman hinikayat nito ang mga Journalists na nagnanais makilahok na bisitahin ang kanilang website na www.thebrightleafawards.com (http://www.thebrightleafawards.com) upang malaman ang tamang mga impormasyon sa pagsali.

Iniimbitahan ng Bright Leaf ang lahat ng mga Journalists sa buong bansa na magpasa ng kanilang mga entries sa mga sumusunod na mga kategorya:

  • Agriculture Story of the Year;
  • Agriculture Photo of the Year;
  • Tobacco Story of the Year;
  • Tobacco Photo of the Year;
  • Best Television Program or Segment;
  • Best Radio Program or Segment;
  • Best Agriculture News Story National;
  • Best Agriculture News Story Regional;
  • Best Agriculture Feature Story National;
  • Best Agriculture Feature Story Regional.

Ang lahat ng mga entries na ipapasa ay dapat na nailathala, nai-ere o naibroadcast sa pagitan ng buwan ng Setyembre noong nakaraang taon hanggang August 31, 2017. Ang deadline ng submission ng entry ay sa September 1, 2017 habang ang awarding naman ay gaganapin sa November 17, 2017.

Ang mga mananalo ay makatatanggap ng mga cash prizes, premium items at ng all-expense-paid trip in an Asian country. –Ulat ni Jovelyn Astrero