Announcement: Thank you for your participation in the 17th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards.

Ipaalam Sa Taong Bayan Ang Mga Proyekto Mula Sa RA 7171

2024-07-22

CANDON CITY, March 31 (PIA-) – Hinamon ng pangulo ng “Solid North” sa Kamara ang mga Ilokanong mamamahayag sa radio, telebisyon at diyaryo na ipaalam sa taong bayan ang mga proyektong naipatupad mula sa pondo ng RA 7171 o  “Excise Tax Law”  na  nakatulong sa pag-unlad ng Ilocos Sur dahil sa industriya  ng tabako.

Ito ang binigyang- diin ni Congressman Eric Singson (LP- Segundo Distrito)  bilang panauhing- pandangal sa paglulunsad ng 9th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards na naganap sa Max Restaurant sa binansagang “Calamay City” ng Hilagang Luzon.

“Marami na ang mga naitayong proyekto sa Ilokos tulad ng mga farm-to- market roads, tulay at proyektong pang-agrikultura  na  nakatulong sa pag-angat  ng pamumuhay ng mga kababayan natin dahil sa Virginia tobacco na pangunahing industriya sa Ilokos,” iginiit ng Kongresista.

Hinikayat niya  ang mga mediamen na ilathala sa mga pahayagan at ihayag sa mga radio at tv ang mga proyektong ipinapatupad ng pamahalaan para makatulong sa mga magsasaka at mapaunlad ang kanilang mga ani.

Ang Ilocos Sur, na may 32 bayan at dalawang lungsod kabilang  na ang Heritage City ng Vigan, ang numero unong nagtatanim ng tabakong birhinya sa buong Pilipinas kabilang na ang Ilocos Norte, La Union at Abra. Hinihintay na lang ng probinsya ang P1.8 bilyon mula sa pundo ng RA 7171 mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa 2013.

Ayon naman kay Monette Quiogue, miyembro ng Executive Committee ng Bright Leaf, ang Agriculture Journalism Awards ay  parangal para sa mga mapipiling “Agriculture Story of the Year,”  “Tobacco Story of the Year”, Agriculture  Photo of the Year”, Tobacco Photo of the Year” “Best Agriculture Story (National/Regional); Best Agriculture Feature Story (National/Regional); at “Best Agriculture Television/Radio Program/Segment.”

Ang mga entries ay maaaring nakasulat  o naihayag sa wikang  English ngunit kung Filipino o Ilokano o iba pang local dialect ay dapat mag-submite ng translation sa English sa synopsis o segment. Dapat na- publish o na- broadcast ang mga entries mula Sept. 1, 2014 hanggang Agosto 31, 2015.

Kabilang sa mga  mapanalonang premyo sa major awards ay P50,000, ipad at all- expense paid Asian trip, sinabi ni Quiogue habang hinikayat ang mga mamahayag sa Ilokos at  buong bansa na makilahok sa naturang prestihiyosong patimpalak na nakakatulong sa pag-unlad ng industriya ng tabako at sektor agrikultura.

Ang deadline ng submission ng entries ay Sept. 4, 2015. Para sa mas maraming detalye tumawag sa Brightleaf Secretariat sa 0915 550-8301  o mag- email sa [email protected]. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)