Sa ikalawang sunod na taon, nasungkit ng DZXL News 558 khz ang “Best Radio Agriculture Radio Program” sa katatapos na Bright Leaf Agriculture Journalism Awards na ginanap sa Makati City kagabi.
Ang “Hanip, Harabas, El Niño Phenomenon: Mga Hamon sa Pagbangon” ay dokumentaryong ulat ni Radyoman Zhander Cayabyab na tumalakay sa kalbaryong pinagdaanan ng mga magsasaka sa Central Luzon noong kasagsagan ng El Niño at mga peste sa palay at sibuyas.
Nasa 400 na entries mula sa iba’t ibang mamamahayag as buong bansa ang naglaban-laban sa taong ito.
Noong nakaraang taon, nasungkit na rin ng DZXL ang kaparehong kategorya Bright Leaf Agriculture Journalism Awards.
Congratulations, Mga Kasama!