2015 Bright Leaf Agriculture Journalism Awards Binuksan
March 21, 2015

MANILA, Philippines - Opisyal nang binuksan ang 9th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards kama­kailan upang parangalan ang mga mamamahayag sa la­rangan ng agrikultura.

Para makakuha ng ma­­raming kalahok, ang Bright Leaf ay bumuo ng pangkat upang mag-ikot sa pangu­na­­hing mga siyudad sa bansa at hikayatin ang mga ma­mamaha­yag na sumali sa kumpetisyon.

Para sa taong ito, ang mga road shows ng Bright Leaf ay magtatampok ng mga es­pesyal na panauhin para magbahagi ng kanilang ka­alaman sa mga isyung pang-agrikultura sa bawat rehiyon.

Maging ang mga batikang mamamahayag at miyembro ng academe ay kasama rin sa diskusyon upang matulungan ang mga mas batang mamamahayag para mapabuti ang kanilang trabaho.

Ang Bright Leaf Awards ay naglalayong kilalanin ang pinaka-maganda at napapanahong istorya na nalathala o di kaya ay napakinggan sa radyo at telebisyon, at ipagdiwang ang mga obra ng mga photojournalists na matagumpay na nailalarawan sa pamamagitan ng kanilang mga litrato ang kahalagahan at estado ng sector ng agrikultura sa bansa.

Ang mga entries ay dapat malathala o ma-broadcast mula Sept. 1, 2014 hanggang Aug. 1, 2015, Tagalog man o Ingles. Ang deadline ng pag­su­sumite ng entries ay sa Sept. 4.

printercamerascreenlaptopvolume-medium linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram