Announcement: Thank you for your participation in the 17th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards.

Panahon – Bida Specials

by: Malu Cadelina Manar of DXND Kidapawan City
2014 Best Agriculture Radio Program or Segment

BIDA SPECIALS: Climate Resiliency Field School and Integrated Diversified Farming System as means to mitigate disasters in IP and Moro-dominated villages in Sultan Kudarat province

Episode title: ‘Panahon’

Dec 21, 2013

Part 1

Intro

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: PATULOY sa pag-init ang mundo.

Di na raw ito mapipigilan pa.

At ang epekto nito, matindi.

Nariyan ang matitinding bagyo (SFX: Storm)… at mga pagbaha (SFX: floods)

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: The Earth continues to get hotter.

Nobody could stop it.

And its effects are getting worse.

There are typhoons (SFX: Storm)… and floods (SFX: Raging waters).

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: PABAGU-BAGO na rin ang panahon.

Nariyang iinit, bigla namang uulan.

Kaya nga ba’t ang B’laan na si Aling Lory Balilid na taga-Columbio, Sultan

Kudarat nalilito na sa takbo ng panahon.

SOT: BALILID 1

“Sa ngayon unti-unting umiiba ang panahon, kung minsan, mainit masyado ang panahon, tapos, biglang umulan”

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: The climate is also changing.

There are times it gets hot, then, suddenly it rains.

This is why Aling Lory Balilid, a B’laan (native) from Columbio,

Sultan Kudarat, is in quandary as to the climate change.

SOT (SOUND ON TAPE): BALILID 1

“Today, the climate is changing. Sometimes, the weather is too

hot, then, suddenly it rains.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: ANG Columbio ay isang bulubunduking bayan sa lalawigan ng Sultan

Kudarat.

Pero ang malawak na bahagi nito halos kalbo na.

SOT: BALILID 2

“Siyempre, yung kalikasan, yan ang source ng ating tubig.

Pero sa panahon ngayon sa nakikita ko, wala na ang kalikasan. Sinisira

na. ang aming kakahuyan, wala na, kasi pinuputol nila.”

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: Columbio is a hinterland town in the province of Sultan

Kudarat.

But the largest part of it is already deforested.

SOT: BALILID 2

“There is no more forest. It’s already destroyed.

We have no more trees because they cut them down.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: MADALAS mga lumad ang nagiging biktima ng mga trahedya.

Katulad ng nangyari noong 1986, kwento ni Aling Lory.

SOT: BALILID 3

“Yun ang pinaka-last na binaha masyado ang Barangay Sinapulan,

pati na ang Columbio. Ang nangyari noon, may mga bahay

na naanod, may mga kalabaw, baka, then, naanod sila.”

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: The lumads are the usual victims of these tragedies.

Just like what happened in 1986, according to the story

of Aling Lory.

SOT: BALILID 3

“That was the worst flood that happened in Barangay

Sinapulan, also in the Poblacion of Columbio. What

happened then, there were houses that were destroyed

by floods, also our carabaos, cows got drowned.”

MUSIC: Indigenous (UP and Under)

VOICE OVER: PERO may mga paraan ang mga lumad para kayanin ang

hagupit ng kalikasan.

At alam n’yo ba na may naiibang sistemang ginagamit ang mga

B’laan upang malaman kung kelan darating ang mga kalamidad?

Alamin ang mga katutubong kaalaman at mga paraan para maiwasan

ang mga kalamidad at kung paano nila nalalaman ang pagdating

nito dito sa BIDA SPECIALS na may pamagat na –

“PANAHON”

Ako si Malu Cadelina Manar at ito ang BIDA SPECIALS.

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: But the lumads have ways in coping with the

disasters.

Did you know that the B’laans have a unique system of

knowing when would the calamity strike?

Let’s all find out these indigenous knowledge and ways

to prevent disasters and their way of knowing the coming of

a calamity here in BIDA SPECIALS with the episode –

“THE CLIMATE”

This is MALU CADELINA MANAR and this is BIDA SPECIALS.

Part 2

The B’laan Experience

MUSIC: Indigenous (Up and Under)

VOICE OVER: SI LORY BALILID, edad 36, ay B’laan mula sa Barangay

Sinapulan sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.

Sa kultura raw ng mga B’laan, tuwing buwan ng Abril sila

nagtatanim ng mais at palay.

Ito raw kasi ang panahon na maganda ang klima.

Pero sa ngayon, nagbago na raw ito.

Dahil madalas sa Abril dumarating ang malalakas na mga pag-ulan

at mga pagbaha.

SOT: BALILID 4

“Sa kultura po naming na mga Blaan, sa IP, sa buwan kasi ng April at May, buwan kasi yan ng pagtatanim. Yan ang panahon na magtatanim kami.

Pero sa ngayon, yan ang dahilan kung bakit nahirapan kami, tungkol sa

aming hanapbuhay, dahil oras ng pagtatanim, yan sana ang oras ng uulan

yan.

Pero sa panahon ngayon, hindi mo masyado ma-fix kung uulan siya o

hindi, kasi ang panahon natin, pabagu-bago, yan ang nakapagtataka kung

bakit pabagu-bago ang panahon.

Sa buwan ng July o August, dapat sa panahon na yan, harvest time.

Pero sa panahon ngayon, iba. Imbis harvest time, panahon na kami ay

nagtatanim, kung baga.”

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: The 36-year old Lory Balilid is a B’laan from Barangay

Sinapulan, Columbio, Sultan Kudarat.

According to the culture of the B’laan, it’s during the month of April that they plant corn and rice.

This is the time where the climate is good.

But today, it has already changed.

Because it is during April that they experience heavy rains and floods.

SOT: BALILID 4

“In our B’laan culture, as IP, it’s during the months of April and

May that we start to plant. This is the time where we plant.

But today, this is the reason why we’re having difficulty in our

work. Because at the time we plant crops, that’s the time it

rains.

Today, you could no longer fix if it’s going to rain or not. Our

weather is changing. This is surprising.

During months of July and August, this is already harvest time.

But today, it’s different. It was during harvest time that we

start to plant crops.”

MUSIC: Indigenous (UP and Under)

VOICE OVER: MAY dahilan raw ito, ayon kay Aling Lory.

At sinisi nya ang pag-uuling ng ilan niya’ng mga kababayan sa lugar.

Maging ang pagka-kaingin nakadagdag raw sa pagkakalbo ng gubat sa

Columbio.

SOT: BALILID 5

“Yung hangin, kung baga, nasa presko pa. at saka marami ka pang puno na nakikita. Pero sa ngayon, mukhang pambihira na makakakita ka ng forest. Kasi, inubos ng kaingin, kasi, yan ang ginagawa naming farm. Magkakaingin muna kami, ta-transfer sa isang bundok, taniman naman ng isang beses, at ililipat kasi sa isang erya na po.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: At pinangangambahan na ang pagpasok ng isang malaking

mining firm sa Columbio na lalo pang sisira sa kalikasan ng probinsiya.

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: There is a reason for this, according to Aling Lory.

And she blames the coal making of some of the lumads in the

area.

Even the Kaingin is contributing to the deforestation of Columbio.

SOT: BALILID 5

“The air was then fresh. And you could find so many trees then. But today, it’s seldom you would find a forest. It’s already destroyed by the kaingin. This has been our way. We do kaingin. We made that as our farm.

We do kaingin, then we transferred to another mountain. Then we will plant crops and then we transfer to other area.”

MUSIC: Kulintang (Up and Under)

VOICE OVER: ANG BAYAN ng Columbio ay pinamamahayan din ng mga Moro na

nagmula sa kalapit-bayan sa lalawigan ng Maguindanao.

Katunayan, higit kalahati ng populasyon nito ay mga Moro.

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: The town of Columbio is also inhabited by the Moro who came

from nearby province of Maguindanao.

In fact, almost half of the population of the place are Moro people.

Part 3

The Moro Experience

MUSIC: UP AND UNDER

VOICE OVER: ANG pabagu-bagong klima ng panahon sa Columbio walang pinipili.

Apektado lahat ng tao, anuman ang lahi nya o antas ng pamumuhay.

MUSIC (Kulintang): Up and under

VOICE OVER: NOONG taong 1998, isa ang Moro na si Baimen Simpal at pamilya nya

sa apektado ng 10 buwang tagtuyot na tumama sa Mindanao.

Matinding krisis raw ang tumama sa kanila dahil sa tuluy-tuloy na tag-init.

Nangamatay ang kanilang mga tanim.

Halos natuyo ang tubig sa mga ilog kaya’t apektado ang pinagkukuhanan nila ng tubig-maiinom.

SOT: SIMPAL 1

“Sobrang krisis po kasi noon. Apat ang ate ko na babae. Ang ginagawa ng ate ko, siya ang nagluluto sa amin. Na yung kalahating gantang sa apat na pamilya.

Una na ginagawa ng ate ko, nagluluto siya ng dahon-dahon ng gabi, as in gulay, tapos, saging.

Tapos, saka siya magluto ng kanin, tapos, gulayan niya uli. Kaya naka-survive ang mga pamilya, kasi busog na.”

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: The changes in the weather in Columbio affect everybody.

It affects all the people, whatever race or status in the society

they belong.

In 1998, Baimen Simpal and her family who are Moro are among

those affected in the drought that hit Mindanao, which lasted for 10 months.

They were hit by a crisis because of the severe drought.

Their plants died.

When their rivers dried up, their source of drinking water was affected.

SOT: SIMPAL 1

“The crisis then was severe. I have four sisters. One of them cooked for us. A ganta ( a measurement of dry content equivalent to three liters) was already enough for four families.

What she did first, she cooked the leaves of gabi (taro), then included bananas.

Then she cooked rice and she will cook vegetables. This was how we survived the crisis.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: SA KABILA ng matinding kalamidad, hindi iniwan ni Baimen at mga

kaanak nya, lalo na ng kanyang ama, ang barangay Datal Blao sa

Columbio.

SOT: Simpal 2

“1998, dalawa na ang anak ko e. Kasi sa panahon ng 1998 na tag-init, parang nag-survive ang mga pamilya. Yung tatay ko, hindi bumitaw sa Datal Blao. Kasi, kahit saan ka pupunta sa panahon na yun, tag-init talaga. Sabi ng tatay ko, kung lalayas tayo dito, wala tayong magagawa. Kasi may tanim siya dati na saging.”

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: Despite these calamities, Baimen and her relatives, most

especially his father, did not leave Barangay Datal Blao in Columbio.

SOT: SIMPAL 2

“In 1998, I already have two children. It was in 1998 that we experience the drought. But our families survived. My father did not leave Datal Blao. He told us, wherever you go during that time, it was drought. So he said, if we leave this place, we can’t do anything. He has banana plants.”

Part 4

Indigenous knowledge and Moro ways on agriculture in disaster mitigation

MUSIC: INDIGENOUS (UP AND UNDER)

VOICE OVER: GAMIT ang mga katutubong kaalaman, nagtatanim ang mga B’laan

tuwing Abril.

Tinitingnan din nila ang Takbo ng buwan.

SOT: BALILID 3

“Yung full moon sa Blaan dalawang uri. Ang full moon yan ang panahon ng pagtatanim ng mga kamoteng kahoy, gabi, at saka panahon din ng pagsisimba ng mga Lumad.

Yung matatanda namin, alam nila ang panahon ng full moon at alam nila kung walang full moon. Kahit bumagyo o umulan, kahit hindi nila makita sa ulap ang full moon, pero sa kanila, alam nila ang panahon. Kung ngayong gabi full moon o sa susunod na gabi.”

TRANSLATION: IN ENGLISH

VOICE OVER: Using the indigenous knowledge, the B’laans plant crops during

the month of April.

They also look at the weather.

SOT: BALILID 3

Full moon, for B’laan, has two types. The full moon, this is the time that we plant camote tops, tora, and this is also the time where the Lumads pray.

Our elders knew the time there’s full moon and when there’s none. Even if it storms or rains, even if they don’t see the moon on the clouds, they still know it.”

MUSIC (Indigenous Kulintang): Up and Under

VOICE OVER: KWENTO ni Aling Lory tumitigil lamang sila sa pagtatanim pagsapit ng

Agosto.

Ito, aniya, ay dahil dito na pumapasok ang tag-ulan.

Kaya’t ang mga buwan ng Agosto hanggang Setyembre ay panahon na r rin ng mga pagbaha.

Pero noon yun.

Iba na sa ngayon.

Dahil kahit buwan ng Enero umuulan, at bigla rin namang iinit.

SOT: BALILID 4

“Sa amin kasi sa buwan ng Agosto, dyan dumarating ang baha, then sa panahon ng tag-init, sa January to February, panahon ng tag-init.

Sa panahon ng tagulan, April to may.

Sa unang panahon, August to September, yan ang panahon ng baha.

Sa ngayong…. Takbo ng panahon ngayon.”

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: According to Aling Lory, they only stop planting during August.

This was because during August until September was the time of flooding.

But that was before.

Today is different.

It is during January that rains, then, all of a sudden, it gets hot.

SOT: BALILID 4

“For us, it was during the month of August that floods usually came, then, from January to February, it was dry season.

During the rainy season, April to May.

In the past, from August to September, this was the time of floods.

But today, the weather has changed.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: SA KADA TAON, dalawa o tatlong beses na dumarating ang baha sa

barangay ni Aling Lory.

SOT: BALILID 5

“Sa amin doon kung madalas ang malaking baha.

Question: SA ISANG TAON, GAANO KADALAS?

Dalawa o tatlong beses sa isang taon.”

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: Floods usually came twice or thrice a year in Aling Lory’s

barangay.

SOT: BALILID 5

“In our village, we usually experience floods.

Question: How many times in a year?

Twice or thrice a year.”

MUSIC (Kulintang): Up and Under

VOICE OVER: SA MGA Moro, ang tinitingnan nila kung darating ang tagtuyot o tag-

ulan ay ang tanim na kung tawagin nila ay, TIGBAW.

Pyogaw ang tawag rito ng mga Moro.

Makikita ang mga tanim na TIGBAW o PYOGAW malapit sa kalsada.

SOT: SIMPAL 3

“Ang pagkakaalam ko, ang ginagawa na dingding, yung namumulaklak ng puti. Basta yung sa highway. Kung mamulaklak yan, tag-init. Kung mawala ang mga bulaklak, tag-ulan na yan.

QUESTION: ANO’NG KLASE’NG KAHOY YAN?

Parang Tigbaw.

QUESTION: SA MGA MUSLIM, ANO YAN?

Pyogaw.

QUESTION: PAG NAMULAKLAK?

Ibig sabihin, tag-init.

QUESTION: PAG WALA NA?

May ulan na yan. Pero nagkakatotoo yan, Ma’am. Yung tatay ko, pag bilog ang buwan or full moon, magtatanim kayo dyan. Ang full moon, sabi nya, todo-suporta yan, so walang mangyayari sa farm nyo.”

TRANSLATION: In English

V0ICE OVER: For the Moro people, they would know if rainy or dry season is

coming from the plant they call, “Tigbaw.”

To some, it’s called Pyogaw.

You would find Tigbaw or Pyogaw near the roads.

SOT: SIMPAL 3

“As far as I know, it’s the shrub that we use as materials for making a wall. Its flowers are colored white. You can find them along the road. If you see their flowers, then, its rainy season. But if the flowers started to die, then, it’s dry season.

QUESTION: WHAT KIND OF TREE IS THAT?

It’s like Tigbaw.

QUESTION: FOR THE MORO, HOW DO YOU CALL THAT?

Pyogaw.

QUESTION: IF IT’S ALREADY FLOWERING?

That means, it’s dry season.

QUESTION: IF THE FLOWERS ARE GONE?

It means, rains are coming. There’s truth to that, Ma’am.

My father, if it’s full moon, is planting. He told us we must plant if it’s full moon.

If it’s full moon, there would be no problem with our plants.”

Part 5

How do the lumads and Moro cope with the effects of the disasters?

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: SADYANG matiisin ang mga Pinoy.

Ang katangiang ito kita sa mga Moro at Blaan sa Columbio, lalo na sa

panahon ng kalamidad.

Pero paano nga ba kinakaya nila ang hagupit ng kalikasan?

Sa mga Moro, matibay ang BAYANIHAN sa kanila.

Tawag nila rito ay, BETAL MAL.

Napatunayan raw ito ni Baimen kapag dumarating ang matinding tagtuyot sa kanilang bayan.

SOT: SIMPAL 4

“Opo, may zakat… ang ano kasi, parang Betal Man po yan, Ma’am. It’s charity sa Christians. Ang Zakat, halimbawa, yung farm po namin. Pag maka-harvest kami, halimbawa, makakuha kami ng P5 thousand, net income naming. Magbibigay ka dun sa amin.”

TRANSLATION (In English):

VOICE OVER: Filipinos are able to endure disasters.

This trait can be seen from the Moro and B’laans in Columbio.

But how do they cope with the ‘beating’ or ‘strokes’ of nature?

The ‘Bayanihan’ (cooperation) is very strong among the Moro people.

They call it, “Betal Mal.”

Baimen has proven that when drought hit their town.

SOT: SIMPAL 4

“Yes, there is what we call, ‘Zakat’ (tithes). We call that Betal Mal. It’s like charity to Christians. The Zakat (tithes), we cite as an example our farm. If we earn P5 thousand, we give a part of our income as Zakat (tithes).”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: NAPATUNAYAN din ni Baimen na mas maige’ng hindi lamang palay at

mais ang kanilang itatanim para umagapay sa kanila sa panahon ng kalamidad.

Kaya nga ba’t isa ang saging sa mga itinanim nila sa bukid.

Ito, ayon kay Baimen, ay dahil ang saging ay kayang mabuhay kahit panahon ng tagtuyot.

SOT: SIMPAL 5

“Ako, Ma’am, sa panahon ng tag-init kasi nga malawak ang sagingan ng father ko. Para bang lahat ng anak nya doon nakaka-survive sa tanim na saging ng tatay ko. Kada three months puwede siya i-harvest. Ang ginagawa ng tatay ko, halimbawa, ito’ng linya na ito, ito lang ang iha-harvest. In-alternate nya yung saging nya para hindi agad maubos, kasi nga, tag-init na. masasaktan nyan. Baka matagal na naman magbunga.”

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: Baimen has also proven that it’s okay to plant not only rice and

corn for them to survive, especially during the time of calamity.

This is why they plant banana in their farm.

For Baimen, bananas can endure even during dry season.

SOT: SIMPAL 5

“During the dry season, my father’s land was so wide. All of his children depended much on the bananas for survival. You can harvest bananas every three months. So what my father did was, this line of bananas would be harvested during this time, and next was the second. He rotated the harvesting. If he did not do that, the bananas might die and it would take years before they bear fruits.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: MALIBAN sa saging, nagtanim rin sila ng gulay tulad ng kamoteng

kahoy na puwede’ng mabuhay kahit walang tubig.

May mga tanim din sila’ng nyog na nakakatulong umagapay sa pangangailangan nila, ayon pa kay Baimen.

SOT: SIMPAL 6

“Yung kamoteng kahoy, kasi kapag itinamin mo, hindi mamamatay yan… kahit walang tubig.”

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: Aside from bananas, they also plant vegetables like camote

tops that can grow even if there is no rain.

They also have plants like coconut, which help them survive from their daily needs, according to Baimen.

SOT: SIMPAL 6

“It’s the camote tops. If you plant camote tops, they would not die even if there is no water.”

Part 6

The Climate Resiliency Field School and Integrated Diversified Farming as means to cope with disasters

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: ISA ang Rural Development Institute sa Sultan Kudarat o RDI-SK sa

mga non-government organizations o NGO sa mga tumutulong sa mga katutubong tulad ni Aling Lory at mga Moro na tulad ni Baimen.

Ang bayan ng Columbio ay isa sa dalawang mga bayan sa Sultan Kudarat na target ng kanilang proyektong, “Building Resilient and Adaptive Communities and Institutions in Sultan Kudarat” o BINDS.

Nakapaloob sa BINDS ang UNA, Climate Resiliency Field School o CRFS kung saan tinuturuan ang mga magsasaka na isulong ang organic farming.

At PANGALAWA, ang Integrated Diversified Farming System o IDFS kung saan ipinakikilala sa mga magsasaka ang multiple cropping.

INAMIN ni Anne Granada, ang communications officer ng RDI-SK, na

nahirapan sila’ng ituro sa mga magsasaka ang organikong paraan ng pagsasaka.

Pero sa kalaunan, unti-unti na raw nakikita ng mga magsasaka ang mga benepisyong makukuha nila sa paggamit ng naturang teknolohiya.

SOT: GRANADA 1

“Sa CRFS naming tinuturuan sila sa pagbasa ng climate. And then tinuturuan naming ng technology kung paano ito’ng mga crops nyo maka-survive sa climatic change.

Isa sa mga itinuturo namin ang SRI o System of Rice and Classirifcation. Sa isang ektarya, maliit na seeds lang ang kailangan. At maliit na inputs. Di na gagamit ng synthetic chemicals kundi organic.

Tinuturuan naming sila na gumawa ng sariling pestisidyo o fertilizers.

HOW ARE THEY ACCEPTING THE SYSTEM

Sa una, mahirap, kasi ang mga farmers naming, mahirap daw mag-GO into organic farming. Kasi gagawa pa sila ng sariling fertilizers at pesticides as compared na bibili na lang sila.

Pinapaintindi naming sa kanila yung kahalagahan ng pag=o-organic, and then, yung benefits na makukuha, halimbawa, kundi lang ang inputs pero ang harvest, mas marami.

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: The Rural Development Institute in Sultan Kudarat or the RDI-

SK is one of the non-government organizations or NGOs that help B’laans like Aling Lory and the Moro like Baimen.

The town of Columbio is one of the two towns in Sultan Kudarat that the RDI-SK is targeted as among its beneficiaries of its project, Building Resilient and Adaptive Communities and Institutions in Sultan Kudarat or BINDS.

Under BINDS are first, the Climate Resiliency Field School or CRFS where farmers are taught of organic farming.

And second, the Integrated Diversified Farming System or IDFS where the concept of multiple cropping is introduced to the farmers.

Anne Granada, communications officer of the RDI-SK, admits they have a hard time teaching the farmers the organic farming.

But as months go by, they learn to appreciate the benefits they get from using this technology.

SOT: GRANADA 1

“In CRFS, we teach farmers to read the climate. And then, we teach them the technology where their crops could survive climatic changes.

One of the things we teach them is the SRI or the System of Rice and Classification. A hectare needs only few seeds. And small inputs. They no longer use synthetic chemicals but only organic.

We teach them how to make their own pesticides and fertilizers.

QUESTION: HOW ARE THEY ACCEPTING THE SYSTEM

At first, it’s very difficult. Our farmers would tell us it’s so difficult to go into organic farming. They say they have to make their own fertilizers and pesticides as compared if they buy them.

We try to explain to them the benefits of organic farming, like, they only need small inputs but their harvests are many.”

Part 7

Organic Farming: Way to Mitigate Disaster

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: ISA ang agriculture engineer na si Christopher Dable sa mga unang

yumakap sa ganito’ng sistema sa higit dalawang ektaryang palayan niya sa Barangay Nomo sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Inamin ni Dable na hindi itinuro sa kanilang kursong, Bachelor of Science in Agriculture Engineering, ang tungkol sa organic farming.

Kaya naman hirap siya’ng yakapin ito no’ng una.

Pero kalaunan, tinanggap nya ang naturang teknolohiya kahit maging tampulan man siya ng tukso ng kapwa niya Magsasaka.

SOT: DABLE 1

“At saka bilang agriculture engineer, kailangan kong maintindihan yan. Kasi ang alam ko, hanggang chemical lang ang alam naming. Kaya tanong, bakit may ganito’ng school? So why not na pumunta ako? Kaya marami ako’ng natutunan na less inputs ang ilagay puwede nap ala makapag-harvest ng ganito kalaki.

Sa return of investments mo, ang layo.

Kaya tested na talaga ito’ng CRFS,.

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: Christopher Dable is an agriculture engineer who embraced the

system.

He used it on his two-hectare rice field in Barangay Nomo in Esperanza, Sultan Kudarat.

Dable admitted that he did not learn organic farming when he took up the Bachelor of Science in Agriculture Engineering.

This is why it was difficult for him to embrace the technology.

But he has learned to accept it even if it makes him a laughing stock among his peers.

SOT: DABLE 1

“As an agriculture engineer, I need to understand it. We were only taught of chemicals.

I was surprised there are schools like that. So I joined them. And I learned so many things… that less inputs you can harvest this much.

As to return return of investments, it’s a lot different,

This CRFS is already tested and proven to be effective.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: ANIM na buwan ding nag-aral sa ilalim ng Climate Resiliency Field

School ng RDI-SK si Engineer Dable.

Habang nag-aaral, agad din naman niya’ng in-apply sa kanyang palayan ang mga natutunan nya sa field school.

At heto ang naging resulta.

SOT: DABLE 2

“QUESTION: YUNG NA-STRESS NA PALAY, ANO ANG NANGYARI?

After ng one week, bumalik ang green. Ang ganda. Mag-walk n asana yung maintainer ko kasi ang pangit na, nag-yellow na, hindi pantay ang laki, tinira na ng mga insekto, like stem borer, tamasok.

Pag spray, OK na, ang ganda. One application lang.

WHAT ABOUT THE STEM BORER?

Ang mga stem borers, nawala din. No’ng nag-start ako, from land preparation pati pag-bedding ng Binhi, walang insekto. Ang ganda.”

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: Engineer Dable learned under the Climate Resiliency Field

School of the RDI-SK for six months.

While he’s into schooling, he applied what he learned in his own rice fileds.

And this is the result.

SOT: DABLE 2

“QUESTION: WHAT HAPPENED TO THE RICE FIELD?

After one week, it turned into green. It was beautiful. My maintainer was about to walk out. The rice field was not good. It turned already into yellow. It was infested by stem borers.

But when we sprayed it with organic, it’s OK, beautiful. One application only.”

WHAT ABOUT THE STEM BORER?

The stem borers are gone. When I started – from land preparation up to the bedding of seedlings. No insects. It is beautiful.

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: MATIPID raw ang organic farming, ayon kay Engineer Dable.

Simple lamang at madaling gawin ang spray para pataba at pestisidyo na kailangan ng palayan.

Dahil ang mga ito puwede’ng makuha sa kahit na saan.

SOT: DABLE 3

“A, hindi… yung hasang, mga lamang-loob

YUNG TINATAPON?

Oo, tinatapon na lang yun e.

TAPOS KINUKUHA NYO?

Opo, sabi ko, magdala lang ako ng balde doon. O, mga friendship, pahingi. Sabi nila, bili ka muna sa amin ng isda. So, bili ako. Lalo na pag market day. Isang balde dala-dala mo sa bahay mo. Libre nay un,

TAPOS, IPI-FERMENT MO?

Yes, at lalagyan ng sugar. Kung ilang kilo ng isda, ganoon din ang ilalagay na sugar. Ang juice noon, yun ang i-spray mo.

SA ISANG BALDE, ILANG EKTARYA NA ANG PUWEDE’NG MA-ISPREYAN?

Sa isang knapsack kasi, ginagamit namin isang tinapa, yung fermented juice, Then haluan ng tubig, 16 liters isang tinapa lang ang kapital.

Tapos lagyan ng Tanduay. May halong kemikal. Depende kung ano’ng klase ng insekto yan.

Identify mo dapat. Sa CRFS kailangan mo identify kung ano’ng klase’ng insekto.

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: You can save much when you do organic farming, according to

Engineer Dable.

It is so simple and easy to do the spraying as fertilizers and pesticides that rice fields need.

You can get them just anywhere.

SOT: DABLE 3

“No… you just used the wastes from fish.

THE ONES BEING THROWN AWAY IN THE MARKET AS WASTES?

Yes, that’s it. They throw them away.

THEN YOU GOT THEM?

Yes, I would just bring a pail there. I told my friends that I need their wastes from fish. But they would tell me, please buy us fish first. So I would buy from them, I do this during market day. I would bring a pail of fish wastes to my house. That’s already free.

THEN YOU WOULD FERMENT IT?

Yes. I would put sugar. The sugar you would put depends on the kilos of fish. You use the fermented juice as spray.

IN ONE PAIL, HOW MANY HECTARES?

In one knapsack, we use a can of sardines of fermented juice. Then you would add 16 liters of water.

Then we put in Tanduay (a brand of alcohol). It depends on the kinds of insects.

In CRFS, it’s important that we identify the insects that are destroying your crops.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: MALIBAN sa field school, namamahagi rin ng mga climate-resistant

seedlings ang grupo ni Granada sa kanilang mga farmer-beneficiaries.

SOT: GRANADA 3

“Yan yung tinuturuan namin ang mga farmers sa upland area sa Columbio at Esperanza na hindi lang mag-focus sa mono-cropping. Dahil ito yung practice nila. Kung palay, palay lang. kung mais, mais lang.

Halimbawa kung may disaster na darating, like bagyo or drought, kung naka-IDFS ka na, kung namatay man ang crop mo, may isang crop ka pa na ma-harvest.

Naging experience ito sa bagyong Pablo.

Kasi, yung sa ComVal, is mono-cropping. Plantation ng saging. So pagdating ni Pablo, wala, ubos lahat. Yung livelihood nila, walang naiwan.

And then sa Davao Oriental, niyog. Pagdating ni Pablo, lahat ng mga nyog, tumba.

So mag-wait ka na naman ng ilang years before ka mag-harvest.

Tinuturuan namin ang mga farmers na mag-integrated farming. Nag-provide kami ng coffee seedlings, rubber, coconut. Nagbigay kami ng cash crops, like vegetables, lalo na sa kababiahan, while they are waiting for high-value crops.

May other options sila ng kanilang livelihood.

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: ASIDE from field school, the group of Granada is also

distributing climate-resilient seedlings to their farmer-

beneficiaries.

SOT: GRANADA 3

“We teach our farmers in Columbio and Esperanza not to focus on one crop alone or this mono-cropping. This is already their practice. If they plant palay, then it’s all palay, or if it’s corn, then it’s all corn.

For example, if a disaster comes, like storms or drought, if you’re into IDFS, when a crop dies, there are still other crops that you could harvest.

Just like what we experience during Typhoon Pablo.

In ComVal, they practice mono-cropping. The plantation-type of banans. When Pablo came, everything’s gone. Nothing was left for their livelihood.

And in Davao Oriental, coconuts. When Pablo came, all the coconuts fell down.

So they have to wait for another cropping season.

We teach the farmers about integrated farming. We provided them coffee seedling, rubber, coconut. We also gave them cash crops like vegetables, especially to women, while they’re waiting for their high-value crops.

At least, they have options for their livelihood.”

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: AYON kay Granada ng RDI, ang organic farming at ang multiple

cropping ang ilan lamang sa mga paraan para makaagapay sa mga Magsasaka sa hagupit ng kalikasan.

Ito raw ay tumutulong sa kanila para maging climate-resilient.

SOT: GRANADA 4

“Sa sitwasyon NATIN ngayon, hindi na natin mapigilan ang pabagu-bagong panahon dahil sa sobrang init, at yan na nga yung climatic changes.

Pero puwede tayo mag-adopt as tao.

Yun nga, yung mga activities natin under BINDS, ito ay puwede – kung hindi naman puwede’ng pigilan, pero nag-a-adopt tayo sa climatic changes.

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: According to Granada of RDI, the organic farming and the

multiple cropping are only few of the ways for the farmers to

survive the strokes of nature.

These help them become climate-resilient.

SOT: GRANADA 4

“In our situation today, we could no longer prevent the abrupt changes in the climate because of too much heat. These are climatic changes.

But we can adopt to changes as humans.

That’s why under BINDS, we have too many activities, which will help us adopt to climatic changes.”

Part 8

Conclusion

MUSIC: Up and Under

VOICE OVER: SA SITWASYON ngayon, hindi na nga mapipigilan ang pabagu-bagong

klima o pag-init ng panahon.

At hindi lang naman Pilipinas ang apektado nito.

Alam n’yo ba na ang bansang Vietnam na isang tropical country na tulad ng Pilipinas nakaranas ng pag-ulan ng snow nito lamang Disyembre?

Kauna-unahan raw ito sa kasaysayan ng Vietnam sa nakalipas na ilang dekada.

Patunay raw ito na nagbabago na nga ang panahon.

At dahil hindi na ito maiiwasan, napapanahong ituro sa tao kung paano sila maging resilient o paano nila kayanin ang hagupit ng kalamidad na tulad ng mga bagyo at tagtuyot.

Sa mga magsasakang Blaan at Moro sa Columbio at mga Ilonggo sa Esperanza, itinuturo ng isang NGO ang pagiging resilient nila kapag panahon ng kalamidad.

Pinagyaman lamang nila ang mga katutubong pamamaraan o sistemang pinairal noon na binago ng mga nakaraang dekada.

Sabi nga nila, kung sana pinananatili ng mga Pinoy ang tradisyunal na sistema ng pagtatanim at hindi yaong teknolohiyang nakadepende sa sintetikong mga pataba at pestisidyo, e, di sana ay kinaya nila ang hagupit ng mga bagyo at tagtuyot na dumarating sa kanila.

Ako si MALU CADELINA MANAR at ito ang BIDA SPECIALS.

OUTRO: SPECIAL REPORTS

TRANSLATION: In English

VOICE OVER: In our situation today, indeed, we could no longer prevent

climatic changes.

And this affects not only the Philippines.

Did you know that Vietnam which is a tropical country like the Philippines has experienced snow last December?

This was the first in the history of Vietnam.

This showed the changes in the weather.

And because we could no longer prevent it, it’s high time that we teach our people to become resilient for them to cope with the strokes of nature, like the storms and drought.

For B’laan and Moro farmers of Columbio and the Ilonggos in Esperanza, an NGO teaches them to become resilient, especially in times of calamities.

They use the traditional way or system, which were altered in the past decades.

They said, if only Filipinos have used the traditional system of planting and did not embrace the technology that depended so much on the synthetic fertilizers and pesticides; it could have helped them become resilient when nature strikes, especially when typhoons and drought come.

THIS IS MALU CADELINA MANAR AND THIS IS BIDA SPECIALS.

OUTRO: SPECIAL REPORT