Magtanim ay di biro

by: i-Witness of GMA Network Inc.
2024 Agriculture Story of the Year

Magtanim ay di biro

 

[SERENE MUSIC]

 

KARA: Enero at Pebrero

ang pinakamalamig na panahon

sa probinsiya ng Benguet.

 

Kasabay ng pagdating ng Amihan,

ang pagsibol ng mga repolyo.

 

Limang buwang inalagaan

ng mga magsasaka ng Buguias

ang mga repolyong ito.

 

Nagbungkal ng lupa,

 

nagtanim ng punla,

 

yamang iningat-ingatan,

 

limang buwang pinaghirapan

at inasahan,

 

pero sa huli…

-Ay, patay ka sa akin.

 

KARA: …nakapanghihinayang

na itatapon lamang.

[MOWER WHIRRING]

 

Kasagsagan ng Amihan

nang magtungo kami sa Buguias

sa probinsiya ng Benguet.

 

Pero gaano man kalamig

ang panahon,

puspusan ang mga magsasaka

sa pag-aani.

 

Papunta ako rito

sa farm ni Janaret.

Isa sila roon sa mga pamilya

na matagal nang nagtatanim

ng mga repolyo rito sa Buguias.

[MELLOW MUSIC]

 

KARA: Anim na taong gulang lamang si Janaret

nang matuto siyang magtanim

ng gulay.

 

Ang kapirasong lupang ito

sa gilid ng bundok

ang tanging pamana sa kaniya

ng mga ninuno.

 

Hello, Nay.

 

-Hello po, ma’am.

 

-Magbebenta kayo ngayon?

 

-Magkano po puhunan ninyo rito?

 

KARA: Para mabawi

ang puhunang P40,000,

kailangan daw nilang maibenta

ang repolyo ng P20 kada kilo.

 

Kaya maingat na pinipili

nina Janaret

ang mga repolyong ibibiyahe.

 

Pero hindi lang ganda ng repolyo

ang nagdidikta

ng magandang presyo.

 

Ayon kay Janaret,

sugal daw ang kabuhayang ito.

 

Minsan, kahit gaano kaganda

ang iyong ani,

umuuwi ka pa ring lugi

 

kapag natiyempo sa mga buyer

na barat magpresyo.

 

-Iyong iba, talagang tamang-tama sa mga magagandang presyo

pero sa amin kasi,

kapag late ka nang nagtanim,

siyempre ang aabutin ay mababa.

 

Pero hindi namin alam kasi.

 

-Parang sugal din iyon, ma’am. KARA: Ang alin?

-Iyong ganoon na pagtatanim

para makatsamba ka,

ganoon, ma’am. [CHUCKLES]

-Tsamba-tsamba?

-Oo, ma’am.

 

KARA: Ilang buwan na raw silang malas sa merkado.

 

Pero dahil magaganda ang mga tanim nilang repolyo ngayon,

umaasa si Janaret

na sa pagkakataong ito,

dadapuan na sila ng suwerte.

 

Kapag suwerte sila,

maibebenta nila ng P20 per kilo iyong mga repolyo,

kikita sila ng P40,000,

so breakeven lang sila.

Pero kapag minalas-malas sila

na maibenta ito ng less than P10

or even P10 per kilo,

 

luging-lugi iyon,

luging-lugi talaga.

 

[HORN HONKS]

 

[UPLIFTING MUSIC]

 

KARA: Halos tatlong tonelada

ng first-class na repolyo

ang ibibiyahe nila

patungong La Trinidad

Trading Post.

 

Sana nga ito na ang maghahatid

ng buwenas sa kaniyang pamilya.

 

Bago namin iniwan si Janaret,

ilang bata ang nakita kong naglalaro sa taniman.

 

Sayang naman ito, ma’am.

 

KARA: Ha?

 

KARA: Fertilizer na lang?

[CHILDREN LAUGHING]

 

KARA: Puwede pa sana

iyong ano…

Hindi na iyan maibebenta?

 

[MOROSE MUSIC]

 

KARA: Ayon kay Janaret,

 

mapili raw ngayon ang mga buyer sa La Trinidad.

 

Binabarat ang mga repolyo

kapag hindi nakaayon sa sukat.

 

Kaya imbis na ibenta,

itinatapon na lang ito.

 

[BRENT SPEAKING

IN LOCAL LANGUAGE]

 

REPORTER: Kahit sino, manghihinayang

kung ang tone-toneladang repolyong nasa P30,000

to P50,000 ang halaga,

itinapon na lang.

BRENT: Wala pong bumibili,

ma’am.

 

At saka mababa iyong presyo

kaya inuwi na lang namin.

 

KARA: Ilang buwan nang problema

ng mga magsasaka ng Benguet

ang sinasabing oversupply

ng mga repolyo.

 

Ayon sa mga awtoridad,

kakaunti lang daw

ang mga umaakyat na buyer

kaya hindi nabibili

ang lahat ng repolyo.

 

Ang mga hindi naibebenta,

itinatapon na lang

sa gilid ng kalsada.

 

Kung ang Department

of Agriculture ang tatanungin,

sobra-sobra daw kasi

ang itinanim ng mga magsasaka

kaya nagkaroon ng oversupply.

 

Pero oversupply nga ba talaga

ang dahilan

kung bakit binabarat

ang mga magsasaka?

 

Iba ang pananaw

ng lokal na pamahalaan.

-May effect din

iyong importation na gulay na…

Kasi lalo na iyong carrots

at saka ibang gulay

na pumapasok dito

sa bansa natin.

Kasi hindi na sila pupunta, aakyat iyong buyers

dito sa Benguet

 

because may supply na sila

sa local, sa Manila.

 

KARA: Ilang taong pinag-aralan

ni Dandy

ang pagtatanim ng gulay

sa Buguias.

 

Isang dating guro

sa public school,

 

nagdesisyon si Dandy

na maging magsasaka

 

para palaguin

ang lupang minana niya

sa kaniyang mga magulang.

 

Tulad ng ibang magsasaka,

 

nagtataka rin si Dandy

kung bakit sobrang baba

ng presyo ng repolyo sa merkado

gayong wala naman silang binago

sa nakagisnang estilo

ng pagtatanim.

 

Dati raw, naibebenta pa nila ito

ng P20 kada kilo.

 

-Noon kasi,

ang pagbebenta namin,

-diretso sa bodega ng buyers.

-Mm-hmm.

 

DANDY: Nakukuha lahat

iyong mga gulay namin

na wala namang naititira

o naibabalik o naipamimigay.

Hindi katulad ngayon

na halos ipamigay.

-Bakit po ngayon

ipinamimigay na lang?

Ano po iyong pagkakaiba ngayon?

-Kasi wala nang buyer

tapos kaysa mabulok sa sasakyan

o dili kaya itapon

sa mga gilid-gilid,

tapos kung ibabalik din naman para itapon sa garden

ay nakakokonsumo ng–

malakas sa krudo.

 

MAN: Repolyo.

 

KARA: Apat na tonelada

ng repolyo ang naaani ni Dandy

mula sa kaniyang taniman.

 

First-class ang bawat isa,

 

alaga sa abono

at magandang klima ng Benguet.

 

MAN: Iyan.

 

KARA: Sana sapat na ito

para makabawi kahit papaano.

 

Kinabukasan, maagang ibiniyahe

patungong La Trinidad

ang mga gulay.

 

Mahigit apat na oras sa kalsada

ang mga repolyo.

 

Sana hindi ito mabugbog

sa biyahe.

 

WOMAN: Pechay mo.

MAN: Magkano ang per kilo mo?

 

[UNSETTLING MUSIC]

 

KARA: Bahagya akong kinabahan

nang makita ko ang dami

ng repolyo sa bagsakan ng gulay.

 

Ito na nga ba ang sinasabi

nilang oversupply?

 

Maibenta kaya

nina Dandy at Janaret

ang kanilang mga repolyo?

 

Parang puro repolyo

at saka patatas.

 

-Eh di 30 pieces na.

 

KARA: Akala ko, isang tao lang

ang kakausapin

para mabili ang mga repolyong aming dala.

 

Pero marami palang prosesong

pinagdaraanan ang repolyo

bago ito naibebenta.

 

Nariyan ang mga disposer,

sila ang nag-aalok ng repolyo

sa mga buyer o purchaser.

 

Hindi ka puwedeng dumiretso

sa buyer.

Eh, paano ang kinikita ninyo?

KARA: Kailangan dumaan ka

sa kanila.

At kada kilo na iyong maibenta,

 

piso ang kanilang komisyon.

Ngayon, magkano kaya

ang benta riyan?

RAMON: Nasa P10 po naman

ang repolyo ngayon.

-Sampung piso?

 

Bakit sampung piso lang?

-Eh, depende naman kasi iyan

sa dami ng dumarating.

 

Kapag marami ang gulay talaga,

talagang ganiyan ang bagsak.

Kapag kaunti ang gulay, tataas.

 

KARA: Sampung piso ito?

Basta green siya at saka mayroon

pang dahon dito sa labas?

RAMON: Mm-hmm.

-Eh, ito?

-Ito iyong tinatawag nilang

“second-class.”

-Second-class ito.

-Sais, siyete, otso pesos,

kasi diperensiya lang.

-Mayroon pa bang

mas mababa pa sa siyete pesos?

-Mayroon.

-Anong hitsura noon?

Iyong third-class,

ano ang hitsura ng third-class?

-Kasi mayroon din kasi na ganito

na mababa, tres pesos, kilo.

-Ha? Hala,

bakit tatlong piso lang?

-Wala, eh, iyon talaga,

wala tayong magagawa rin

kung talagang–

Wala, sugal.

 

RUDY: Kaya hindi po masasabi na,

“Bagsak pala roon sa Benguet, bakit dito mahal?

Siyempre, magta-travel pa

iyong gulay.

 

-Ah…

-Hindi naman po

porke’t kuwatro pesos dito,

kuwatro pesos din doon.

Paano naman po

iyong mga boss namin

na kikitain ang pagbabayad

sa amin, ng sasahurin namin?

[DISTRESSING MUSIC]

 

Tulad ngayon, iyong repolyo…

KARA: “Purchaser” naman

ang tawag sa mga tulad ni Rudy.

Sila ang nagdadala ng repolyo

para ibenta sa mga palengke

sa Divisoria.

 

Expert sa tawaran

ang mga tulad niya.

Oo. Eh, ngayon,

magkano ang presyo ngayon?

-May P12, may otso pesos,

may siyete pesos.

 

Kumporme sa kalidad ng gulay.

 

KARA: Iyong mga ganito?

-Ito iyong mga first-class

na hindi natin masabing pangit

pero iyong order ko,

hindi puwede rito

sa hitsura niya.

-Masyadong malaki?

-Hindi po.

Hindi siya masyadong malinis

at saka may something.

 

KARA: Kapag nagkasundo na

sa presyo

ang purchaser at disposer,

daraan ang mga repolyo

sa mga tinatawag na “por dia.”

[PERCUSSIVE MUSIC]

 

Sila ang magre-repack

ng mga repolyo

bago ito muling bumiyahe

palabas ng La Trinidad.

 

Ang bayad sa kanila,

P400 kada tao.

 

Isa lang ang naisip ko

nang malaman ko ang mahabang

proseso ng tawaran sa bagsakan.

 

May maiiwan pa kayang kita

para sa mga magsasaka?

 

Ano po sana iyong breakeven

na presyo?

 

-Ang breakeven ng mga repolyo

kapag maganda iyong harvest,

nasa P25 sana pataas.

-Ah, P25 per kilo?

-Sana. Oo, ma’am.

 

KARA: Pero ang P25 na inaasahan,

malayo sa presyong kinalabasan.

 

Ang apat na tonelada ng repolyo

ni Dandy,

nabili lang

sa halagang P11 kada kilo.

-So iyong sa inyo,

P11 na ho nabili?

-Oo, ma’am.

-Okay na sa inyo iyon?

 

–Kulang, pero kaysa sa iyong masira sa farm

o maiwan diyan

at mabalatan lahat

ay sayang din.

Kahit…

-Kahit papaano,

pagtiyagaan na lang?

-Yes, ma’am.

Bawi na lang sa susunod,

sakaling tumaas.

 

KARA: Kung P11 lang nabili

ang mga repolyo ni Dandy,

 

paano pa kaya si Janaret?

 

-May natira.

-May natira. Magkano po–

KARA: Ang asawa niyang si Juni

ang namamahala

sa pagbebenta ng mga repolyo.

 

Isang buong araw silang

naghintay sa bagsakan

bago nakahanap ng bibili.

 

Ang resulta,

sampung piso kada kilo lamang.

Ang iba, tinawaran pa

ng pitong piso

at binawasan pa ng komisyon.

-So, ten pesos ninyo naibenta

pero nine pesos lang

mapunta sa kanila?

-Oo.

-Tapos ito, six pesos…

 

-Six pesos pero magkano ninyo

binili kanina? Seven pesos?

 

-So, magkano lahat-lahat?

 

-Twenty-two–

-P22,815.

 

KARA: P22,815 ang kabuuang

nakuha ni Mang Juni.

Akala ko maiuuwi na niya ito

kay Janaret, pero…

-Anong expenses?

-Ginamit na papel,

-iyong pambayad sa papel.

-Bayad sa papel, P4,000?

-Oo.

JUNI: Papel at saka plastic.

-Tapos, por dia–

-Ah, iyong diyaryo

at saka iyong plastic at saka…

 

-Tapos, iyong por dia

na nag-impake.

KARA: Iyong nag-impake.

BUYER: Mahal kasi iyong plastic

at saka papel.

KARA: Mahal iyong plastic

at saka papel?

-Oo, iyong papel pa lang,

P1,100 na kaagad.

-Ah, P1,100 na kaagad iyon?

-Oo.

-Diyaryo lang iyon, ah.

Okay.

-Tapos iyong plastic,

P1,000 kaagad.

-One thousand pesos kaagad,

plastic lang?

-Mm-hmm.

-Ah.

-P1,080, tapos…

 

Tapos may por dia na apat.

JUNI: P1,600, apat na.

-P1,600, so magkano lahat

ang expenses nila?

-Iyan, ma’am, P4,400.

-P4,400. Ah.

 

So magkano lahat

ang kikitain nila?

 

-Eh, ang imina-minus

namin doon…

-Eighteen thousand pesos?

-Mm-hmm.

-Eighteen thousand pesos, Tay.

 

KARA: Pero hindi pa pala rito

natatapos

ang obligasyon ni Mang Juni.

 

Kailangan pa kasi niyang bayaran

ang truck na naghatid

ng repolyo.

 

P9,500, ano? P9,500.

Kasama na ang krudo riyan?

-Oo.

 

KARA: Pinagmasdan ko ang naiwang

pera sa kamay ni Mang Juni.

 

Naalala ko si Janaret

at ang kaniyang pagsisikap

sa bawat repolyong itinanim.

 

Magkano na lang naiwan, kuya,

na pera?

 

-Eight thousand seven hundred…

-P8,800.

-P8,800…

-Twenty.

-Tapos sino pa

ang babayaran ninyo?

 

-Ang nag-harvest?

-Oo, ma’am.

-Ilan ang nag-harvest?

 

-Twelve.

-Dose.

Magkano ang…

-Two hundred pesos.

KARA: Two hundred pesos, 12…

 

P2,400? P2,400.

-P2,400.

 

P8,800.

P8,800 minus P2,400.

 

P6,400, may maiiwan pa

sa iyong 6,400.

-Kahit pambigas.

 

Oo, hindi talaga ano iyon.

 

[JUNI CHUCKLES]

 

Hindi natin– Magtanim.

KARA: Magtatanim na lang ulit?

-Oo.

 

[SPEAKIN IN LOCAL LANGUAGE]

 

KARA: Kuwarenta mil pesos

ang kanilang ipinuhunan,

limang buwang pinaghirapan,

 

tatawaran lang pala ito

at mauuwi sa P6,000.

 

Ilang hakbang mula sa bagsakan

ng gulay sa La Trinidad,

isang palengke

ang nagbebenta rin ng repolyo.

 

At nang tanungin namin

ang presyo,

P25 kada kilo na ito.

 

At nang bumaba kami

ng Baguio City…

 

Ate, magkano repolyo?

 

-Fifty pesos po per kilo.

-Fifty pesos?

 

KARA: Isang oras lang ang layo ng Baguio sa La Trinidad

pero dito pa lang,

ang P10 repolyo,

umakyat na sa P50 ang presyo

kada kilo.

 

Bakit sa bagsakan, mas mura?

-Ay opo,

kasi pasa-pasa na rin, ma’am.

KARA: Ah.

-Kagaya po niyan,

in-order ko po sa isang

nagsu-supply rin sa amin…

-Oo.

-May patong din siya.

-Pero galing din ito

ng trading post?

-Yes po, trading post din.

 

-Tinatanggal namin

iyong outer leaf

kasi binibili namin iyan

na ang daming dahon.

 

-Ah, kapag binili ninyo, maraming dahon?

-Then, lilinisan na namin.

-Ah, nilinisan ninyo na.

-Kaya P50 na rito?

-Yes.

-Eh, siguro sa Manila,

mas mahal pa.

-Ah, yes po.

 

KARA: Sa mga palengke

ng Maynila,

ang repolyo, pumapatak ng P80

hanggang P100 kada kilo.

 

Alam kaya ni Janaret

na ganito pala ang halaga

ng kaniyang produkto?

 

Ano ang mararamdaman mo

kung pagkatapos

ng limang buwang paghihirap,

ang repolyong

pinakainingat-ingatan mo,

 

ay bibilhin lang pala

ng P10 kada kilo?

 

JANARET: Kasi iniisip mo

iyong gaano kahirap

tapos isinasama

iyong mga bata, ganoon po ma’am.

Kapag ganiyan na mababa

ang presyo,

medyo… parang

nakaiinsulto, ma’am.

 

Kasi siyempre, inaasahan mong maganda ang presyo

pero ganoon pala.

 

KARA: Hindi ito ang unang beses na nalugi sa bentahan

si Janaret.

 

Pero alang-alang sa mga anak,

 

hindi raw siya puwedeng tumigil sa pagtatanim.

 

Bakit po kayo nagtatanim pa rin?

-[LAUGHS] Ah,

sakali lang, ma’am,

para kahit na ganiyan,

para mabayaran ang utang,

para po sa kahit na ano

ay makipagsapalaran, ma’am.

-Mm-hmm.

 

Magkano po ba utang ninyo?

-Siguro baka papunta

ng P200,000.

KARA: Hala.

-Yeah.

KARA: P200,000?

-Yes, ma’am.

-Paano ninyo po babayaran

iyong P200,000 na utang?

 

-Talagang tuloy ang pagtanim

para kung makatsamba,

 

doon na babayaran.

[CONTEMPLATIVE MUSIC]

 

KARA: May kasabihan,

“Hindi magugutom

ang taong marunong magtanim.”

 

Pero para sa mga magsasaka

ng Buguias,

 

tila hindi na ito totoo.

 

Kaya naman pinagsisikapan na

ni Janaret

na pag-aralin

ang kaniyang mga anak.

 

Sa pangarap na balang-araw,

makatakas sila sa hirap

ng pagbubungkal ng lupa.

-Wala na kaming

pupuntahan, ma’am.

 

Wala na.

 

Alangan naman na magnakaw ka,

alangan naman na…

 

[CHUCKLES] gagawa ka ng– magtatanim ka nang hindi…

 

-Hindi maganda.

-Mm-hmm.

Pagtiisan na lang, ma’am.

 

 

KARA: Sa aking paglilibot

sa Buguias,

nalaman ko na hindi lang pala

si Janaret

ang may ganitong sinapit.

 

Sa paanan ng isang burol,

isang animo’y sementeryo

ng mga repolyo

ang tumambad sa amin.

 

Limang buwang pinaghirapan

ng mga magsasaka

na itanim at patubuin

itong mga repolyong ito

 

pero dahil alam nilang

malulugi lang rin naman sila

kapag ibinenta nila ito

sa trading post,

may ilang mga magsasaka rito

sa Buguias,

ang ginawa na lang nila,

 

pinabubulok na lang nila sa lupa ang kanilang pinaghirapan.

 

[PANTING]

 

KARA: Sa ating kultura,

ang panahon ng anihan

ay panahon ng pagdiriwang.

 

Pero ngayon,

panahon na ito ng kalungkutan.

 

At ang mga repolyong

pinaghirapan,

 

ililibing na lang muli sa lupa.

 

Ano na pong gagawin ninyo rito

sa mga repolyong ito,

ibebenta natin?

 

-Hindi, pang-abono na.

 

KARA: Anong pang-abono?

 

-I-decompost at maging abono.

-Ah, pabubulukin ninyo na lang?

-Oo.

-Hindi ninyo na ito ibebenta?

 

Bakit po?

 

-Dahil sa mababang presyo.

 

-Magkano lang ba ito bibilhin

sa inyo kapag sa merkado?

 

-Two pesos lang sa merkado.

-Bakit po dalawang piso lang?

 

Ano ang sabi nila?

 

-Oversized iyong malalaki.

-Ah, oversized.

 

KARA: Kung dalawang piso

kada kilo lamang bibilhin

ang mga repolyong ito,

 

kukulangin pa ang kita

para pambayad sa truck

at gasolina.

 

-Kulang sa–

iyong trasportasyon kasi,

-kuwatro pesos.

-Oh, tapos?

 

-Tapos iyong por dia

ng magbubuhat

-hanggang sa sasakyan…

-Oo.

 

-Piso.

-Piso.

 

-Malulugi ka pa?

-Lugi, oo.

 

KARA: Bakit ka pa mag-aani

kung wala rin namang bibili?

 

[MOWER WHIRRING]

 

Kaya ang panahon ng anihan,

panahon na rin ng pagbubungkal.

 

Kasama ang limang buwang

pinaghirapan at inasahan.

 

ASEC. DE MESA: Sa report sa atin

ng ating regional field office sa Cordillera,

kasama ng mga lokal

na pamahalaan,

ay sinasabi po

at nakumpirma natin

na wala naman pong oversupply

ng mga pangunahing gulay

rito po sa ating

Baguio Trading Center.

 

Ganoon din po

sa La Trinidad.

At in fact ay mayroon pa pong maliit na reduction

sa production po natin

noong 2023

kung ikukumpara po natin

noong 2022.

KARA: Sinikap naming kuhanin

ang panig ng Department

of Agriculture

 

pero tumanggi silang magbigay

ng panayam.

 

Noong January 8,

naglabas ng balita

ang Department of Agriculture

na balik na raw sa normal

ang presyo ng mga repolyo.

 

Wala na raw oversupply

dahil nabibili na ang lahat

ng repolyo sa palengke.

 

Ngayon ko lang naintindihan

 

kung bakit kaunti na lang

ang dinadalang gulay

sa bagsakan.

 

Dahil imbis na anihin,

ang mga repolyong pinaghirapan,

 

pinabubulok na lang.

 

 

 

 

KARA: Hanggang ngayon, hindi pa rin maipaliwanag ng gobyerno

ang tunay na dahilan

ng pagbagsak ng presyo

ng repolyo.

 

May nagsasabing kasalanan daw

ng mga magsasaka

dahil sumobra sila sa ani.

 

Smuggling naman

ang hinala ng iba.

 

At may nagsasabing

resulta raw ito ng importasyon

mula sa ibang bansa.

 

Ano pa man ang dahilan,

isa lang ang sigurado.

 

Magsasaka lang ang natalo

sa sitwasyong ito.

 

Kung sino pa ang naghirap

sa taniman,

 

siya pa ang uuwing luhaan.

 

Dati, akala ko peste

at bagyo lamang

ang kalaban ng mga magsasaka.

 

Pero matapos kong masaksihan

ang sinapit ng mga taniman

sa Buguias…

 

nalaman kong ang tunay nilang kalaban ay hindi peste at bagyo.

 

Mas malaking kalaban ang tao.

 

Ako po si Kara David

at ito po ang I-Witness.

  • Pages:
  • 1
  • 2