Announcement: Thank you for your participation in the 17th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards. Congratulations to all our winners!

Information Dissemination on Avian Flu Outbreak at San Luis, Pampanga

by: DAR Field Office 3 MANA of DWRW 95.1 FM Pampanga
2017 Best Agriculture Radio Program or Segment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGIONAL FIELD OFFICE 3

MANA: Maunlad Na Agrikultura sa Nayon Mag-agri Tayo

DWRW 95.1 FM Pampanga

INFORMATION DESSIMINATION ON AVIAN FLU OUTBREAK AT SAN LUIS, PAMPANGA

VOICE OVER: INYONG PINAKIKINGGAN ANG MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYON, MAG-AGRI TAYO!

TYRA: PHILIPPINE STANDARD TIME IS TEN DOWN THE HOUR OF ELEVEN O’CLOCK. IKALAWANG ORAS NA PO TAYO NG MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYON, MAG-AGRI TAYO! ATIN PONG KAPILING ANG MGA KAIBIGAN MULA SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION 3 SA PANGUNGUNA PO YAN AT SA NGALAN NG REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR DA RFO 3 ENGINEER ROY M. ABAYA, LIVE PO DITO SA HIMPILAN, ANG CHIEF NG INFORMATION SECTION, SIR JUN B. ESPIRITU, ANG WRITERS PO NG INFORMATION SECTION, NERISSE NICOLE P. BURGOS AT HAROLD R. MUNGCAL. AT LIVE PO NATIN KAKUWENTUHAN NA, NGAYON NA, NOW NA. ANG CHIEF NG REGULATORY DIVISION, DA-RFO 3, SI DOC EDUARDO LAPUZ. USAPANG BIRD FLU VIRUS PO TAYO. SAPAGKAT KAGABE, KAHAPON ANG MGA NAGLABASAN NA SA SOCIAL NETWORKING SITES, ETO NGA, “BIRD FLU OUTBREAK SA PAMPANGA, NASA 38,000 NA MANOK, PATO AT PUGO NAMATAY DAHIL SA PAGKALAT NG AVIAN INFLUENZA VIRUS SA SAN LUIS. COULD YOU PLEASE SHARE WITH US, ANO PO BA ITONG BALITANG ITO, ANO ANG BIRD FLU NA ITO?

DOC LAPUZ: MULI MAGANDANG UMAGA SA ATING MGA TAGAPAKINIG. ACTUALLY PO ANG BIRD FLU OR AVIAN INFLUENZA, MORE SCIENTIFIC NA PANGALAN NYA, AY MATAGAL SANA NATING PINAANGALAGAAN NA WAG MAKATAMA DITO, MAKAPASOK DITO MAKAPASOK SA ATING MGA POULTRY INDUSTRY DITO SA, DI LANG DITO SA ATING REHIYON KUNDI SA BUONG PILIPINAS. SUBALIT SA KASAMAANG –PALAD AY NAGKAROON NGA PO TAYO, DAHIL KATULAD NG PRONOUNCEMENT NG ATING MAHAL NA KALIHIM, KAHAPON AY TALAGA PONG MERON TAYONG AVIAN FLU VIRUS INTRUSION DITO SA ISANG LAYER FARM SA SAN LUIS, PAMPANGA.

TYRA: ISANG LAYER FARM LANG PO ITO?

DOC LAPUZ: MARAMI PO KAMING AAH, ANIM NA, ACTUALLY ANIM NA FARM YUN PONG BINISITA NATEN, NA TINATAWAG NATIN NA SUSPECT FARM, KASE PO MGA NAGREPORT ITO NA MAY UNUSUAL DEATH, PERO SO FAR PO ANG NAG POSITIVE DUN, O REACTORS NA TINATAWAG NATIN DUN SA BIRD FLU VIRUS AY YUNG ISANG FARM, NA LAYER FARM SA SAN LUIS NA HINDI KO NAMAN PO MUNA MATUTUKOY YUNG PANGALAN TO PROTECT NAMAN YUNG KANILANG FARM.

TYRA: PAANO PO NONYO NALAMAN? MERON PO BANG NAGREPORT MULA SA FARM NA ITO O MGA CONCERNED CITIZENS LANG PO?

DOC LAPUZ: MERON PONG AAH NAGBALITA O NAGREPORT SA ATING OPISINA, SO IMMEDIATELY, KASE GANITO PO NAMAN PO TALAGA YUNG DAPAT NA PROSESO DIYAN, PAG MAY NAGREPORT, IMMEDIATELY YUNG ATING REGIONAL OFFICE HANGGANG PROVINCIAL OFFICE CONCERN, AY MAGKOKO, MERON SILANG TINATAWAG NA INVESTIGATION TEAM NA PUPUNTA DUN SA AREA TO INVESTIGATE AND THEN TO COLLECT SAMPLES DUN SA MGA AFFECTED NA ANIMALS.

TYRA: HMN OK. ANO PO YUNG SINTOMAS NG PAGAKAKAROON NG BIRD FLU NG MGA HAYOP?

DOC LAPUZ: ANG BIRD FLU PO KASE IS A, SA INGLES PO IS HIGHLY CONTAGIOUS, ANG IBIG SABIHIN PO NAPAKABILIS KUMALAT. HIGHLY CONTAGIOUS DISEASE OF BIRDS, SO PAG SINABI PO NATING BIRDS, HINDI LANG CHICKEN, KASAMA ANG MGA QUIAL, KASAMA ANG MGA TURKEY, ALTHOUGH YUNG MGA BIBE AND DUCKS KARAMIHAN DIYAN MAS RESISTANT SILA SA ATING MGA MANOK. ANG KARANIWAN PONG, ANG CAUSE OF EVAGENT, O YUNG SANHI, AY YUNG TINATAWAG NATING INFLUENZA A VIRUS, NA NAKAKA-ANO RIN SA TAO. ANG INFLUENZA A DIN. PERO KARANIWAN, SA MANOK PO ANG TUMATAMANG INFLUENZA VIRUS, YUNG TINATAWAG NATIN NA INFLUENZA A.

TYRA: AHM. AHM. YUNG SA TAO NAMAN IS?

DOC LAPUZ: ANG INFLUENZA PO KASE IS A, B, C. PWEDE RIN PO KASE TAYONG MAHAWAAN SA INFLUENZA A.

TYRA; HMN. OK. PAANO PO BA YUNG MODE OF TRANSMISSION NG BIRD FLU SA MGA HAYOP?

DOC LAPUZ: ANG MODE OF TRANSMISSION SA MGA HAYOP NA ITO IS YUNG DIRECT EXPOSURE OR DIRECT CONTACT. KUNG NAHALUAN KA NG ISANG BIRD O ISANG POULTRY NA MERONG DALANG VIRUS, AY TALAGANG IKAKALAT NYA SA MGA KASAMAHAN NYA KASAMA YUN. PLUS, ANG, KARAMIHAN PO KASE, ANG MALAKI PO KASENG CONTENT NG VIRUS NA LUMALABAS AY DUN SA MANURE, DUN SA TAE. PAG HINDI PO NATIN MALINIS NG MABUTI ITO, AT NATUYO AT ANG HANGIN AY MALAKAS, PWEDENG IKALAT YAN NG HANGIN DIN PO KASE YAN. AND THEN, YUNG MGA TAONG, FOMITES ANG TINATAWAG PO NATIN, YUNG MGA FOREIGN OBJECTS HALIMBAWA SASAKYAN, YUNG MGA CLOTHINGS NATEN, PAG TAYO PO AY NAPASOK SA ISANG AREA NA INFECTED, AND THEN LALABAS TAYO, MAARI PO NATING DALA YUNG AVIAN FLU VIRUS NA YAN, NA PWEDE NATING IKALAT SA IBANG POULTRY POPULATION NATIN DITO SA ATING LUGAR.

TYRA: KASE GANITO PO ANO, KAPAG SINABI MONG BIRD FLU, USUALLY PWEDE NILANG ISIPIN FLU? PARANG SA TAO FLU, LAGNAT PO BA ITO? MAINIT DIN PO BA ANG PAKIRAMDAM NG MGA ANO, MANOK?

DOC LAPUZ: SA MGA MANOK PO NA MERONG BIRD FLU, DALAWANG KLASE PO KASE YUNG BIRD FLU SA MGA MANOK, YUNG TINATAWAG NATING LOW-PATHOGENIC AND HIGH PATHOGENIC. PAG SINABI PO NATIN NA HIGH PATHOGENIC, ALMOST WALA PONG GAANONG SYMPTOMS ANG NAKIKITA SA ISANG BIRD. MAARING MILD, NA MERONG KONTING RESPIRATORY SIGNS AND THEN, ANG PINAKA SIGN PO DITO IS BABAGSAK YUNG KANILANG EGG PRODUCTION. PERO PAGDATING NAMAN PO SA TINATAWAG NATIN NA HIGHLY PATHOGENIC, NA ITO YUNG TINATAWAG NATING CAUSE BY H5, NA NAPAKA, NAPAKASIKAT NGAYON NG H5 VIRUS, ANG KARAMIHAN PONG MAKIKITA NATIN DITO, NAPAKATAAS PO NG MORTALITY. MARAMI PONG NAMAMATAY. HALOS 100% ANG MAGIGING MORTALITY. PERO BAGO PO MAMAMATAY, MAKIKITA PO NATIN YUNG MGA MANOK NATIN NA PARANG DEPRESS, AYAW GUMALAW, LULUNGKUT-LUNGKOT, THEN AYAW KUMAIN, AND THEN MAMAMAGA YUNG MGA MUKHA NILA PARANG, AND THEN MAGKAKAROON NG BLUISH COMB, YUNG MANINGITIM OR MAGKUKULAY BLUE YUNG MGA PALONG AND THEN, SUDDENLY NAGKAKAMATAYAN PO YUNG MGA ALAGANG IBON OR ALAGANG MANOK.

TYRA: NAKU, TATAAS ANG PRESYUN NG NAG-AALAGA NIYAN, AT NAGMA-MAY-ARI.

DOC LAPUZ: OPO, LALO NA KUNG TATAMAAN TAYO NG ATING BIRD FLU.

TYRA: GAANO NA PO BA KARAMI ANG MGA HAYOP NA APEKTADO NG VIRUS NA ITO AT ANO PO ANG MAGIGING EPEKTO NITO SA PRESYO NG MGA BILIHIN LALO NA PO SA MGA MANOK?

DOC LAPUZ: ACTUALLY, YUNG MGA ACTUAL COUNT NATIN NG TINAMAAN DITO SA SAN LUIS, YUNG NAMATAY NA IS NASA AROUND 25-30,000. TAMA PO YUNG KANINA MGA 34, 000. PERO YUNG NA, YUNG POPULATION PO NG MGA FARM NA NAAPEKTUHAN AY NASA 100,000. SO, PERO PONG ISA, YUN PO AY SA MANOK. MERON PO KASENG ISANG FARM DUN NA ANG KANYANG INAALAGAAN AY PUGO, YUNG QUAIL. NUNG NAGPUNTA ANG ATING INVESTIGATION TEAM, YUNG KANYANG 15,000 AY WALA NA LAHAT. KASE PO IS APRIL PA, MERON SILANG SAKIT NA NARARANASAN, HINDI NILA NAIKUKUNSULTA SA PROPER AUTHORITIES, SANA NAGAWAN NATIN NG TAMANG PARAAN. KAYA NUNG NAGPUNTA PO DUN ANG ATING MGA INVESTIGATION TEAM, MGA LAYER DUN DINATNAN NILA NA MAY MGA ANO, PERO PO YUNG ISANG QUIAL FARM NA NAUBOS ANG KANYANG MGA ALAGA, HINDI PO NATIN, NAKAKOLEKTA NG SAMPLE DUN. PLUS, MAY MGA ILAN PONG MGA ITIK DON NA ANG POPULATION NILA AY, MGA DUCK FARMS NA NASA 9,000 PERO ANG NAMATAY PO DITO AROUND 400, PERO PO YUNG MGA ITO IS NEGATIVE NAMAN DUN SA BIRD FLU VIRUS.

SIR JUN: YUNG MGA ANO, MGA PUGO, NEGATIVE DIN SILA SA…

DOC LAPUZ: YUN NGA PO SINABI KO, HINDI TAYO NAKAKOLEKTA NG SAMPLE, UNFORTUNATELY NUNG DUMATING TAYO WALA TAYONG NAKITA DON, WALA TAYONG SAMPLE NA NAKUHA, PERO ITO NAMAN PONG AREA NA ITO IS WITHIN THE AIR, MALAPIT DIN DUN SA AREA KUNG SAAN TAYO NAGKAROON NG POSITIVE NA..

SIR JUN: DUN SA POSITIVE, PAANO NYO NALAMAN? DAHIL MARAMI NA RIN NAMATAY?

DOC LAPUZ: DAHIL PO DUN SA MORTALITY PLUS NAG COLLECT PO NG SAMPLE YUNG ATING MGA TEAM. NAG COLLECT NG DUGO, NG SWAB AT ITO PO AY TINEST, KASE PO YUNG ATING REGIONAL ANIMAL DIAGNOSTIC LABORATORY DITO SA SAN FERNANDO IS CAPABLE PO TO DIAGNOSE, USING YUNG MEDYO HIGH-TECH NA, MERON PO TAYONG PCR DIYAN, AND THEN, NUNG NAG REACT PO SILA, TO CONFIRM, PINADALA PA RIN PO NATIN SA ATING REFERENCE LAB SA MANILA. SA BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY AND THEN NAG REACT DIN PO YUNG SAMPLE NA YUN SA H5.

SIR JUN: SA NGAYON DOC, NAKITA NA NATIN YUNG MAG OUTBREAK NA YAN, NAKITA NA AT NATULOY NA. SO ANONG GINAGAWANG HAKBANG NATIN DITO, PAANO NATIN MA-CONTAIN O PAANO NATIN MA-ERADICATE O MADI-DISPOSE LAHAT YUNG MGA NAAPEKTUHAN?

DOC LAPUZ: GANITO PO KASE YUN, SA PROTOCOL PO NG BIRD FLU O AVIAN FLU ERADICATION PROGRAM, PAG NAKA IDENTIFY NA PO TAYO NG INFECTED AREA, WHICH IS NAKA IDENTIFY NAMAN PO TAYO, MAG-I-IDENTIFY TAYO NGAYON NG ISANG 1 KILOMETER QUARANTINE AREA. DUN PO SA ONE-KILOMETER QUARANTINE AREA NA YUN, LAHAT PO NG SUSCEPTIBLE ANIMALS…..

SIR JUN: RADIUS YUN, PABILOG…

DOC LAPUZ: RADUIS, PAG SINABI PO NATING SUSCEPTIBLE ANIMALS LAHAT NG POULTRY SPECIES DUN AY KAILANGAN PO NATING I-SACRIFICE.

SIR JUN: PATI YUNG MGA IBON?

DOC LAPUZ: OPO. LAHAT.

SIR JUN: E PAANO YUNG MGA WILD?

DOC LAPUZ: LAHAT PO. WILD DUCKS, MGA BIRDS, MGA.. YUNG PONG HINDI NATIN MAHULI, SYEMPRE MAHIHIRAPAN NAMAN TAYO DUN. PERO YUNG IN CAGE, NAKA CAGE NA, NA-E-EXPOSE YUNG MGA TAO, YUNG MGA PET, OPO, PAPATAYIN PO NATIN YUN BASTA WITHIN THE KILOMETER RADIUS SYA NUNG INFECTED AREA.

SIR JUN: BAKA MAY ALAGANG IBON KINA NIKKI. (LAUGH)

DOC LAPUZ: KASE PO ITO ANG NAKIKITA NILANG PINAKAMABILIS TO CONTAIN THE VIRUS. KASE WALA NA, PINATAY MO SYA SO WALA NANG TENDENCY. PINATAY MO NA YUNG HOST, WALANG TENDENCY NA ILIPAT NA NIYA SA IBA, KASE NAPATAY NA NATIN. KUNG HINDI PO KASE NATIN PAPATAYIN, HAHAYAAN PA NATIN NA NANDIYAN, NABUBUHAY AND THEN, NAGHIHINGALO NAMAN, MAARING NAG-IISPREAD SYA NG VIRUS. SO PINAKA MABILIS PO, PINAKAMAGANDA PO TALAGA GAWIN, PINAKA IMMEDIATE, NA PARAAN PARA MA CONTAIN NATIN AGAD IS TO SACRIFICE ALL THE ANIMALS SUSCEPTIBLE AND THEN IBAON PO NATIN.

SIR JUN: DUN SA WITHIN ONE KILOMETER….

DOC LAPUZ: HINDI PO PWEDENG ILABAS DIN DUN, KUNG FARM PO YAN, DUN SA FARM PREMISES PO NATIN IBABAON YUNG KANYANG MGA INFECTED O MGA SUSCEPTIBLE BIRDS, AND THEN, KATULONG PO NATIN DITO YUNG LOCAL GOVERNMENT UNITS TSAKA YUNG KUNG MAARI TAYONG HUMINGI NG TULONG SA DPWH KUNG MANGANGAILANGAN TAYO NG MGA BACK HOE, PERO YUN PONG LGU NG SAN LUIS AY NAKAHANDA NAMAN PO, AT MAY MGA GAMIT SILA.

SIR JUN: PAANO DOC KUNG YUNG IBA AY NAGRESIST SILA NA HINDI PATAYIN YUNG KANILANG MANOK… DAHIL MALAKI NA RIN YUNG KANILANG KAPITAL?

DOC LAPUZ: ACTUALLY PO, INAANO RIN, SINOLICIT PO NATIN YUNG TULONG DIN NG PNP, ALAM PO NAMAN NATIN NA… KAHIT PO NUNG PANAHON NG FOOT AND MOUTH AY NARANASAN NA NATIN YAN. SO KAILANGAN TALAGA NATIN NG TULONG NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE PLUS YUNG ATING MGA TAGA BARANGAY PLUS DUN SA PRONOUNCEMENT PO NI SECRETARY KAHAPON NAMAN IS NANGAKO SIYA NA IKO-COMPENSATE NAMAN YUNG ATING MGA FARMER ALTHOUGH HINDI NAMAN KATUMBAS NUNG KANYANG HALAGA PERO ATLEAST MAY COMPENSATION PO NA MATATANGGAP ANG ATING MGA… ATSAKA NANGAKO PO SYA NG MGA SOFT LOANS NA MAARING MAPAG-UTANGAN.

SIR JUN: KASE NAKASALALAY KASE DITO YUNG KALIGTASAN, NG KALUSUGAN NG BAWAT, HINDI LAMANG NG MGA HAYOP, NG BIRD PATI YUNG SA TAO NO.

DOC LAPUZ: YUN PO ANG INIIWASAN NATIN, NA TALAGA NA,. HINDI LANG SA PAGKALAT SA POULTRY POPULATION, KUNDI PA RIN MAKATAWID SA HUMAN POPULATION YUNG VIRUS.

SIR JUN: AH MADAGDAG KO, AFTER THE ONE KILOMETER, MERON PA TAYONG ANO, ILANG KILOMETERS PA NA DAPAT PAGTUUNAN RIN?

DOC LAPUZ: SO DUN SA ONE KILOMETER AREA, PAGKA NA SACRIFICE NA NATIN LAHAT YUNG SUSCEPTIBLE ANIMALS, YUNG MGA POULTRY SPECIES NA TINATAWAG NATIN, MAGKO-CONDUCT TAYO NG SURVEILANCE PARA SA BABOY.

SIR JUN: AH SA BABOY?

DOC LAPUZ: SA BABOY PO. BAKIT PO SA BABOY? KASE ANG MGA BABOY AY TINATAWAG NATING MGA MIXING VESSEL. HALIMBAWA MAY VIRUS SA MANOK, MAY VIRUS SA TAO, PUPUNTA SA TAO, MAGHAHALO-HALO SYA, LALO SYANG TATAPANG AND THEN ANG BABOY MAARI NYANG IKALAT ULIT. SO YUNG MGA BABOY NA MAGPA-POSITIVE DIN SA INFLUENZA A DURING OUR SURVEILANCE, LAHAT YAN, SA-SACRIFICE DIN NATIN.

SIR JUN: EDI KUKUHA DIN TAYO NG MGA BLOOD SAMPLES?

DOC LAPUZ: AFTER NA MAG STAMPING OUT PO TAYO, MAGKO-COLLECT DIN PO TAYO NG MGA SAMPLES DUN SA MGA BABOY. AND THEN DUN SA OUTSIDE NA TINATANONG MO JUN, OUTSIDE THE ONE KILOMETER QUARANTINE AREA, MERON TAYONG TINATAWAG NA 7-KILOMETER CONTROL AREA. DITO NAMAN PO SA CONTROL AREA NA TO, LAHAT NG MGA, MAGKO-CONDUCT PO TAYO NG MASSIVE SURVEILLANCE, MAGKO-KOLEKTA TAYO NG MGA SAMPLES SA MGA MANOK, POULTRY PRODUCTS AT MGA POULTRY DUN SA AREA NA YUN, TO TEST KUNG MERON DIN, NA EXPOSE DIN SILA SA VIRUS.

SIR JUN: ONCE NA MERON NANG NAKALABAS, NA EXPOSE, WITHIN ONE KILOMETER, LUMABAS SA ONE KILOMETER?

DOC LAPUZ: KUNG LUMABAS IYA SA ONE KILOMETER? MAG-E-EXTEND NA NAMAN TAYO NG ANOTHER KILOMETER, AND THEN YUNG 7- KILOMETER I-EEXTEND NA NAMAN NG ANOTHER 1-KILOMETER…

SIR JUN: YUNG PERIOD NA DAPAT SIYA AY MAGAMOT, MATEST O MA…..

DOCLAPUZ: YUNG SA QUARANTINE PERIOD NA PINAG-USAPAN PO KAHAPON IS 90-DAY PERIOD. SO, WITHIN THE 90-DAY PERIOOD AT WALA NA TAYONG NAKITA NA POSITIVE PA, THE B-A-I CAN NOW APPLY FOR A BIRD FLU FREE STATUS DUN SA AREA NA YUN. KASE PO YUNG O-I-E-, YUNG INTERNATIONAL WORLD HEALTH ORGANIZATION FOR ANIMAL HEALTH, SIYA PO ANG MAGSASABI KUNG FREE NA TALAGA, BASED DUN SA MGA SAMPLES NA KUKUNIN NATIN AT BASED DUN SA MGA GINAWA NATING PREVENTIVE MEASURES ATSAKA PRECAUTIONS.

SIR JUN: DEPENDE RIN, HALIMBAWA 90 DAYS, TAPOS EH WITHIN 90 DAYS, MERON NA NAMAN, MAY NAKITA, ANO MAG-AADJUST ULE ANOTHER 90 DAYS?

DOC LAPUZ: DEPENDE PO YAN KUNG SAAN NAKITA ANG INFECTED SITE. MAARING HINDI SA SAN LUIS, MAARING MAPUNTA SA IBANG BAYAN. SO, DUN NAMAN TAYO MAGME-MEASURE NGAYUN NG MGA, MAG-I-INSTITIUTE NG MGA PRECAUTIONARY, PREVENTIVE MEASURES O MGA TREATMENT MEASURES NATIN, AND THEN DUN NA NAMAN MAG-AAPLY YUNG 1-KILOMETER, 7-KILOMETER.

SIR JUN: SO MAS AH, KAILANGAN NA KAILANGAN ANG PAGIGING VIGILANTE ATSAKA YUNG PAGMOMONITOR DUN SA AREA SA PAGLABAS AT PAGBASOK NG MGA ANO,

DOC LAPUZ: TAMA PO YUN, TAMA PO.

SIR JUN: MGA ITLOG? O MGA….

DOC LAPUZ: LAHAT PO NG POULTRY PRODUCTS, MANOK YAN, MANURE YAN, AT KAHIT PO YUNG MGA NAGTA TRABAHO DUN SA MGA POULTRY FARM, AY TALAGANG IKA-QUARANTINE PO NATIN. KAYA PO MAY MGA KASA-, KATULONG NATIN YUNG SA PHILIPPINE NATIONAL POLICE DUN SA ATING MGA CHECKPOINTS NA, ACTUALLY PO NAGTAYO NA TAYO NG DALAWANG CHECKPOINTS SA ENTRY EXIT NG SAN CARLOS, KASE SAN CARLOS PO YUNG FARM, PARA TALAGANG WALA NANG MAKALABAS NA POULTRY, MGA ITLOG DUN SA FARM KASE LAYER PO ITO.

SIR JUN: WALA DIN PU-PWEDENG PUMASOK?

DOC LAPUZ: WALA PO. KASE PAG PUMASOK KA DUN DI KA NA MAKAKALABAS, IKA-QUARANTINE KA NILA.

SIR JUN: WELL, POSIBLE BA DOK YUNG TALAGANG BAWAL NANG PUMASOK DUN SA WITHIN 7-KILOMETER RADIUS?

DOC LAPUZ: WITHIN THE 1-KILOMETER.

SIR JUN: WITHIN THE 1-KILOMETER, YUN ANG VERY STRICT TAYO DUN? PERO, HALIMBAWA KUNG IKAW AY GALING NG ANO NG ZAMBALES O KAYA ANO, HINDI KA NA PWEDENG DUMAAN DUN WITHIN 1-KILOMETER DAHIL ME KUNG DADAAN KA O WITHIN THE 7-KILOMETER ANO?

DOC LAPUZ: DUN SA WITHIN 7-KILOMETER, AH DADAAN LANG BA YUNG ANO SASAKYAN? PWEDE NAMAN PONG DUMAAN DUN, DI KA NAMAN TITIGIL DUN E. DADAAN KA LANG NAMAN E.

SIR JUN: PERO KUNG AKO NAMAN, E MATATAKUT NAKO, WITHIN 7-KILOMETER IWAS NAKO. (LAUGHS)

DOC LAPUZ: OPO. PERO KUNG TALAGANG MAIN HIGHWAY ANG TINAMAAN AT WALA KA NAMAN MADADAANAN, WALA NAMAN PO TAYONG MAGAGAWA DUN. DADAAN LANG NAMAN ANO, WALA NAMAN PONG PROBLEMA DUN.

TYRA: EH KANIAN PO NABANGGIT NGA PO YUNG PWEDENG PAGPASA PO NG SAKIT SA TAO, SO MALAKI PO BA YUNG PROBABILITY? PAANO MAIPAPASA ITO, SA PAMAMAGITAMN PO BA NG AIRBORN PO BA ITO, AT THE SAME TIME PWEDE PO BANG MAIPASA DAHIL SA PAGKAIN MO NG MANOK?

DOC LAPUZ: ANG PAG TRANSFER PO NG AAH NG BIRD FLU VIRUS SA TAO, ACTUALLY, MAUUNA NYAN KUNG NA EXPOSE KA DUN SA MANOK. HALIMBAWA, DUN KA NAGTA TRABAHO OR HINAHAWAKAN MO YUNG MGA MANOK. KASE YUNG MGA SECRETION NYA, DUN NAA-ANO YUNG VIRUS. AT PAGDATING NAMAN PO SA PAGKAIN, KUNG AH WELL-COOKED NAMAN PO IS AHH MAMAMATAY NAMAN PO KASE SA APOY YUNG VIRUS. KAYA LANG KUNG AAH MAGBI-BYAHE TAYO NG MGA MAY DALANG VIRUS NA MGA ANIMALS EH MAGKAKALAT PO TAYO NG SAKIT SA ATING POULTRY POPULATION.

SIR JUN: OO, AAH. DOC IBA PA NATING MGA ANO, MGA HAKBANG, HALIMBAWA SA SAFETY MEASURE DIBA, KAILANGAN DIN YUNG MGA AHH KATULONG NATIN, NABANGGIT NATIN NA 165 NA TAO NA TUTULONG DUN KAILANGAN BA MAY MGA GADGET SILA PARA HINDI MAKAPAGHAWA O MAY MGA TINATAWAG NATING MGA CLOTHINGS, MGA GEAR, GANUN?

DOC LAPUZ: ACTUALLY PO, KAME NUNG PANG PUMUTOK YAN, NUNG NALAMAN NAMIN NA POSITIVE NA TAYO IS HUMINGI NA KAMI NG BAKUNA SA D-O-H, YUNG FLU VACCINE NILA, NAKAKAPAG PROTECT NAMAN PO SA TAO YUN. PLUS, LAHAT PO NG MAGTA-TRABAHO DUN, BABAKUNAHAN PLUS BIBIGYAN SILA NG P-P-Es. YUNG TINATAWAG NA PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT. YUNG MGA COVER-ALLS, MGA GLOVES, MGA HAIRNET, MGA MASKS. KASE YUNG MASK NA GAGAMITIN NATIN DIYAN, DI LANG YUNG MASK NA ORDINARY NA NAKIKITA NATIN SA OSPITAL. YUNG TINATAWAG NATIN NA N95, NA TALAGANG MALILIIT YUNG FILTER, MAPI-FILTER NG MABUTI YUNG PINAKA MALIIT NA ORGANISM OR MGA VIRUSES, PLUS OF COURSE PALAGI TAYONG MAGDI-DISINFECT AT KAYA NGA PO YUNG SINASABI NATIN DUN SA MGA, YUNG NAGTA-TRABAHO NATIN, MGA MAGSA-SACRIFICE NG MGA MANOK DUN, ANG AMING PONG MINUNGKAHI NA KUNIN NA LANG NA GAGAWA NON AY YUNG MGA TAGA ROON TALAGA, PARA KASE PO HINDI PO SILA PALALABASIN NG SAMPUNG ARAW E. THEY HAVE TO BE CONFINE THERE AND AFTER 10 DAYS, KUNG WALA SILANG SINTOMAS DUN PALANG SILA MAKAKAPAG, ALIS DUN SA INFECTED SITE. SO, GANUN.

SIR JUN: PAANO E HALIMBAWA, KAMI SUMAMA KATULAD NI CESS, (LAUGH). NIKKI. OO.

SIR JUN: HI CESS, ANO AH YUNG PUPUNTA DOON,

NIKKI: MAGKO-COVER PO,

SIR JUN: ANO, MAGKO-COVER NG ANO, HINDI NA SYA PWEDENG LUMABAS GANUN?

DOC LAPUZ: OFF LIMITS PO TAYO LAHAT DUN SA 1-KILOMETER.

NIKKI: HMN. SO WALANG MEDIA.

DOC LAPUZ: SO KUNG MERON MAN SIGURONG MEDIA OUTPOST DOON OR COMMANDS, NANDUN LANG SILA SA COMMAND CENTER. NAGTAYO PO KASE TAYO NG COMMAND CENTER NGAYON, OUTSIDE THE 1-KILOMETER RADIUS INFECTED AREA.

SIR JUN: HINDI SILA PWEDENG MAG-COVER OR ANO….

DOC LAPUZ: NOT UNLESS GUSTO NILANG MAG STAY DUN NG 10 DAYS PARA MA QUARANTINE SILA DUN.

NIKKI: PERO OK NAMAN PO YUNG MOBILE PO, PWEDE NAMANG TUMAWAG?

DOC LAPUZ: OPO OK NAMAN.

NIKKI: OPO.

SIR JUN: BASTA’T MERONG AREA SILA NA ANDUN LAMANG SILA?

DOC LAPUZ: PANG KARAMIHAN PO, NANDUN SA COMMAND CENTER TAYO DUN SA, NA IN-IDENTIFY NG LOCAL GOVERNMENT NG SAN LUIS NA OUTSIDE DUN SA 1-KILOMETER RADIUS.

SIR JUN: SAAN ANG COMMAND CENTER NA ANO NATIN.?

DOC LAPUZ: DUN PO SYA SA PAPASOK NG SAN LUIS MISMO, DUN SA MAY PAGLAMPAS MO LANG NG CONTROL, YUNG KANYANG, ATING ARENDO DIKE.

NIKKI: AH OK.

DOC LAPUZ: THEN RIGHT SIDE SYA, MAKIKITA MO SYA, YUNG MUN.. L-G-U SAN LUIS COMMAND CENTER NA….

NIKKI: U-UUHHM. UU—UHHM.

TYRA: KUNG SAKALI PONG MAIPASA PO ITO SA TAO, ANO PO BA YUNG SINTOMAS? ANO YUNG MARARAMDAMAN NG TAO, GAANO KA-FATAL PO ITO, IS IT FATAL?

DOC LAPUZ: AAH, YUN PO KASENG ISANG KLASE NG VIRUS NA H5N1 NA TINATAWAG NATEN, TSAKA H5N6, ITO PO YUNG MGA NAGKO-CAUSE NG MORTALITY TALAGA SA TAO. ANG SINTOMAS PO NITO SA TAO AY PARANG SIPON DIN NA ORDINARY. NA TINATRANGKASO KA RIN.

TYRA: UUHHM. UHHM.

NIKKI: FLU TALAGA.

DOC LAPUZ: NA FLU TALAGA. DAHIL AVIAN FLU SYA NA.. INFLUENZA A DIN KASE YUN NO. PERO PAG TALAGANG MAHINA ANG RESISTENSYA NG ISANG TAO AT DINAPUAN NITO, EEHH TALAGANG NAGKO-CAUSE NG DEATH SA TAO.

NIKKI: UHHM.

TYRA: OK. AAH. PUTULIN MUNA NATIN ANG ATING DISCUSSION SAPAGKAT PARA PO MAIPASOK PO NATIN NGAYON ANG UPDATE MULA PO MISMO SA REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR NG DA-RFO 3 NA SI ENGR. ROY M. ABAYA NA PRESENT PO DOON SA SITE. MAGANDANG UMAGA PO ENGINEER ROY.

DIRECTOR ABAYA: AAY GOODMORNING PO. GOODMORNING.

TYRA: GOODMORNING PO. SI TYRA PO ITO, KASAMA PO NATIN DITO SA PROGRAMA SINA SIR JUN, SI NICOLE ATSAKA PO SI HAROLD AND SI DOC LAPUZ PO.

DIRECTOR ABAYA: AY. OPO.

TYRA: OPO. KAMUSTA PO YUNG SITWASYUN PO DIYAN. NASA MAY SAN LUIS PO BA KAYO SA KASALUKUYAN?

DIRECTOR ABAYA: AY WALA. UMALIS AKO NGAYON. UMUWI LANG AKO SAGLIT NGAYON, NAGPA CHECK-UP. NANDITO NGA AKO SA OSPITAL NAGYON E.

TYRA: AAH OK. O SIGE PO.

DIRECTOR ABAYA: PERO, KAGABE HANGGANG 10:00 O’CLOCK KAMI DYAN, NAKIPAG MEET AKO WITH THE LOCAL OFFICIALS,

TYRA: AAH OK.

..

DIRECTOR ABAYA: AT YUNG SANGGUNIANG OFFICIALS NILA. SO READY NA HOPEFULLY. ACTUALLY NGAYON, INE-EXPECT NAMIN NANDUN NA YUNG TEAM NAMEN. TO INITIATE YUNG FIRST ACTIVITY NATIN, NA I-CONTROL O DEPOPULATE YUNG 1-KILOMETER RADIUS.

SIR JUN: AH SIR, ALAM NATIN NA AAH.. SI JUN PO. MAGANDANG UMAGA PO SIR.

DIRECTOR ABAYA: HI JUN, O GOODMORNING.

SIR JUN: AAH YUNG, ALAM NAMEN NAKITA NAMIN YUNG ANO, YUNG PALANO NATIN. FROM ANO PALANG E, SA CONFERENCE ROOM AFTER THE, KAY SECRETARY NAGTULUY-TULOY WALANG TIGIL ITONG TEAM NA ITO E. AAH NAGTULOY PA PALA KAYO DIYAN SA ANO, SA SAN LUIS? OO. PARA KWAN YAN EE.

DIRECTOR ABAYA: YEAH. KAGABE, PUMUNTA KAMI NG SAN LUIS, SO NATAPOS KAMI NG MEETING AY PAST 10:00 O’CLOCK NA YUN SO…..

SIR JUN: SIR, AAH, ANU NAPO YUNG …

DIRECTOR ABAYA: NAG-FOLLOW-UP CHECK UP KASE AKO NGAYUN KAYA UMUWI LANG AKO SAGLIT.

SIR JUN: AAH OO SIR. AH WALANG TIGIL TALAGA SI SIR, TALAGANG KAILANGANG-KAILANGAN ITO. SIR, ANO NA ANG MGA HAKBANG NA GINAGAWA, MGA ASSITANCE NG ATING PAMAHALAAN, LALONG-LALO NA PARTICULARLY IN DEPARTMENT OF AGRICULTURE?

DIRECTOR ABAYA: YUNG UNANG PRIORITY NATIN NGAYON JUN, YUNG KATULAD NG PINLANO NATIN KAGABE, KASAMA NA RIN YUNG OFFICIALS NG SAN LUIS, KAGABE ACTUALLY IS NAGPULONG NA KAAGAD YUNG SANGGUNIANG BAYAN NG SAN LUIS, MAG I—ISSUE RIN SILA NG ANO NA, IDE-DECLARE NA NILA NA STATE OF CALAMITY YUNG SAN LUIS, SO DAHIL DUN PWEDE NA TAYONG MAKAPAG-EXECUTE NG ATING MGA EMERGENCY WORKS. PRIORITY DITO IS YUNG SABI KO NGA DEPOLULATION DAHIL ANG COMMITMENT NI SECRETARY DAPAT WITHIN 3 DAYS MA-CLEAR NA NATIN YUNG 1-KILOMETER RADIUS. SO, NANDUN NA YUNG TEAM NATIN, IN FACT, KANIAN SI SANDRE NAG-UPDATE SA AKIN, PAPUNTA NA SILA DUN AND, NGAYONG UMAGA SIGURO IS INO-ORIENT NILA YUNG MGA TAO NA MAKAKASAMA NATIN DITO SA DEPOPULATION ACTIVITIES NATIN. NANDUN NA RIN ACTUALLY, YUNG MGA ANO PALA KAGABE, PINAKITA NILA MAYOR, NAKA READY NA YUNG BACK HOE NILA, SO PARA MAG EXCAVATE NUNG PAGLILIBINGAN NUNG MGA IKA-CULL NATIN NA MGA MANOK OR MGA BIRDS.

SIR JUN: SIR, AH SIR NABANGGIT DIN TUNGKOL SA PULONG YUNG MGA LEGAL IMPEDIMENT ONCE NA PINATAY NATIN YUNG MGA MANOK, MAY MGA GINAWA NA PO BA TAYONG HAKBANG PARA MA-INFORM YUNG MGA FARM OWNER?

DIRECTOR ABAYA: ACTUALLY NGAYONG UMAGA, IPUPULONG NILA YUNG MGA FARM OWNERS, MISMO NA SILA MAYOR ANG MANGUNGUNA DUN, KASAMA NA RIN NANDUN NA YUNG TEAM NATING PINANGUNGUNAHAN NI DR. BALUYUT. SO, I-EXPLAIN NILA, IPAPALIWANAG NATING MABUTI BAKIT BA NATIN GINAGAWA ITO. DI PARA KAGUSTUHAN, SAKRIPISYO TALAGA ITO. NA KAGUSTUHAN NATIN PARA MAPUKSA KAAGAD KASE PAGKA HINDI NATIN GAWIN NG MGA GANITONG ACTIVITY, HAHABA, POSIBLE PANG LALAKI ANG MAGIGING EFFECT NITONG OUTBREAK NA ITO. SO, DAHIL KAGUSTUHAN NATIN, LAHAT DAPAT TAYO IS TULUNG-TULONG. NA TALAGANG SUNDIN YUNG MGA PROSESO.

SIR JUN: OO. AAH. SA BINABALAK NATIN, LALO NA SA INFORMATION CAMPAIGN ANO, NA HINDI DAPAT MAG-ANO SIR YUNG MGA TAO, MABAHALA DAHIL NAMAN HINDI NAMAN TO ACTUALLY NAKAKAHAWA KAAGAD SA TAO SA PRONOUNCEMENT NG D-O-H ANO. AH, AH KAILANGAN RIN, MULA SA INYO PO, ANO PONG MGA DAPAT NATING MALAMAN SA NA PAMAMARAAN O KAYA YUNG NA MAIIWASAN TALAGA?

DIRECTOR ABAYA: YUNG MGA NANDUN SA QUARANTINE AREA AY TALAGANG SINASABIHAN SILA NA TALAGANG HINDI SILA LALABAS DOON. IKA-QUARANTINE SILA. IN FACT, YUNG MGA TAUHAN NATIN NA TUTULONG DUN IS PIPILIIN NATIN YUNG MGA TAGA ROON NA, DAHIIL OTHERWISE PAGKA PUMASOK KA DUN, ANY PERSON OR ANY MATERIAL NA IPAPASOK NATIN DUN IKI-CLEARED HO. SABI NUNG MGA TAGA B-A-I KAHAPON IS IKI-CLEAR KA MUNA. IKA-QUARANTINE MUNA NG ATLEAST 10 DAYS. PARA SIGURADO NILA NA PAGLABAS MO DUN SA 1-KILOMETER RADIUS IS WALA KANG DALANG VIRUS OR HINDI KA INFECTED. LAHAT ITO AY DAPAT COOPERATION ANG HINIHILING NATIN SA BAWAT ISA NA TALAGANG SUNDIN, WAG TAYONG MAGIGING PASAWAY DITO NA SASABIHIN NATIN HINDI NAMAN, WALA NAMAN AKONG NARARAMDAMAN, WALA NAMANG NANGYAYARI SA LUGAR NATIN. KASE HAHABA AT HAHABA YUNG PROSESO EH, SO LATER ON, MAGRE-REQUEST TAYO NA SANA IS CLEAR NA TAYO. REREVIEWHIN LAHAT YAN NG MGA MAG-AASSESS, KUNG SINUSUNOD BA NATIN YUNG MGA PROTOCOLS NA BINABANGGIT.

SIR JUN: ALAM PO NATIN SIR NA YUNG ATING MGA FARM OWNER O MGA NAG-AALAGA, MGA POULTRY RAISER, O YUNG MGA NAG-AALAGA NG LAYER AY MALAKI NA RIN PO ANG INVESTMENT NA NA-ANO DIYAN, MERON BANG MGA ANO YUNG ATING PAMAHALAAN NA PARA NAMAN HINDI NAMAN SILA GAANONG MASAKTAN?

DIRECTOR ABAYA: AHM. TULAD NG BINANGGIT NI SECRETARY KAHAPON, AH MAGLALAAN-, IKO-COMPENSATE PO NATIN LAHAT YUNG MGA PAPATAYIN NA MANOK, OR AHH, TAMA YUNG MGA MANOK NA NANDOON SA MGA FARMS. KUNG ILAN YUNG BILANG NOON, I THINK YUNG BINANGGIT NYA IS, 80 FLAT RATE NYA IS 80 PESOS PER HEAD, ALTHOUGH SIGURO AARALIN PA NATIN YAN NG MABUTI, MAGRE-RECOMMEND TAYO NG MAS REALISTIC NA PRESYO PARA KAY SECRETARY. DAHIL NUNG BINAGGIT NYA 80, SO AS OF NOW, 80 YUNG BINABANGGIT NATIN SA MGA KASAMAHAN NATIN DOON SA BABA.

SIR JUN: 80 PESOS PER HEAD?

DIRECTOR ABAYA: SO KAGABE DUN SA SA PAGPUPULONG, PAGPUPULONG NAMIN SA MUNICIPAL OFFICIALS MAY BINABANGGIT SILA NA CONSIDERATION, SO SABI NAMAN NI USEC ARIEL, KASAMA KO SYA KAHAPON, TRY NATIN I-REVIEW AND THEN, WE CAN MAKE RECOMMENDATION FOR THE SECRETARY.

SIR JUN: OPO.

DIRECTOR ABAYA: SO, LAHAT PO YUN, LAHAT PO YUN NA PAPATAYIN, DUN SA 1-KILOMETER RADIUS, AS OF NOW IS 80 PESOS PER HEAD ANG IKO-COMPENSATE. MALIBAN DON, MERON SYANG BINANGGIT, MERON, WHICH IS A REGULAR ACTIVITY AAH PROGRAM NATIN. YUNG CREDIT FACILITY, SO OPEN TAYONG MAGPAUTANG DOON SA AFFECTED FARMERS, AFFECTED FARMS, YUNG MINIMUN INTEREST RATE NA SINASABI NATIN NA PRODUCTION, ATLEAST LOAN EASY ACCESS, MERON DIN YUNG OTHER FORM OF CREDIT ASSISTANCE NATEN, YUNG SURE, YUNG SURVIVAL RECOVERY ASSISTANCE, OPEN PO LAHAT YAN. AND HOPEFULLY, MAKAKATULONG ITO SA KANILA TO RECOVER SA PANGYAYARING ITO.

SIR JUN: AH ONCE NA, NA ANO HO NATIN, NA CLEAR NA LAHAT AT NASIGURADO NA, WALA NA YUNG BIRD FLU, ANO PO? YUN ANG GAGAWIN ANO PO?

DIRECTOR ABAYA: AY. OO. OPO. TALAGANG SA NGAYON AY HINDI TAYO, HINDI ADVISABLENA MAG ANO TAYO NGAYON, INITIATE NG ANY ACTIVITY DUN SA INFECTED AAH OR QUARANTINED AREA.

SIR JUN: SIR, YUNG NABANGGIT NYONG MGA 80 PESOS PER HEAD, THIS INCLUDES YUNG MGA ANO, MGA SASABUNGIN, PATI YUNG MGA INAALAGAANG MGA BIRDS? OO. YUNG KWAN…

DIRECTOR ABAYA: OPO. LAHAT YAN, LAHAT YAN JUN. IN FACT, YUN ANG NAGING WORRY NGA NUNG MGA TINURUAN KAGABE NUNG MGA LOCAL OFFICIALS, AY YUNG 80 PESOS AY SOBRA NAMAN DOON BABA DOON SA MGA TIPONG PANG SABONG. SO, AGAIN KUNG MAYROON MAN MGA GANUNG MAAPEKTUHAN, EH KASO ANG BINANGGIT KASE NI SECRETARY IS 80, I-FLATRATE NA NATEN. SO, ETO NAMAN KUNG MAY MGA MALILIIT KA RIN, KATULAD NG MGA PUGO O, MAGKANO BA ANG PUGO NGAYON, YUNG 80 PESOS IS A BIG AMOUNT. SO, AGAIN PERO OPEN TAYO FOR ANO, FOR SUGGESTION AND WE CAN RECOMMEND TO THE SECRETARY KUNG SAAN MAS APPROPRIATE ON COMPENSATION.

SIR JUN: OO. ANG ISANG NAKIKITA KO DYAN, AY YUNG MGA NAG-AALAGA NG MGA MANOK NA TINALI. LALO NA YUNG MGA WINNING LINE NILA NO. BAKA MADESI- TSAKA ITAGO, O KAYA ANO, SABI MANANALO TO E. ANG LAKI NG BILI KO NITO E NO.

DIRECTOR ABAYA: KAYA NGA ANG PAKIUSAP NAMIN DUN SA KAGABE AY TALAGANG ETO E, IKUMBINSE TALAGA NATIN NA DAPAT AY SAKRIPISYO DAHIL DI NATIN GINUSTO ITO, NGAYON KUNG DI TAYO SUSUNOD DUN, DI NATIN MASASABI NA LATER ON BAKA INAALAGAAN MO NGA YAN, BAKA MAMAYA SA KANILA PA TUMAMA. SO HOPEFULLY, DI NAMAN SANA MANGYARI DON, KAYA FULL COOPERATION TALAGA. IPAPAINTINDI TALAGA DAPAT NATIN DUN SA MGA AFFECTED FARMERS BAKIT NATIN GINAGAWA ITO, MGA AFFECTED FARMS, E PARA NA RIN YUNG BUONG INDUSTRIYA, KASE PAG PINABAYAAN NATIN, LAALWAK, E HINDI NAMAN NATIN INAANO YUN, INEEXPECT NA DAPAT GANUN. DAPAT KUNG ANO MAN YUNG PINASOK AY I-CONTAIN NALANG NATIN.

SIR JUN: SIR WOULD YOU SAY THIS TIME, THE DEPARTMENT OF AGRICULTURE AND LAHAT NG ATING AGENCY NA HUMAHAWAK DITO SA BIRD FLU OUTBREAK, AY MASASABI NATING WE ARE IN CONTROL OF THE SITUATION?

DIRECTOR ABAYA: OO NAMAN. SA TINGIN NATIN DUN SA DAPAT AH PAKITA YUNG FULL SUPPORT, PATI YUNG P-N-P NANDUN SILA KAGABE, AND AH NAPAKA CRITICAL YUNG ROLE NILA, NA TALAGANG TUTULONG SA ATIN. PATI PAGMANDO NG MGA CHECKPOINTS, E NANDUN ANG MGA B-A-I GROUP NATIN, SO FULL SUPPORT ITO. IN FACT, YUNG D-O-H, I THINK, MAG AANO NA RIN SILA, INACTIVATE NA NILA YUNG MGA CENTERS NILA TO MONITOR KUNG MAY MGA AFFECTED OR MGA SINTOMAS SA MGA HUMAN, AAH SA HUMAN. SO, FULL SUPPORT, PATI ANG OFFICE NG GOVERNOR, ANG MGA MUNICIPAL MAYORS, NAGDECLARE NA NGA SILA, SI GOVERNOR NAGDECLARE NA NANG STATE OF CALAMITY FOR THE WHOLE PROVINCE, SO DOON PALANG KAHIT HINDI NAMAN BUONG PAMPANGA ANG TIMAAN E NAKITA NA NATIN NA LAHAT NG CONCERNED AGENCIES NA FULL SUPPORT PO TAYO.

SIR JUN: AHH OO. AAH SIR, ISANG KATANUNGAN NA LANG HO, PARA I-APPEAL NYO, NASA INYO NA HO ANG PAGKAKATAON, NA PARA ANO, KAUSAPIN ANG ATING MGA, MGA MAGSASAKA O MGA TAO DITO SA LALAWIGAN NG PAMPANGA, PARA SA SIDE NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE.

DIRECTOR ABAYA: OO.OO. SO, SA LAHAT PO NG ATING MAGSASAKA, LALUNG-LALO NA YUNG NANGANGALAGA NG MGA MANOK, ESPECIALLY SA SAN LUIS, ETO PO AY HINDI NATIN KAGUSTUHAN, ITONG NANGYAYARI NGAYON, SO SABI NGA PO NI SECRETARY, ITO AY KALAMIDAD. CONSIDER NATING KALAMIDAD NA TALAGA NAMANG TUMATAMA SA HINDI NATIN INE-EXPECT NA ORAS, DAHIL NANDITO NA TO AY HINIHILING LANG NAMIN NA AY DAPAT HINDI TAYO MAGPANIC. THE GOVERNMENT IS AAH, NAKAREADY TO PROVIDE ALL THE NEEDED ASSISTANCE, ANG HINIHIILING LANG DIN NATIN PO SA MGA AFFECTED, ESPECIALLY SA MGA AFFECTED FARMS, AFFECTED FARMERS, NA TALAGANG, SANA MAGTULUNGAN TAYO PARA LALO NATING MAPABILIS NA MAPUKSA, MA-CONTAIN ITONG OUTBREAK NA ITONG NANGYARI SA ATIN. SO, AGAIN, NAKIKIUSAP PO ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA OFFICE NG REGIONAL OFFICE NA LAHAT SANA ATYO AY MAKIPAGTULUNGAN AND HOPEFULLY WE CAN CONTAIN ALL THIS OUTBREAK.

SIR JUN: OO SIR. AT ETO NGA PO, AT KAMI AY AFTER NA MAINTERVIEW NAMIN KAYO, PUPUNTAHAN NAMIN DOON SA LUGAR, MAARING SI DIRECTOR ANDREW NO, KINO-CONTACT NAMIN PARA MALAMAN YUNG SITUATIONER DOON PO SIR.

DIRECTOR ABAYA: ACTUALLY NANDOON NA DAW SILA, SI SANDER ANG NAG ANO SA AKIN, AND THEN, AS DISCUSSED KAGABE, IO-ORIENT YATA YUNG MGA TAO NA TUTULONG SA ATIN, AND WE EXPECT NA TODAY, TALAGANG MAGI-START NA YUNG PAGPATAY NUNG MGA KAMANUKAN DUN SA AREA.

SIR JUN: OK.

TYRA: ALRIGHT, NAKU, MARAMI PONG SALAMAT.

SIR JUN: THANK YOU SIR, MARAMING SALAMAT.

TYRA: SA INYO PONG UPDATE.

DIRECTOR ABAYA: AY SALAMAT DIN PO. SALAMAT DIN PO SA LAHAT.

TYRA: OK. AYAN PO AT ATIN PONG NAPAKINGGAN VIA PHONEPATCH ANG PINAKA LATEST PO MULA SA REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR NG DA-RFO 3, ENGINEER ROY M. ABAYA. WE NEED TO PAUSE FOR COMMERCIAL BREAK AT MAGBABALIK PO ANG ATING PROGRAMA, DITO LAMANG PO YAN SA MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYON, MAG-AGRI TAYO!

VOICE OVER: ITO ANG MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYON, MAG-AGRI TAYO!

COMMERCIAL BREAK

VOICE OVER: INYONG PINAKIKINGGAN ANG MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYON, MAG-AGRI TAYO!

TYRA: PHILIPPINE STANDARD TIME IS 11:44. KAYO PA RIN PO AY NAKATUTOK DITO SA ATING PROGRAMANG MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYON, MAG-AGRI TAYO! KASAMA PO NATIN ANG MGA KAIBIGAN MULA SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION 3 SA PANGUNGUNA PO YAN AT SA NGALAN PO NG REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR, DA-RFO 3 ENGINEER ROY M. ABAYA, NA NAKAPANAYAM PO NATIN VIA PHONE PATCH KANI-KANINA LAMANG, LIVE PO DITO SA AMING HIMPILAN, ANG CHIEF NG INFORMATION SECTION DA-RFO 3, SIR JUN B. ESPIRITU, WRITERS NG INFORMATION SECTION, NERISSE NICOLE P. BURGOS, HAROLD R. MUNGCAL AT ANG CHIEF NG REGULATORY DIVISION- DA RFO 3, DOC EDUARDO LAPUZ. AT AH PATULOY PA RIN ANG DISCUSSION NATIN DUN SA BIRD FLU VIRUS.

SIR JUN: OO, MAHALAGANG PAG-USAPAN NATIN ITO LALO NA NAAPEKTUHAN ANG BAYAN NG SAN LUIS, AT ANG BUONG PROBINSYA NG PAMPANGA AT DINECLARE NA ANO, NA STATE OF CALAMITY NI NANAY PINEDA, NI GOVERNOR ITONG ATING PAMPANGA DAHIL NGA DITO SA BIRD FLU, OUTBE-, OUTBREAK. AH DOC, MALAMAN NGA NATIN, ONCE NA NAIPON YUNG ANO HO, ALAM MO MAY MGA KALABAN TAYO SA ANIMAL WELFARE SOCIETY EH, PAANO BA PINAPATAY TONG MANOK NA ITO, BAKA TAYO, KAKATAYIN NA LANG PAGDE-DEPOPULATE NATEN?

DOC LAPUZ: ACTUALLY MERON TAYONG, DUN SA ATING MANUAL OF OPERATION, MAY APPROVED NA PAANO NATIN AAH TATAGALUGIN, KIKITLIN ANG BUHAY. (LAUGHS)

SIR JUN: (LAUGH) KAKATAYIN.

DOC LAPUZ: KASE MAHIRAP NANG SABIHIN NA PATAYIN E, PARANG MINA-MURDER MO YUNG ANO, SINASACRIFICE, KUNG PAANO NATIN ISA-SACRIFICE YUNG MGA ATING MGA ALAGANG MANOK. KUNG KONTI LANG PO YAN, MERON KASE KAMING, KAMI PONG MGA TAGA ANIMAL, LIVESTOCK SECTOR O POULTRY SECTOR, MERON KAMI NANG PARANG MADALING PAGPATAY SA MGA SISIW, YUNG HIHILAHIN MO YUNG KANYANG ULO PARA MA-DISLOCATE.

SIR JUN/NIKKI: OOHH.

DOC LAPUZ: PERO ANG GAGAMITIN PO NATING PROSESO SA PAGPATAY O PAGSACRIFICE SA MGA MANOK NA ITO DITO SA MINA, SA SAN LUIS AT THROUGH GASING.

SIR JUN: AAH GASING.

DOC LAPUZ: CARBON DIOXIDE

NIKKI: SAAN HO SILA NON? NASA ISANG CAGE PO OR…

DOC LAPUZ: MAY CARBON… WALA PO KASE TAYONG GANUNG FACILITY, ANG GAGAWIN PO NG ATING MGA TEAM AY ISISILID NILA SA SAKO, BY 20 SIGURO. TATALIAN, THEN YUNG ATING GASING MACHINE NGAYON, IPAPASOK YUNG EXHAUST DUN PARA MAMATAY. MADALI LANG NAMAN KASE MAMATAY YAN E.

NIKKI: HOW LONG PO GAGAWIN YUN, FOR EXAMPLE, 10,000 NA CHICKEN PO ILANG ORAS PO?

DOC LAPUZ: ANG TARGET PO, ANG BINIGAY PO KASE SA AMIN NI USEC. ARIEL KAGABE IN KUNG MATAPOS NATIN NG MAXIMUM OF 3 DAYS, KUNG MATAPOS NATIN NG AS EARLY AS 24 HOURS OR 48 HOURS, THE BETTER SABI NYA.

NIKKI: KALAHATING MILYONG CHICKEN OR MGA ILAN PO YUN?

DOC LAPUZ: AAH NASA 200 TO, AT THE MOST SIGURO 300 THOUSAN YUN.

NIKKI: OPO.

DOC LAPUZ: WITHIN THE 1-KILOMETER RADIUS.

SIR JUN: GAANO ANG LALIM NOON, PAG BABAON?

DOC LAPUZ: ACTUALLY, DI DAPAT BABABA YAN SA 6-FEET,

SIR JUN: OO.OO.

DOC LAPUZ: PARANG SA TAO RIN, PERO MERON, SINASANGGUNI PA RIN SA D-A NATIN, AYUN NAG MEETING SILA, KUNG KAILANGAN BANG MAY LINING YAN, KASE BAKA MAPUNTA DAW SA WATER TABLE NATIN YUNG MGA ANO, SECRE, SO MERONG, IAADVICE YAN NG ATING D-E-N-R TUNGKOL SA PAG AAH, PAANO MA PROTECT YUNG ATING WATER SOURCE, PLUS, KADA LAYER NYAN, DINIDIS INFECT NATIN BAGO NATIN TATABUNAN YUNG MGA MANOK.

TYRA: OK. PARA MALAMAN PO NATIN YUNG PINAKA LATEST PO NGAYON, ATIN PONG MAKAKAPANAYAM ANG TINAWAGAN PO KANINA NI DOC ANO, SI DOC SANDRE, OKAY, MAGANDANG UMAGA PO DOC SANDRE.

DOC SANDRE: HELLO PO MAGANDANG UMAGA PO. YES MAM.

TYRA: HELLO PO, SI TYRA PO ITO KASAMA PO ANG MGA KAIBIGAN NATIN SA D-A SINA SIR JUN, SI DOC LAPUZ, SI NIIKI ATSAKA SI HAROLD. KAMUSTA PO NASAAN PO SILA KASALUKUYAN?

DOC SANDRE: LOCATION PO NAMIN, ANDITO PO KAMI SA MUNISIPYO NG SAN LUIS, DAHIL HINDI PO KAMI KASYA KANINA SA COMMAND CENTER, LUMIPAT PO KAMI NGAYON MAM DITO SA AVR. NAG-A-UNDERGO PO NG MEETING WITH AAH ASEC. SI DOC SEC, GARZON, SI DR. VILLACORTA, USEC . CAYANAN NANDITO RIN PO, THEN B-A-I DIRECTOR RFO, TSAKA PDOMMO PO. ATSAKA SI VICE MAYOR LEONARDO SALAS AND MAYOR NANDITO NA RIN PO, PATI SI MDRRMC FOCAL PERSON PO.

TYRA: KAMUSTA NAMAN PO ANG SITWASYON DIYAN, ANO NA PO BA YUNG MGA NAGANAP MAGMULA PO KANINANG PAGDATING NILA?

DOC SANDRE: PINRESENT PO NAMIN MAM KUNG ANO YUNG BIRD FLU, ANO YUNG MGA MANGYAYARE, (DOK GOODMORNING PO.) DUMATING NA RIN PO ANG TEAM NG B-A-I NA NAGDADALA NG CARBON DIOXIDE MACHINE, SI DOCTOR ALDRIN, SO YUN PO YUNG MEETING IS QUESTION AND ANSWER NA PO NGAYON MAM, KUNG ANO BA YUNG TINATAMAAN NG 1-KILOMETER, LAHAT PO BA? HINDI DAW BA PWEDENG I –QUARANTINE MUNA. SO NAGKAROON NA PO NG DECLARATION, SINABI PO KANINA, TALAGANG STAMPED OUT PO, LAHAT PO NG BIRDS NA APEKTADO SA 1-KILOMETER RADIUS, TALAGANG PAPATAYIN PO.

TYRA: KAMUSTA NAMAN PO YUNG MGA REAKSYON PO NUNG MGA MAY-ARI PO NG MGA FARM? NA –INFORM NA PO BA?

DOC SANDRE: YES PO. NAGPAPASALAMAT NAMAN KAMI NA SI USEC. CAYANAN, NA MAY MGA TAO NA MALAWAK ANG KAISIPAN. AT HINDI NAMAN SARADO YUNG IBANG MGA FARM OWNER, DAHIL KAPAG SINABI PO KASE NA PAPATAYIN LAHAT, MEDYO MASAKIT PO SA KANILA.

TYRA: CORRECT. CORRECT.

DOC SANDRE: AT BIBIGAY NAMAN PO NA, MAY SINABI NAMAN PO SI ASEC GARSON NA, YUN NGA PO BABAYARAN PO NG 80 PESOS PER HEAD, AND MAY INILATAG DIN PO NA ITIK PINAS PROGRAM NA, YUN YUNG PWEDENG IBIGAY SA KANILA AS KABUHAYAN PO, KAPALIT PO NUNG LAYER. PERO BAGO PO MAKA CLAIM PO NUNG PROGRAM, DAPAT STAMPED OUT PO MUNA YUNG MGA LAGA NILANG LAYER NA MANOK PO.

SIR JUN: DOC SANDRE, MEANING TO SAY NA, YUNG MGA NAAPEKTUHAN NA POULTRY OWNER O YUNG MGA FARM OWNER NA YAN, BIBIGYAN SILA NG ALTERNATIVE NA ANO, PANGKABUHAYAN? HABANG…

DOC SANDRE: YES PO. KUNG TATANGGAPIN NILA YUN SIR KASE MATITIGIL PO YUNG, YUNG TALAGANG MEANS PO NG KABUHAYAN NILA. TALAGANG, TALAGANG STOP PO TALAGA. THEN AAH, 30-60-90 DAYS BAGO PO SILA ULIT MAKAPAGLAGAY NG BAGONG STOCK, KAPAG NAG DECLARE NA PO NA A-I FREE PO.

TYRA: ILAN PO YUNG ESTIMATE PO NA MGA BIRDS ANG IISTAMPED OUT PO NGAYONG ARAW NA ITO, AT SA MGA SUSUNOD PANG ARAW??

DOC SANDRE: NGAYONG ARAW, ANG TARGET PO IS 200,000, MGA APPROXIMATE KASAMA NA PO SIGURO YUNG BACKYARD HANGGANG 300,000.

TYRA: 300,000. ANG TARGET PO HANGGANG KAILAN MATAPOS?

DOC SANDRE: 3 DAYS PO PERO MAXIMUM 24-HOURS KUNG KAYA PONG TAPUSIN.

TYRA: ALRIGHT.

SIR JUN: AAH DOC SANDRE, NAKA AAH, IM PLACE NA BA YUNG MGA ANO, MGA BACK HOE NATEN? YUNG MGA MAGHUHUKAY, O NAG UMPISA NA SILA?

DOC SANDRE: NASA AREA NA PO, AND AAH DI KO LANG PO MAKITA SI MAYOR KANINA KUNG NAG START NA PO. PERO PINAG-USAPAN PO KAGABE, DAPAT NAKAPAGHUKAY NA PO.

SIR JUN: SA BAWAT FARM HO BA, DOCTOR SANDRE, DUN MAGHUHUKAY, SA BAWAT FARM OWNER O MERONG ISANG LUGAR TALAGA NA PAGDADALHAN LAHAT LANG?

DOC SANDRE: YUNG MGA COMMERCIAL FARM PO, SA KANILA NALANG PO YUNG HUKAY, DUN NALANG PO MISMO SA KANILANG BACKYARD.

SIR JUN: AH SA MGA BACKYARD LANG.

DOC SANDRE: NGAYON , AH. OO. SA BACKYARD NILA NA LUGAR, PERO YUNG MGA, YUNG MGA, YUNG MGA BACKYARD NA TATAMAAN PO, MAGDE-DESIGNATE PO NG ISANG MORTALITY PICK NA KUNG SAAN DUN NALANG PO IIPUNIN, DUN IBABAON.

SIR JUN: AAH YUNG MGA, YUNG MGA TAO NA MERON NANG, NAKAHANDA NA, MAY MGA PROTECTIVE GEAR E, IN PLACE NA RIN SILA? AAH. ANY MOMENT PWEDE NA SILANG KUMILOS?

DOC SANDRE: YEAH. ANY MOMENT PO, AH NAG-UNDERGO LANG PO NG MEETING, TATAPUSIN LANG PO ITONG INTERACTION WITH THE FARM OWNERS, THEN KAMI NA PO YUNG MAG, MAG-OORIENT KUNG PAANO GAMITIN ANG P-P-E, THEN DIRETSO NA PO SA AREA.

SIR JUN: ANG SITUATION HO DIYAN, PAANO NATIN MAKOKONTROL, HALIMBAWA YUNG MGA TAO NA GUSTONG PUMASOK AT MARAMI NAMAN, ALAM MO NAMAN MGA PILIPINO, MARAMING USUSERO ATSAKA USISERA, NA GANUN, NA GUSTONG MAKITA, GANUN RIN, PAANO NATIN KOKONTROL YUN? THE P-N-P, KASAMA NATEN, NANDYAN?

DOC SANDRE: YES, KASAMAHAN NAMAN PO NATIN ANG MGA P-N-P, THOUGH TALAGANG MAY MAKUKULIT NA GUSTONG MAG-COVER, PERO NANDITO RIN NAMAN PO YUNG STAFF NG MGA P-P-O ATSAKA NG MUNISIPYO TO CONTROL.

SIR JUN: AAH OK.

TYRA: ALRIGHT, ANY LAST WORDS PO PARA PO SA ATING MGA TAGAPAKINIG, PARA MAWALA PO YUNG FEAR KASE KASALUKUYAN ANG DAMI PONG NATAKOT DAHIL DITO SA AH BIRD FLU VIRUS PO NA ITO.

DOC SANDRE: YES PO. LAST WORD, IKA E SABI NGA PO NI USEC., COOPERATION AND UNDERSTANDING PO TALAGA KUNG ANO YUNG SAKIT. AND KUNG ANO YUNG MGA MAGIGING CONSEQUENCE, DAPAT OPEN PO TAYO DUN. THEN, KASE KAPAG NAPABAYAAN PO YUN, TALAGANG AAH MALAKING KAWALAN SA KANILA. THEN, SISIHIN ANG GOBYERNO, SASABIHIN WALANG TINUTULONG NA BINIBIGAY. KAYA DAPAT MAKIPAG COOPERATE PARA ATLEAST, MATULUNGAN PO NATIN SILA, KUNG ANO MAN YUNG MGA DAPAT GAWIN PA.

TYRA: ALRIGHT, NAKU, MARAMI PONG SALAMAT SA PAGPAPAUNLAK NINYO NG AMING PANAYAM, AT SA UPDATE PO DOC SANDRE.

DOC SANDRE: OK PO. WALA PONG ANUMAN, SALAMAT PO.

TYRA: ALRIGHT, PHILIPPINE STANDARD TIME IS 11:53, COMMERCIAL BREAK MUNA PO TAYO, MAGBABALIK ANG ATING PROGRAMA.

VOICE OVER: ITO ANG MANA: MAUNLAD NA AGRIKULTURA SA NAYO, MAG-AGRI TAYO!

COMMERCILA BREAK-

-end-