Announcement: Thank you for your participation in the 17th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards.

Farm Mechanization Special

by: Karren Montejo of Agri Tayo Dito -- ABS-CBN Regional
2017 Best Agriculture TV Program or Segment

PRIMER

VO: MALALAWAK NA SAKAHAN ANG IYONG MADADATNAN KAHIT SAAN KA MAN MAPUNTA SA BUONG KAPULU-AN NG PILIPINAS. PARANG NASA DULO NG BAHAGHARI ANG ATING MGA LUPAIN DAHIL SA MGA GININTUANG YAMAN NA TUMUTUBO KAHIT PA MAN SAANG SULOK KA TUMINGIN. BIYAYA NG DIYOS NA TUNAY NATING MAIPAGMAMALAKI! SA BUONG MUNDO, ISA ANG ATING BANSA SA MAY PINAKAMALAWAK NA LUPAING NAKALAAN SA PAG-AAGRIKULTURA. KUNG KAYA NAMAN MALAKING BAHAGI NG ATING KULTURA AT PAMUMUHAY AY DITO NAKA-ANGKLA.

VO: IN THE PHILIPPINES, YOU CAN FIND WIDE FIELDS EVERYWHERE YOU GO. IT LOOKS AS IF OUR LAND IS AT THE TIP OF A RAINBOW BECAUSE OF OUR RICH NATURAL RESOURCES. THESE ARE BLESSINGS FROM GOD THAT WE SHOULD PROUD OF! AMONG ALL OTHER COUNTRIES, THE PHILIPPINES HAS THE WIDEST LAND AREA FIT FOR AGRICULTURE, WHICH IS SOLELY ROOTED IN OUR CULTURE AND LIFESTYLE.

VO: BILANG ISANG PILIPINO, ABA’Y SINONG HINDI MAKAKALIMOT SA SIKAT NA KANTANG ITO NUNG NASA ELEMENTARYA PA TAYO? MADALAS PA NGA ITONG PINAPATUGTOG DIBA LALO NA PAG BUWAN NG WIKA AT MAY MGA PROPS PA TAYO NA SUMBRERONG BURI AT KALABAW. NAKAKAPAGOD ANG MAGSAKA. MALAMANG ITO ANG IMPRESYONG NABUO NG KANTANG ITO SA MARAMING KABATAAN. KUNG KAYA’T MARAHIL AY PATANDA NG PATANDA NA EDAD NG ATING MGA KA-AGRING PATULOY NA NAGSASAKA. MARAMI KASI SA ATING MGA KABATAAN NGAYON AY MAS NAEENGGANYO NG KUMUHA NG MGA KURSONG PANG-OPISINA O DI KAYA SA MGA KURSONG SA TINGIN NILA AY MAY MALAKING HATID NA KITA. PERO…DALA NG MABILIS NA PAG-USAD NG PANAHON, MARAMING MAKABAGO AT MODERNONG KAGAMITAN NA RIN ANG UMUUSBONG.

VO: AS A FILIPINO, WHO WOULDN’T FORGET THIS SONG WHICH WAS MADE FAMOUS BACK IN OUR ELEMENTARY DAYS? IT WAS USUALLY PLAYED DURING BUWAN NG WIKA PAIRED WITH PROPS SUCH AS A CARABAO AND A HAT MADE FROM ANAHAW. FARMING IS A TIRING ACTIVITY. MAYBE THAT IS THE IMPRESSION PERCEIVED BY THE YOUTH OUT FROM THE SONG. MAYBE THE REASON WHY MORE PEOPLE OF OLD AGE WORK AS FARMERS IS BECAUSE MOST OF THE YOUTH NOWADAYS PREFER TO TAKE CORPORATE COURSES OR OTHER COURSES WHICH THEY THINK WILL GIVE THEM A HIGH SALARY. BUT AS TIME GOES BY, CHANGES IN MODERN TECHNOLOGY CONTINUE TO PROGRESS.

ON CAM RUBEN[1]: MASAGANANG UMAGA MGA KA-AGRING KAPAMILYANG PINOY. HATID NAMIN SA INYO ANG MAKABAGONG PAG-ASA PARA SA MODERNONG PAG-AAGRIKULTURA.

ON CAM RUBEN: A BOUNTIFUL MORNING TO ALL OUR KA-AGRING KAPAMILYANG PINOY. WE BRING YOU THE LATEST UPDATES ABOUT MODERN AGRICULTURE.

VO: SIGURADONG MADALI NA LANG ANG PAGSASAKA DAHIL DI KA NA YUYUKO NG MAGHAPON KAKAKAYOD SA IYONG SAKAHAN…DAHIL NGAYONG UMAGA AY MAKAKAUSAP NATIN ANG ATING MGA KA-AGRING DALUBHASA NA PATULOY NA NAGSUSUMIKAP NA MAPALAGO PA NG HUSTO ANG ATING SEKTOR NG PAG-AAGRIKULTURA SA TULONG NGA MGA MODERNONG MAKINARYA AT TEKOLOHIYA.

VO: FARMING IS NOW EASIER BECAUSE YOU DON’T HAVE TO SPEND THE WHOLE DAY PLOWING THE FIELD, BECAUSE TODAY WE HAVE WITH US AGRICULTURAL EXPERTs WHO CONTINUE TO WORK HARD IN ORDER TO DEVELOP OUR AGRICULTURAL SECTOR WITH THE HELP OF MODERN MACHINERY AND TECHNOLOGY.

INTRODUCTION TO PHILMECH

VO: ISA ANG PHILIPPINE CENTER FOR POSTHARVEST DEVELOPMENT AND MECHANIZATION O PHILMECH SA MGA AHENSYA NG ATING PAMAHALAAN NA TUMUTULONG AT NAGBIBIGAY- KAALAMAN SA ATING MGA KA-AGRING MAGSASAKA AT MANGINGISDA NA MAKISABAY SA PANAWAGAN NG MODERNONG PAG-AAGRIKULTURA.

VO: THE PHILIPPINE CENTER FOR POSTHARVEST DEVELOPMENT AND MECHANIZATION, OR PHILMECH FOR SHORT, IS ONE OF THE GOVERNMENT AGENCIES, WHICH LEND A HELPING HAND TO OUR FIILIPINO FARMERS AND FISHERMEN WHO ARE KEEPING UP WITH MODERN AGRICULTURE.

ON CAM DIONISIO[1]: ANG PHILMECH AY ISANG AHENSYA NG GOBYERNO NA UNDER SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE. ANG AMING ROLE AY RESEARCH AND DEVELOPMENT NG MGA MAKINARYA AT POSTHARVEST PARA SA ATING MGA MAGSASAKA. ANO ANG MAITUTULONG NG MEKANISASYON? KASI ANG MEKANISASYON ISA YAN PARA MAPABILIS NA NATIN AT MAPAGANDA ANG PAGHAHANDA NG LUPA. KAPAG MAGANDA ANG HANDA NG LUPA, MAGANDA ANG TANIM, MAGANDA ANG ANI.

ON CAM DIONISIO: PHILMECH IS A GOVERNMENT AGENCY UNDER THE DEPARTMENT OF AGRICULTURE. OUR ROLE IS ABOUT RESEARCH AND DEVELOPMENT OF MACHINERY AND POSTHARVEST FOR OUR FARMERS. WHAT IS THE CONTRIBUTION OF MECHANIZATION? MECHANIZATION IS ONE WAY OF MAKING THE PROCESS OF PREPARING THE LAND EASIER AND FASTER. WHEN THE PROCESS IS WELL-PREPARED AND THE CROPS ARE HEALTHY, THE HARVEST IS ABUNDANT IN RETURN.

ON CAM DIONISIO: 10 YEARS AGO, ANG LEVEL NG MEKANISASYON NATIN AY MGA WALA PANG 1 HORSEPOWER. PERO NGAYON, DAHIL SA TULONG NG ATING GOBYERNO, TUMAAS ANG ANTAS NG MEKANISASYON NATIN. NASA ANTAS NA NG 2-3 HORSEPOWER PER HECTARE NA YUN

ON CAM DIONISIO: 10 YEARS AGO, THE LEVEL OF OUR MECHANIZATION STILL LACKS HORSEPOWER. BUT NOW, THROUGH THE HELP OF THE GOVERNMENT, THE STATUS OF OUR MECHANIZATION HAS UPGRADED AT THE LEVEL OF 2-3 HORSEPOWER PER HECTARE.

VO: PERO SA KABILA NG PAGSISIKAP NG PHILMECH AT NG ATING PAMAHALAAN NA TUGUNAN ANG TAWAG NG MAKABAGONG PAG-AAGRIKULTURA, HINDI NAGING MADALI PARA SA ATING MGA KA-AGRING DALUBHASA ANG PAGPAPAKILALA NG MGA INOBASYONG ITO SA MGA KA-AGRI NAMAN NATING NAKASANAYAN NA ANG TRADISYONAL NA PAMAMARAAN SA PAGSASAKA.

VO: BUT DESPITE THE EFFORTS OF PHILMECH AND OUR GOVERNMENT, IT IS NOT EASY FOR OUR FARM EXPERTS TO INTRODUCE THESE INNOVATIONS TO OTHER AGRICULTURISTS WHO ARE USED TO THE TRADITIONAL WAY OF FARMING.

ON CAM DIONISIO: ALAM MO NAMAN ANG MENTALIDAD NG ATING MGA FARMERS, ANG GUSTO NILA MAKIKITA MUNA TALAGA NILA BAGO NILA GAMITIN KAYA NGA YUN YUNG CHALLENGE NATIN. TULAD NG MECHANICAL RICE TRANSPLANTER, KOKONTI LANG YUNG GUMAGAMIT KASI NAHIHIRAPAN SILA. KAYA ANG TASK NGAYON NG PHILMECH AY KUMBINSIHIN AT IPAKITA SA KANILA NA SA PAMAMAGITAN NG MGA ITO, MAS GAGAAN ANG TRABAHO AT DADAMI ANG ANI. KAYA BILANG PINUNO NG PHILMECH NGAYON, YUN YUNG AKING ADBOKASIYA NA IPAKITA NATIN NA SA PAMAMAGITAN NG MEKANISASYON, KAYA NATING UMANGAT ANG ANI.

ON CAM DIONISIO: YOU KNOW THE MENTALITY OF OUR FARMERS, THEY WANT TO WITNESS FIRST BEFORE THEY USE IT AND THAT SERVES AS A CHALLENGE TO THEM. LIKE THE MECHANICAL RICE TRANSPLANTER, ONLY A FEW PEOPLE USE IT BECAUSE THEY FIND IT DIFFICULT. THE TASK OF PHILMECH NOW IS TO ENCOURAGE THEM THAT WITH THE HELP OF MECHANIZATION, THEIR WORK WILL BE EASIER AND THE HARVEST WILL BE MORE ABUNDANT.

VO: AT DAGDAG PA NG PHILMECH, ISA SA PINAKAMALAKING HAMON NA KINAKAHARAP NILA AY ANG POSIBILIDAD NA MAWALAN NG HANAPBUHAY ANG IILAN NATING MAGSASAKA DAHIL SA PAG-USBONG NG MAKINARYANG ITO.

VO: PHILMECH ALSO ADDED THAT ONE OF THE CHALLENGES THAT THEY’RE CURRENTLY FACING IS THE POSSIBILITY THAT SOME FARMERS MAY LOSE THEIR LIVELIHOOD BECAUSE OF THE RISE OF MECHANIZATION.

ON CAM DIONISIO: AYAN, NANDYAN NA YUNG MAKINA NA ANG PANTANIM, MAKINA NA ANG PANG-ANI. ANO NA ANG MAGIGING TRABAHO NAMIN. ACTUALLY, YUN YUNG INA-ADDRESS NGAYON NG ATING PAMAHALAAN, PARA AT THE SAME TIME MERON KANG MECHANIZATION, HINDI MADIDISPLACE YUNG MGA TAO SA KANILANG LABOR. HALOS 80% NG ATING WORKFORCE NASA AGRIKULTURA YAN EH KAYA YUNG IBA EH MEDYO NABABAHALA SILA. PERO KASI KAPAG UMANGAT ANG YUNG AGRIKULTURA, SUMASABAY ANG IYONG INDUTRIYALISASYON. ITONG MGA NADIDISPLACE NA ITO, MAGHAHANAP NAMAN YAN NG IBANG PAMARAAN PARA MABUHAY SILA SA INDUSTRIYALISASYON NA NAMAN. DADAMI DYAN ANG PABRIKA, YUN ANG MAG-AABSORB SA KANILA NG TRABAHO.

ON CAM DIONISIO: SO THERE WE HAVE THE MACHINE FOR PLANTING AS WELL AS FOR HARVESTING. WHAT WILL WE DO NOW. ACTUALLY, THAT IS THE QUESTION OUR GOVERNMENT IS CURRENTLY ADDRESSING, SO THAT AT THE SAME TIME THAT THERE’S MECHANIZATION, LABORERS WON’T BE DISPLACED FROM THEIR WORK. ALMOST 80% OF OUR WORKFORCE IS IN THE FIELD OF AGRICULTURE THAT’S WHY SOME ARE WORRIED. BECAUSE IF IN CASE THAT KIND OF AGRICULTURE CONTINUES TO RISE, INDUSTRIALIZATION WILL RISE AS WELL. THE PEOPLE WHO WILL BE DISPLACED WILL LOOK FOR ANOTHER WAY OF LIVING IN THAT INDUSTRIALIZATION. MORE FACTORIES WILL EMERGE AND THEY WILL TAKE UP MOST OF THE WORK.

VO: DAAN NA RIN ITO UPANG ANG MGA KABATAAN NG KASALUKUYANG HENERASYON NA MAS NAEENGGANYO SA MGA KARANGYAAN NG MODERNONG PAMUMUHAY AY MAGKAROON NA RIN NG INTERES SA PAGSASAKA – ISANG MASAKLAP NA KATOTOHANANG HINDI NATIN NABIBIGYANG PANSIN.

VO: THIS IS ANOTHER WAY FOR THE YOUTH OF THE PRESENT GENERATION, WHO ARE USED TO THE COMFORTS OF MODERN LIVING, TO DEVELOP AN INTEREST TOWARDS FARMING. THIS IS THE SAD REALITY THAT LACKS ATTENTION.

ON CAM DIONISIO: KASI GANITO ANG SCENARIO NYAN, ANG AGE RANGE NG ATING MGA MAGSASAKA NGAYONG AY 56-58. NGAYON ANG ATING MGA KABATAAN, AYAW NANG PUMUNTA SA FARM. MAS GUSTO NA NG KABATAAN NASA MALL. KASI ANG MENTALIDAD NG KABATAAN EH MAHIRAP MAGSAKA. PERO KUNG MERON KANG TRANSPLANTER, MERON KANG TRAKTORA, MERON KANG COMBINE, PWEDE KANG MAGTANIM NANG HINDI NAPUPUTIKAN ANG MGA PAA MO. YUN YUNG ISANG ENCOURAGEMENT SA MGA KABATAAN NA BUMALIK SA FARM, YUNG MECHANIZATION. AT MAKIKITA NILA ANG MECHANIZATION AS A BUSINESS. HINDI NA SILA MAHIHIRAPAN MAGHANAP NG TRABAHO NA KUNG ANG PAASENSUHIN NILA MISMO YUNG KANILANG SARILING NEGOSYO SA FARM.

ON CAM DIONISIO: THE SCENARIO GOES LIKE THIS, THE AGE OF OUR FARMERS CURRENTLY RANGE FROM 56-58. THE YOUTH NOWADAYS DON’T WANT TO GO TO FARMS INSTEAD, THEY PREFER TO GO TO THE MALLS BECAUSE THEY THINK THAT FARMING IS DIFFICULT. BUT IF YOU HAVE A TRANSPLANTER OR TRACTOR OR A COMBINATION OF BOTH, YOU CAN PLANT WITHOUT ANY HASSLE. MECHANIZATION IS ONE OF THE REASONS WHY THE YOUTH ARE ENCOURAGED TO WORK IN THE FARM. THEY CAN NOW SEE MECHANIZATION AS A BUSINESS. THEY WILL NOT HAVE HARD TIME LOOKING FOR A JOB BECAUSE THEY THEMESELVES AND DO BUSINESS IN THEIR OWN FARMS THROUGH MECHANIZATION.

VO: AT KASAMA ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION 11 AT IBA PANG TAGA-MEDIA, MASWERTE NAMAN TAYONG NABIGYAN NG PAGKAKATAONG MAKAPAGLAKBAY-ARAL SA SCIENCE CITY OF MUÑOZ SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA KUNG SAAN NARITO ANG PASILIDAD PHILMECH. ANDITO TAYO UPANG KUMALAP NG IMPORMASYON AT IBAHAGI ITO SA BAWAT KA-AGRING KAPAMILYANG PILIPINO.

VO: TOGETHER WITH THE DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION XI AND OTHER MEDIA NETWORKS, WE ARE FORTUNATE ENOUGH TO EXPERIENCE AN EDUCATIONAL EXPOSURE AT SCIENCE CITY OF MUÑOZ IN THE PROVINCE OF NUEVA ECIJA WHERE THE PHILMECH FACILITY IS LOCATED. WE ARE HERE TO GATHER INFORMATION AND SHARE IT TO EVERY KA-AGRING KAPAMILYANG PILIPINO.

ON CAM RODULFO[2]: ITO AY NAGLALAYON NA YUNG AMING R&D RESULTS DITO SA PHILMECH AY MAIPALAGANAP NATIN SA REGIONAL LEVEL, KUNG SAAN ISA ANG LOCAL MEDIA NETWORK NINYO NA MAKAKASAMA NAMIN SA PAGPAPALAGANAP NG TECHNOLOGIES AT INFORMATION NA RELATED DITO SA POST-HARVEST AT MECHANIZATION.

ON CAM RODULFO: OUR AIM IS TO PROMOTE OUR R&D RESULTS HERE IN PHILMECH TO THE REGIONAL LEVEL, WHEREIN THE LOCAL MEDIA NETWORK WILL BE WITH US TO DISSEMINATE TECHNOLOGY INFORMATION RELATED TO POST-HARVEST AND MECHANIZATION.

ON CAM RODULFO: NAKITA NATIN KASI YUNG IMPORTANCE NG MECHANIZATION SA PAGTAAS NG ANI, AT THE SAME TIME YUNG PAGREDUCE NG PRODUCTION COST. ISA PANG IMPORTANCE NITO AY YUNG KAPAG GUMAMIT TAYO NG MAKINARYA, LALO NA SA POSTHARVEST, AY MABABABAAN DIN NATIN YUNG NAWAWALA, NASASAYANG AT NABUBULOK NA PAGKAIN LALO NA SA GRAINS KAPAG GINAMITAN NATIN ITO NG MACHINERIES.

ON CAM RODULFO: WE SAW THE IMPORTANCE OF MECHANIZATION THROUGH THE INCREASE OF HARVEST, AT THE SAME TIME THROUGH THE REDUCTION OF PRODUCTION COST. ANOTHER IMPORTANCE OF THIS IS WE CAN LESSEN THE AMOUNT OF RESIDUALS AND BIODEGRABLE WASTES ESPECIALLY FROM GRAINS WHEN USING THE MACHINERIES.

HYPE NEXT SEGMENT

VO: AT ABANGAN SA AMING PAGBABALIK…MAMAMANGHA TAYO SA IILAN SA KANILANG MGA IBINIBIDANG MAKINARYA NA MAY HATID NA MAKABAGONG PAG-ASA SA ATING SEKTOR NG PAG-AAGRIKULTURA.

VO: COMING UP NEXT…WE WILL MARVEL AT SOME OF THE MACHINERIES THAT BRING NEW HOPE TO OUR AGRICULTURAL SECTOR.

END OF BODY 1

BODY 2

PHILMECH MACHINERIES

VO: SA PAGPAPATULOY NG ATING USAPING MECHANISASYON AY SIGURADONG MAPAPAMANGHA PA TAYO SA MGA MAKINARYANG MAY HATID NA PAGBABAGO SA BUHAY NG MGA MAGSASAKANG PILIPINO. AT SA PANGUNGUNA NGA NG PHILMECH DITO SA PROBINSYA NG NUEVA ECIJA AY PATULOY ANG KANILANG PAGLINANG AT PAGBUO NG MGA MAKINARYANG MAKAKATULONG SA PAGSULONG NG MODERNISASYON NG ATING SEKTOR NG PAG-AAGRIKULTURA.

VO: TO CONTINUE WITH OUR TALK ABOUT MECHANIZATION, FOR SURE WE WILL BE AMAZED BY THE MACHINES, WHICH BRING CHANGE TO THE LIVES OF OUR FILIPINO FARMERS. WITH THE INITIATIVE OF PHILMECH, THE FARMERS OF NUEVA ECJIA CONTINUE TO CREATE AND INNOVATE MACHINES, WHICH WILL HELP IN IMPROVING THE MODERNIZATION OF OUR AGRICULTURAL SECTOR.

ON CAM RODERIC[1]: PHILMECH AS AN ATTACHED AGENCY OF DA, WE ARE MANDATED TO SPEARHEAD THE DEVELOPMENT NG POST HARVEST AND MECHANIZATION MANDATE IS TO GENERATE, EXTEND AND COMMERCIALIZE APPROPRIATE POST HARVEST AND MECHANIZATION TECHNOLOGIES. AND ANG MANDATE NATIN IS TO GENERATE, EXTEND AND COMMERCIALIZE APPROPRITE POST-HARVEST MECHANIZATION TECHNOLOGY. MAY MGA STAND ALONE TECHNOLOGIES KAMING PINOPROMOTE AND SYSTEM. ONE OF THE CONSIDERATIONS NGAYON BEING GENDER-SENSITIVE DAPAT YAN AY KAYANG I-OPERATE EVEN OUR RURAL WOMEN KASI PART OF OUR TARGET GROUP NA DAPAT MAGING BENEFICIARY IS YUNG MGA RURAL WOMEN NATIN NA DAPAT GENDER-FRIENDLY AND AT THE SAME TIME ENVIRONMENTAL FRIENDLY.

ON CAM RODERIC: PHILMECH AS AN ATTACHED AGENCY OF DA, WE ARE MANDATED TO SPEARHEAD THE DEVELOPMENT NG POST HARVEST AND MECHANIZATION MANDATE IS TO GENERATE, EXTEND AND COMMERCIALIZE APPROPRIATE POST HARVEST AND MECHANIZATION TECHNOLOGIES. WE HAVE STAND ALONE TECHNOLOGIES AND SYSTEM WHICH WE’RE PROMOTING. WE PUT INTO CONSIDERATION THAT OUR MACHINES SHOULD BE GENDER-SENSITIVE FOR THE RURAL WOMEN CAN OPERATE THEM EASLIY. OUR TARGET IS THE RURAL WOMEN. THESE MACHINES SHOULD GENDER-FRIENDLY AND AT THE SAME TIME ENVIRONMENT-FRIENDLY.

VO: IILAN SA MGA IBINIBIDANG MAKINARYA DITO ANG PHILMECH AY ANG COMPACT CORNMILL, GRAIN MOISTURE METER, MULTI COMMODITY SOLAR DRIER AT ANG MULTI ROW ONION SEEDERS. KAYA SAMAHAN NIYO AKO MGA KA AGRI SA PAGTUKLAS NG MGA MAKABAGONG MAKINARYANG ITO.

VO: SOME OF THE MACHINES SHOWCASED BY PHILMECH ARE THE COMPACT CORNMILL, GRAIN MOISTURE METER, MULTI COMMODITY SOLAR DRIER AND THE MULTI ROW ONION SEEDERS. SO JOIN ME KA-AGRIS AS WE EXPLORE THESE MODERN MACHINES.

SOT: ANG PHILMECH COMPACT CORNMILL MINIMUM SPACE LANG ANG KELANGAN, ANG LAHAT NG COMPONENT ANDYAN NA LAHAT MAY CAPACITY NA 300-350 KG PER HOUR SA DESIGN NITO, MAY 3 DIFFERENT SIZES.

SOT: THE PHILMECH COMPACT CORNMILL ONLY REQUIRES A MINIMUM SPACE. ALL THE NECESSARY COMPONENTS ARE PRESENT AND IT HAS A CAPACITY OF 300-350 KG PER HOUR AND IT COMES IN 3 DIFFERENT SIZES.

VO: SA ISANG BAHAGI NAMAN NG COMPACT MILLER AY ANG TINATAWAG NA HAMMER MILL KUNG SAAN BINUBUHOS NA ANG MGA CRACKED CORN PARA MAGING CORN GRITS.

VO: THERE IS A PART OF THE COMPACT MILLER, CALLED THE HAMMER MILL, WHEERE THE CRACKED CORN IS PLACE TO BE MADE INTO CORN GRITS.

ON CAM RUBEN: AT DAGDAG PA DIYAN MGA KA-AGRI ITONG NAKIKITA NYO AY ANG MULTI COMMODITY SOLAR DRIER LAHAT NG PWEDENG IDRY PWEDENG IPASOK DITO KATULAD NG KAPE, PALAY KAYA UMULAN MAN MERON PARIN TAYONG MAPAGLAGYAN DUN SA ATING PWEDENG PATUYUIN NA PRODUKTO NATIN

ON CAM RUBEN: IN ADDITION, KA-AGRI, WHAT WE SEE HERE IS THE MULTI COMMODITY SOLAR DRIER. CROPS, WHICH CAN BE DRIED, SUCH AS COFFEE AND RICE, CAN BE PLACED INSIDE SO EVEN WHEN IT RAINS, WE STILL HAVE SOMETHING TO PLACE OUR PRODUCTS TO AND LET THEM DRY.

VO: AT SIYEMPRE HINDI PA TAYO NAGTATAPOS DYAN MGA KA-AGRI, DAHIL MAY PAHABOL PA TAYONG ISA PANG MAKINARYA NA TIYAK NA MAS MAKAKAPAGBABILIS NG ATING PAGTATANIM NG SIBUYAS…ANG MULTI ROW ONION SEEDERS O MROWS.

VO: OUR EPISODE DOESN’T JUST END HERE, KA-AGRI, BECAUSE WE STILL HAVE YET TO INTRODUCE ANOTHER MACHINE WHICH WILL MAKE PLANTING OF ONIONS FASTER… THE MULTI ROW ONION SEEDERS OR MROWS.

ON CAM DOMINGO[2]: DINEVELOP ITO NG PHILMECH PARA MAMECHANIZE YUNG SEEDING ESTABLISHMENT NG BULB ONION ANG MAKINANG ITO AY PARA MAADRESS NYA ANG ISSUES NG MGA NAGSISIBUYAS KUNG SAN MATAAS ANG ATING LABOR COST RELATIVE SA SYTEMA NG PAGTATANIM NG TRANSPLANTING AT MATAAS ANG COST NG SEEDS,

ON CAM DOMINGO: THIS IS DEVELOPED BY PHILMECH TO MECHANIZE THE SEEDING ESTABLISHMENT OF BULB ONION. THIS MACHINE IS DESIGNED TO ADDRESS THE ISSUES OF THOSE WHO ARE PLANTING ONIONS: OUR LABOR COST IS HIGHLY RELATIVE TO THE SYSTEM OF PLANTING AND TRANSPLANTING. THE COST OF OUR SEEDS IS ALSO HIGH.

VO: DIREKTA NA IPINUPUNLA NG MROWS ANG MGA BUTO SA LUPA. NABABAWASAN NG SAMPU HANGGANG LABING APAT NA ARAW ANG MATURITY PERIOD NITO. SA MAS MABABANG MATURITY PERIOD, NALILIMITAHAN ANG EXPOSURE NG ATING PANANIM SA INIT AT ULAN NA MAAARING MAKASIRA SA KALIDAD NITO. AT DAGDAG PA NI SIR MIRANDA…

VO: THE MROWS DIRECTLY IMPLANT THE SEEDS ON THE GROUND. THIS REDUCES THEIR MATURITY PERIOD FROM TEN TO FOURTEEN DAYS ONLY. WITH THE DECREASED MATURITY PERIOD, THE EXPOSURE OF OUR CROPS TO SUN AND RAIN ARE LIMITED, THUS PREVENTING THEM FROM RUINING THEIR QUALITY. SIR MIRANDA ALSO ADDED…

ON CAM DOMINGO: FINANCIALLY, DAGDAG ANG KITA SA MAGSISIBUYAS AROUND 12K – 60K ANG MADAGDAG NA KITA SA MAGSASAKA PER HECTARE ADVANTAGE NG DIRECT SEEDING 3 ½ MONTHS LANG MAHAHARVEST NA VS TRANSPLANTED ABOUT 4 MONTHS

ON CAM DOMINGO: FOR THE ONION PLANTERS, THIS WILL BENEFIT THEM FINANCIALLY BECAUSE AN AMOUNT OF AROUND 12K-60K PER HECTARE IS ADDED TO THEIR SALARIES. THE ADVANTAGE OF DIRECT SEEDING IS THAT IT ONLY TAKES 3 ½ MONTHS TO HARVEST COMPARED TO TRANSPLANTED WHICH TAKES ABOUT 4 MONTHS.

VO: KAYA NAMAN, SINUBUKAN KO RIN ANG PAGTATANIM NG MGA BUTO NG SIBUYAS GAMIT ANG MROW. SA HOPPER NG MAKINA INILALAGAY ANG MGA BUTO. AT UPANG MA-REGULATE AT MA-CONTROL ANG BUTO NA NAPUPUNTA SA LUPA AY MAYROON ITONG TINATAWAG NG SEED PLATE. MATAPOS MAIPUNLA ANG MGA BUTO SA LUPA AY TINATAKPAN NA ITO NG COMPACTOR NA NAGPAPATIGAS NG LUPA. SA ISANG PASADA, SAMPUNG HILERA ANG MATAMNAN NITO KUMPARA SA TRADITIONAL NA PAMAMARAAN NA DALAWANG HILERA LAMANG ANG KAYA.

VO: THAT’S WHY I ALSO TRIED PLANTING ONION SEEDS USING MROW. THE SEEDS ARE PLACED ON THE HOPPER AND THE SEED PLATE IS THE PART WHICH REGULATES AND CONTROLS THE SEEDS WHICH GO INTO THE SOIL. AFTER BURYING THE SEEDS ONTO THE GROUND, THEY ARE COVERED WITH A COMPACTOR WHICH HARDENS THE SOIL. TWO ROWS ARE PLANTED IN JUST ONE GO COMPARED TO THE TRADITIONAL WAY WHEREIN TWO ROWS ARE ONLY PLANTED.

ON CAM RUBEN: KELANGAN MO MANG CONTROL MISMO ANG MAKINA KASI KUNG HINDI PWEDE KANG MADALA AT ITONG MAKINA NA ITO MAS MAPAPABILIS ANG PAGTATANIM NG SIBUYAS AT MAS MAGANDA YUNG KALIDAD NG ATING NAAANI.

ON CAM RUBEN: YOU SHOULD BE ABLE TO CONTROL THE MACHINE BY YOURSELF OR ELSE, YOU WILL BE CARRIED AWAY. THIS MACHINE ALSO MAKES PLANTING OF ONIONS FASTER AND THE HARVEST WILL BE OF HIGHER QUALITY.

HYPE NEXT SEGMENT

VO: AT ABANGAN SA AMING PAGBABALIK… HATID NAMIN ANG ISANG HANEP NA TALAKAYAN SA BILIS ASENSONG PAGBABABUYAN! AT ABANGAN RIN MAMAYA…MAKIKILALA NATIN ANG IILAN SA ATING MGA KA-AGRING NAKIKINABANG NA SA GINHAWANG HATID NG MGA MAKINARYA NG MODERNONG PAG-AAGRIKULTURA.

VO: COMING UP NEXT… WE BRING TO YOU AN IN-DEPTH DISCUSSION ABOUT FAST PROGRESSING PIGGERIES! ALSO LATER…WE WILL GET TO KNOW SOME OF THE KA-AGRIS WHO ARE NOW LIVING A GOOD LIFE, THANKS TO HE BENEFITS BROUGHT ABOUT BY MODERN MACHINERIES IN AGRICULTURE

END OF BODY 2

BODY 3

REJOINDER

VO: WELCOME BACK, MGA KA-AGRI! HETO NA NAMAN AT MAY SOSORPRESAHIN TAYO! TULOY-TULOY LANG ANG PAGPAPASAYA AT BIGAYAN NG PREMYO DITO PARIN SA DAVAO CITY KASAMA SI MOMMY ONNIE!

VO: WELCOME BACK, KA-AGRI! HERE WE ARE AGAIN TO SURPRISE SOMEONE! THE GIVEAWAYS OF HAPPINESS AND PRIZES NEVER STOPS HERE IN DAVAO CITY TOGETHER WITH MOMMY ONNIE!

HANEP BABOY

5TH AGRIVERSARY SUGOD BAHAY

HYPE NEXT SEGMENT

VO: AT DAHIL SA KANYANG NAKAKABILIB NA KWENTO, ABA’Y NAHIKAYAT AKONG SUBUKAN ANG MGA GINAGAWA NILA SA PALAISDAAN.

VO: AND BECAUSE OF SIR TOTO’S REMARKABLE STORY, I WAS ENCOURAGED TO TRY THE THINGS THAT THEY ARE DOING IN THE FISHERIES.

END OF BODY 3

BODY 4

SUCCESS STORIES FROM PHILMECH STAKEHOLDERS

VO: LAYUNIN NG PHILMECH AT DEPARTMENT OF AGRICULTURE NA MAIPAMAHAGI SA ATING MGA MAGSASAKA SA BUONG PILIPINAS ANG MGA INOBASYON AT TEKNOLOHIYANG MAKAKAPAG-ANGAT SA KANILANG PANGKABUHAYAN. DAHIL NGA NAPAPANAHON NA RIN NGAYON ANG “AGRIPRENEURSHIP”… MALIBAN SA PAGIGING MAGSASAKA, PINASOK NA RIN NILA ANG PAGGAWA NG VALUE-ADDED PRODUCTS MULA SA KANILANG MGA NAAANI SA KANILANG MGA SAKAHAN. AT MARAMIRAMI NA RIN SA ATING MGA MAGASASAKA ANG NAKIKINABANG SA MGA MAKINARYANG ITO.

VO: THE GOAL OF PHILMECH AND DEPARTMENT OF AGRICULTURE IS TO IMPART INNOVATION AND MODERN TECHNOLOGY TO OUR FILIPINO FARMERS WHICH WILL HELP THEM IN THEIR LIVELIHOOD. BECAUSE “AGRIPRENERUSHIP” IS TIMELY NOWADAYS… ASIDE FROM BEING A FARMER, THEY ARE ALSO INTO PRODUCTION OF VALUE-ADDED PRODUCTS WHICH COME FROM THEIR HARVESTS. AND THERE ARE MANY FARMERS WHO HAVE BENEFITED FROM THESE MACHINES.

ON CAM SAMUEL[1]: KAMI PO AY NAGPAPASALAMAT SA DEPARMTMENT OF AGRICULTURE TOGETHER WITH THE PHILMECH NA BINIGYAN KAMI NG TRAMLINE PARA GAMITIN SA PAGSASAKA MALAKI PO ANG NAITULONG NITO SA AMIN KASI YUNG PAGHA-HAULING PO KASI NG MGA PRODUKTO NAMIN DITO AY NAGAANAN AT NAKA-MINIMIZE NG ORAS. HINDI PO TULAD NOON NA DYAN KAMI DARAAN SA TRAIL, INAABOT KAMI NG KALAHATING ORAS. SAMANTALANG DITO PO ANG FIVE MINUTES LANG.

ON CAM SAMUEL: WE ARE VERY THANKFUL TO THE DEPARMENT OF AGRICULTURE TOGETHER WITH THE PHILMECH WHICH GAVE US A TRAMLINE FOR US TO USE. THIS IS REALLY A BIG HELP ESPECIALLY IN TRANSPORTING OUR PRODUCE. BEFORE, IT WOULD TAKE US 30 MINUTES WALKING ON THE TRAIL, BUT NOW WITH THE HELP OF THE TRAMLINE, WE ARE ABLE TO TRANSPORT OUR PRODUCE IN JUST 5 MINUTES.

ON CAM ARMANDO[2]: NANG DUMATING PO ANG PHILMECH RICE HULLER SA AMIN AY MALAKI PO ANG NAITULONG NIYA LALONG-LALO NA DOON SA QUALITY NG PRODUCE NG HULLER NA ITO, IBANG-IBA, MALAYO KAYA NAGIGING COMPETITIVE SA MARKET.

ON CAM ARMANDO: WHEN THE PHILMECH RICE HULLER ARRIVED HERE, IT HELPED US BIG TIME ESPECIALLY ON THE QUALITY OF THE PRODUCE FROM THE HULLER, WHICH IS OF BETTER QUALITY AND MUCH COMPETITIVE IN THE MARKET.

VO: NAKINABANG DIN ANG IILAN SA ATING MGA KA-AGRING CACAO GROWERS SA DAVAO.

VO: ALSO, SOME OF OUR KA-AGRING CACAO GROWERS IN DAVAO WERE ABLE TO TAKE ADVANTAGE OF THESE MACHINES.

ON CAM ANDOY[3]: MALAKING TULONG TALAGA ANG NAIBIGAY NA PASILIDAD SA AMIN NG DA LALO NA ANG MGA BAGONG TECHNOLOGY NA MAY KAKAYAHAN DIN NA MAKAPAG-COMPETE SA QUALITY NG PANDAIGDIGANG NEGOSYO NG CACAO.

ON CAM ANDOY: DA WAS A BIG HELP TO US IN THE IMPROVEMENT OF OUR FACILITIES ESPECIALLY WITH THE NEW TECHNOLOGY WHICH IS CAPABLE ENOUGH IN COMPETING WITH OTHER CACAO BUSINESS AROUND THE WORLD.

ON CAM ANDOY: NOON, NASA HANGGANG 2 TONS LANG KAMI, NGAYON SA TULONG NG DA KAYA NAMING MAG-PROCESS NG HANGGANG 6 TONS WET BEANS PER DAY

ON CAM ANDOY: BEFORE WE WERE JUST ABLE TO RODUCE 2 TONS, NOW WITH THE HELP OF DA, WE CAN PROCESS UP TO 6 TONS WET BEANS PER DAY.

VO: NAKITA NATIN KUNG PAANO NILA NAPAPAINABANGAN ANG MAKINARYANG ITO.

VO: AND WE WERE ABLE TO SEE HOW THEY WERE ABLE TO USE THIS MACHINE.

ON CAM ANDOY: ITO ANG TINATAWAG NA SORTING MACHINE. ITO ANG MAGPILI DOON SA SMALL BEANS AT TSAKA YUNG MGA STANDARD BEANS NA TALAGA YUNG NA PWEDE NA NATING IPADALA FOR EXPORT.

ON CAM ANDOY: THIS IS WHAT WE CALL THE SORTING MACHINE. THIS WIL SORT OUT THE SMALL BEANS AND THE STANDARD BEANS WHICH CAN BE EXPORTED TO OTHER COUNTRIES.

VO: PERO PAANO NGA BA MAKAKAGAMIT NG MGA MAKINARYANG ITO?

VO: BUT HOW CAN OUR FARMERS AVAIL THESE SERVICES FROM THE GOVERNEMENT?

ON CAM NOEL[4]: WE REALLY ADVOCATE AND ADVISE OUR FARMERS TO FORM INTO AN ORGANIZATION. UNA MAS MAPAPALAKAS ANG BOSES NILA KUNG ANUMAN ANG HINAING NILA. ON THE PART OF THE GOVERNMENT NAMAN, IT WILL BE EASIER TO PROVIDE ASSISTANCE KASI SA DA, WE DON’T GIVE ASSISTANCE TO INDIVIDUAL FARMERS BUT GROUP OF FARMERS, ESPECIALLY WITH PROVISIONS OF FARM IMPLEMENTS, FARM EQUIPMENTS. GUSTO NATIN KASI MAGING COMMON O SHARED SERVICE FACILTY NA MAS MARAMI ANG MAKIKINABANG. AND FOR THEM TO AVAIL, KELANGAN TALAGA THEY ARE A REGISTERED ASSOCIATION, THEY HAVE TO PASS RESOLUTIONS, THEN IVAVALIDATE NATIN IF MAG-QUALIFY SILA FOR THE FARM MACHINERIES AND EQIPMENT NA BINIBIGAY NATIN.

ON CAM NOEL: WE REALLY ADVOCATE AND ADVISE OUR FARMERS TO FORM INTO AN ORGANIZATION. FIRST THEY ARE GIVEN THE CHANCE TO VOICE OUT THEIR CONCERNS. AS FOR THE GOVERNMENT’S PART, IT WILL BE EASIER TO PROVIDE ASSISSTANCE BECAUSE HERE IN DA, WE DON’T GIVE ASSISSTANCE TO INDIVIDUAL FARMERS BUT GROUP OF FARMERS, ESPECIALLY WITH PROVISIONS OF FARM IMPLEMENTS, FARM EQUIPMENTS. WE WANT A COMMON OR SHARED SERVICE FACILITY WHERE MORE PEOPLE CAN BENEFIT. AND FOR THEM TO AVAIL, THEY NEED TO BECOME A REGISTERED ASSOCIATION, THEY HAVE TO PASS RESOLUTIONS, THEN WE WILL VALIDATE IF THEY ARE QUALIFIED FOR THE FARM MACHINERIES AND EQUIPMENTS THAT WE ARE PROVIDING.

VO: AT HINDI LANG HANGGANG SA PAMIMIGAY NG PASILIDAD ANG HANDOG NG ATING PAMAHALAAN. DAHIL MAYROON DING MGA LEARNING SITES GAYA NG DEMO FARMS KUNG SAAN NILA MAKIKITA ANG AKTWAL NA PAGGAMIT NG MGA MAKINARYA AT TEKNOLOHIYA AT SIYEMPRE PA, MAY HANDOG RIN NA MGA KURSO ANG AGRICULTURAL TRAINING INSTITUTE UKOL SA FARM MECHANIZATION.

VO: AND OUR GOVERNMENT DOESN’T JUST PROVIDE FACILITIES, BECAUSE THEY ALSO HAVE LEARNING SITES SUCH AS DEMO FARMS WHEREIN THEY ARE TAUGHT ON HOW TO USE THE MACHINERIES AND TECHNOLOGY. ASIDE FROM THAT, THERE IS AN AGRICULTURAL TRAINING INSITITUTE, WHICH OFFERS A COURSE ON FARM MECHANIZATION.

ON CAM DANTE[5]: WE HAVE THIS RA 10601 PROMOTING AGRICULTURE AND FISHERIES MECHANIZATION IN THE COUNTRY. DAHIL DITO, ANG ATI AY NAGLAAN NG TATLONG TRAININGS FOR THIS YEAR FOR FARM MECHANIZATION. TATLONG BATCHES, FOR AGRICULTURAL ENGINEERS, AGRICULTURAL EXTENSION WORKERS AT YUNG FARMER LEVEL NA. PAANO YUNG PROPER NA PAGGAMIT NG FARM MACHINERIES, YUNG OPERATION NYA DAPAT MALAMAN YUN. LIBRE PO ITO, IN COLLABORATION WITH TESDA.

ON CAM DANTE: WE HAVE THIS RA 10601 PROMOTING AGRICULTURE AND FISHERIES MECHANIZATION IN THE COUNTRY. BECAUSE OF THIS, ATI RESERVED THREE TRANINGS FOR THIS YEAR FOR FARM MECHANIZATION. THREE BATCHES FOR AGRICULTURAL ENGINEERS, AGRICULTURAL EXTENSION WORKERS AND THOSE AT THE FARMER LEVEL. THEY WILL BE TAUGHT ON HOW TO PROPERLY OPERATE THE FARM MACHINERIES. AND THIS IS ALL FREE, IN COLLABORATION WITH TESDA.

VO: AYAN MGA KA-AGRI! DAHIL SA PAGTUTULUNGAN NATING MAIANGAT ANG ANTAS NG ATING PAGSASAKA, HINDI NALALAYONG MAKAMIT NATIN ANG INAASAM NATING MAS MASAGANANG PAG-AAGRIKULTURA.

VO: SO THERE YOU HAVE IT! BECAUSE WE HELP EACH OTHER TO ENHANCE THE STATUS OF FARMING IN OUR COUNTRY, IT’S NOT IMPOSSIBLE THAT WE CAN ACHIEVE THE ABUNDANT AGRICULTURE WE’VE ALWAYS DREAMED OF.

ON CAM RODERIC: KASI NGA YUNG TRADITIONAL SYSYEM IS VERY MUCH DIFFICULT TO BREAK. BUT STILL DUE TO THE CHANGING SITUATION NATIN NGAYON SA AGRICULTURE, SLOWLY NAEEMBRACE NA ANG MECHANIZATION.

ON CAM RODERIC: THE TRADITIONAL SYSTM IS VERY MUCH DIFFICULT TO BREAK. BUT DUE TO THE CHANGING SITUATION NOW IN OUR AGRICULTURE SECTOR, WE ARE SLOWLY EMBRACING THE BLESSINGS OF MECHANIZATION.

ON CAM DIONISIO: IPAKITA NATIN SA PAMAMAGITAN NG TAMANG MECHANIZATION KAYA NATING UMANGAT ANG ANI.

ON CAM DIONISIO: WE SHOULD BE ABLE TO SHOW THAT THROUGH MECHANIZATION, WE CAN INCREASE OUR YIELD.

ON CAM RODOLFO: NAKITA NAMIN NA MAKAKATULONG ITO SA COMPETITIVENESS NATIN IN PRODUCING FOOD DAHIL NAKITA NATING YUNG BENEFITS.

ON CAM RODOLFO: WE SAW THAT THIS COULD HELP IN THE COMPETITIVENESS IN PRODUCING FOOD BECAUSE OF THE EVIDENCES AND BENEFITS THAT WE WERE ABLE TO OBSERVE.

ON CAM ANDOY: SIGURADONG UUNLAD ITO. DAHIL DITO WE CAN COMPETE OUR QUALITY TO THE WORLD.

ON CAM ANDOY: THIS WILL SURELY SUCCEED. WITH THIS, WE CAN COMPETE OUR QUALITY TO THE WORLD.

ON CAM NOEL: THE ONLY WAY TO COMPETE GLOBALLY IS TO MECHANIZE. KAILANGAN NATIN ITO. YOU SAVE ON LABOR COST, WE IMPORVE THE QUALITY. YOU CAN DO MORE WITH LESS TIME, LESS LABOR. KAYA WE REALLY ENCOURAGE THEM TO GO INTO MECHANIZATION.

ON CAM NOEL: THE ONLY WAY TO COMPETE GLOBALLY IS TO MECHANIZE. WE NEED THIS. YOU SAVE ON LABOR COST, WE IMPROVE THE QUALITY. YOU CAN DO MORE WITH LESS TIME, LESS LABOR. THAT’S WHY WE REALLY ENCOURAGE THEM TO GO INTO MECHANIZATION.

VO: TANDAAN LAMANG NATIN NA ANG MEKANISASYONG ITO AY KAAGAPAY LAMANG NATIN SA PAG-UNLAD. ANG PAGSISIPAG AT PAGTITIYAGA PA RIN NATIN ANG SUSI UPANG PAG-ASENSO SA BUHAY AY MAKAMTAN. NAWA’Y MAGSILBING INSPIRASYON ANG MGA PAGSISIKAP NG ATING MGA KA-AGRING DALUBHASA UPANG MAS MAGING BUKAS ANG ATING KAISIPAN SA MODERNONG KABANATA NG ATING PAG-AAGRIKULTURA.

VO: WE HAVE TO REMEMBER THAT THESE MECHANICS WILL JUST SERVE AS A GUIDE FOR OUR PRODUCTIVITY. HARD WORK AND EFFORT ARE STILL THE KEYS TO A PROGRESSIVE LIFE. HOPEFULLY, THE HARD WORK OF OUR AGRICULTURAL EXPERTS WILL SERVE AS AN INSPIRATION FOR US TO BE MORE OPEN-MINDED IN THE MODERN ERA OF AGRICULTURE.

CLOSING SPIELS

ON CAM RUBEN: SA TULONG NG MGA MODERNO AT MAKABAGONG MAKINARYA AY NABIBIGYAN PO NATIN NG PAG-ASA ANG MGA KA-AGRI NATING MAGSASAKA UPANG MAS MAPAUNLAD PA ANG KALIDAD NG KANILANG MGA PRODUKTONG NAAANI. MALAKING TULONG ANG PAGLALAGAY NG MGA ADDED-VALUE SA ATING MGA PRODUKTO UPANG MAS MAGING COMPETETIVE ITO SA MERKADO NA SIGURADONG MAKAPAGBIBIGAY PO SA ATIN NG TUMATAGINGTING NA KITA. WAG NA WAG PO TAYONG MATATAKOT AT MAGDADALAWANG-ISIP NA SUBUKAN ANG BIYAYANG HANDOG NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA PAG-AAGRIKULTURA. AT SIYEMPRE GUSTO PO NAMING PASALAMATAN ANG SA PHILMECH SA PANGUNGUNA PO NG KANILANG EXECUTIVE DIRECTOR DR DIONISIO AVENDIA AT SIYEMPRE NAMAN PO SA MARAMING SALAMAT DIN SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION XI SA PANGUNGUNA DIN PO NG KANILANG REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR ENGR. RICARDO ONATE.

ON CAM RUBEN: WITH THE HELP OF THE MODERN MACHINERIES, WE ARE GIVING HOPE TO OUR FARMERS THAT THEY COULD ACTUALLY IMPROVE THE QUALITY OF THEIR PRODUCE. ALSO, GIVING ADDED-VALUE TO OUR PRODUCTS CAN MAKE THEM COMPETITIVE IN THE MARKET, WHICH CAN GIVE US BIGGER INCOME. WE SHOULD NOT BE AFRAID IN EMBRACING THE BLESSINGS BY THE MODERN TECHNOLOGY IN OUR AGRICULTURE SECTOR. AND WE WOULD LIKE TO THANK PHILMECH HEADED BY THEIR EXECUTIVE DIRECTOR DR DIONISIO AVENDIA AT SPECIAL THANKS TO DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION XI SPEARHEADED BY THEIR REGIONAL EXECUTIVE DIRECTOR ENGR. RICARDO ONATE.

ON CAM RUBEN: AT SA SUSUNOD NA LINGGO MGA KA-AGRI, WAG PA RIN PO KAYONG MAWAWALA AT SABAY-SABAY PA RIN PO TAYONG…

ON CAM RUBEN: AND OF COURSE NEXT WEEK, NEVER LEAVE AND GO AND TOGETHER WE’LL ALL

ON CAM CROWD: MATUTO, MATUWA AT KUMITA SA AGRIKULTURA.

ON CAM CROWD: LEARN, HAVE FUN, AND EARN MORE IN AGRICULTURE.

ON CAM RUBEN: AGRI BA KAYO DON?

ON CAM RUBEN: DO YOU AGRI? (AGREE WORDPLAY)

ON CAM RUBEN: ABA’Y DAPAT LANG! AGRI TAYO DITO!

ON CAM RUBEN: OF COURSE! AGRI TAYO DITO!

END OF BODY 4

END OF PROGRAM