Announcement: Thank you for your participation in the 17th Bright Leaf Agriculture Journalism Awards. Congratulations to all our winners!

Cateel, Davao Oriental Episode

by: Karren Verona of ABS-CBN Davao
2015 Best Agriculture TV Program or Segment

VO: SINONG MAG-AAKALA NA ANG GANITO KAGANDANG LUGAR AY DATING SINALANTA AT HALOS LINAMON NG ISANG BAGYO. NOONG 2012, NANG TUMAMA SA PILIPINAS ANG ISA SA MGA KINIKILALANG PINAKAMALAKAS NA TROPICAL CYCLONE NA TUMAMA SA KATIMUGAN NG MINDANAO. ITO ANG TYPHOON BOPHA O MAS KILALA DITO SA ATING BANSA BILANG BAGYONG PABLO.
VO: WHO WOULD’VE THOUGHT THAT THIS WONDERFUL PLACE WAS PREVIOUSLY DEVASTATED AND ENGULFED BY A SUPER TYPHOON. IN 2012, THE PHILIPPINES WAS HIT BY ONE OF THE STRONGEST TROPICAL CYCLONES THAT EASTERN MINDANAO HAVE EVER SEEN. THIS IS TYPHOON BOPHA OR MOST COMMONLY KNOWN HERE AS TYPHOON PABLO.
VO: WINASAK NG BAGYONG ITO ANG MILYON-MILYONG KABAHAYAN AT MGA KABUHAYAN. TINANGAY NITO ANG LIBO-LIBONG BUHAY AT MGA KINABUKASAN NG MAGPAPAMILYANG PINAGHIWAHIWALAY.
VO: IT DESTROYED MILLIONS OF HOUSEHOLDS AND LIVELIHOOD. IT CLAIMED THOUSANDS OF LIVES AND THE FUTURE OF THE SEVERAL SEPARATED FAMILIES.
VO: DAHIL DITO NAGKAISA ANG LAHAT NA MAIBANGON ANG MGA NASALANTANG BAYAN. AT MAPALAD DING NAKATANGGAP NG TULONG ANG ISA SA MGA MUNISIPALIDAD NA PINAKANAAPEKTUHAN AT NAPINSALA NG BAGYONG PABLO, ANG CATEEL, DAVAO ORIENTAL.
VO: BECAUSE OF THIS, PEOPLE HAVE COME HAND IN HAND FOR THE RECOVERY OF THE DEVASTATED TOWNS. AND LUCKILY ENOUGH, ONE TOWN THAT HAVE BEEN WORSTLY HIT BY TYPHOON PABLO HAVE RECEIVED EXTENSIVE HELP AND THAT IS THE TOWN OF CATEEL IN DAVAO ORIENTAL.
VO: NAPAPAGITNAAN ITO NG MUNISIPALIDAD NG BOSTON SA HILAGA, KARAGATANG PASIPIKO SA SILANGAN, MUNISIPALIDAD NG BAGANGA SA TIMOG, AT MUNISIPALIDAD NAMAN NG COMPOSTELA SA KANLURAN NITO.
VO: IT IS SITUATED BETWEEN THE MUNICIPALITY OF BOSTON IN THE NORTH, PACIFIC OCEAN IN THE EAST, MUNICIPALITY OF BAGANGA IN THE SOUTH AND MUNICIPALITY OF COMPOSTELA IN THE WEST.
VO: AT PARA SA MGA KA-AGRI NATING BIYAHERO, MULA SA KABISERA NG BANSA, MARARATING ANG MUNISPILIDAD NG CATEEL SA PAMAMAGITAN NG PAGSAKAY NG EROPLANO MULA MAYNILA PAPUNTA SA PALIPARAN NG DAVAO CITY. MULA SA DAVAO, MAAARING SUMAKAY NG PRIBADONG SASAKYAN O PAMPUBLIKONG BUS NA MAAARING DUMAAN SA MATI CITY. TINATAYANG AABOT SA ANIM HANGGANG SIYAM NA ORAS ANG BIYAHE KAYA SIGURADUHING SAPAT ANG BAON NIYO NA TUBIG UPANG MA-ENJOY NINYO ANG ROAD TRIP.
VO: AND FOR OUR KA-AGRING TRAVELERS, FROM THE CAPITAL OF THE COUNTRY, YOU CAN GO TO THE TOWN OF CATEEL THROUGH AN AIRPLANE RIDE FROM MANILA TO DAVAO CITY. FROM THERE, YOU CAN RIDE A PRIVATE VEHICLE OR PUBLIC UTILITY BUS THAT WILL PASS THROUGH MATI CITY. THE ROAD TRIP USUALLY TAKES SIX TO NINE HOURS, THAT’S WHY MAKE SURE TO BRING WITH YOU ENOUGH WATER FOR YOU TO ENJOY THE ROAD TRIP.
VO: PERO DI BALE MGA, KA-AGRI! SIGURADONG SULIT NA SULIT RIN NAMAN ANG BIYAHE DAHIL PAGDATING SA CATEEL, HETO ANG BABATI SA INYO! MGA MAGAGANDANG TANAWIN, MGA MAMAMAYANG MAGIGILIW SA PANAUHIN, AT KAY SASARAP NA PAGKAIN!.
VO: DON’T YOU WORRY, KA-AGRI! THE LONG ROAD TRIP IS ALL WORTH IT BECAUSE WHEN YOU ARRIVE IN CATEEL, THIS WILL WELCOME YOU! MAGNIFICENT VIEWS, HEARTWARMING FOLKS TO THEIR VISITORS, AND DELICIOUS FOOD AND DELICACIES!.
VO: AT NGAYONG UMAGA, DI LANG NILA TAYO BUBUSUGIN SA MGA IBINIBIDA NA KAYAMANAN NG CATEEL, BUBUSUGIN RIN TAYO NG MGA IBABAHAGI NILANG SAMU’T-SARING KWENTO NG PAGBANGON, PAG-ASA, AT PAGBABAGONG BUHAY! TARA’T LIBUTIN NATIN ANG KABUOAN NG CATEEL UPANG TUKLASIN ANG IBA PANG KABIDA-BIDANG PRODUKTO, YAMAN AT KWENTO SA LARANGAN NG PAG-AAGRIKULTURA DITO!.
VO: AND THIS MORNING, THEY WILL NOT JUST MAKE US FULL AND AMAZED OF THE TREASURES OF CATEEL, THEY WILL ALSO MAKE US JAM-PACKED OF STORIES OF RECOVERY, HOPE, AND NEW LIFE. LET’S GO ENJOY THE WONDERS OF CATEEL TO DISCOVER OTHER PRECIOUS PRODUCTS, RICHES AND STORIES IN THE FIELD OF AGRICULTURE IN CATEEL.

WELCOME SPIELS

ON CAM RUBEN[1]: MASAGANANG UMAGA MGA KA-AGRING KAPAMILYANG PINOY! ATING KUMUSTAHIN ANG BAYAN NG CATEEL, DAVAO ORIENTAL. RUBEN GONZAGA PO! AGRI TAYO DITO!
ON CAM RUBEN: A BOUNTIFUL MORNING TO ALL OUR KA-AGRING KAPAMILYANG PINOY. WE WILL DISCOVER THE TOWN OF CATEEL, DAVAO ORIENTAL. I AM RUBEN GONZAGA. AGRI TAYO DITO!

HYPE SEGMENTS

VO: MGA KA-AGRI! SAMU’T-SARING GANDA AT YAMAN NG CATEEL ANG ATING PAGSASALUHAN.
VO: KA-AGRI! WE WILL BE ENJOYING AND SHARING THE BLISS, BEAUTY AND RICHNESS OF CATEEL.
VO: MULA SA MGA NAKAKA-AGRING KAALAMAN SA PAGTATANIM, KWENTO NG ATING AGRIBIDANG MAY KAKAIBANG PAGLALAKBAY TUNGO SA TAGUMPAY. AT PATI NA MGA PRODUKTONG MAPAGKUKUNAN NG KITA. AALAMI NATIN ANG LAHAT NG YAN NGAYONG UMAGA. AT UUMPISAHAN NATIN YAN DITO SA ITANIM NA YAN!
VO: FROM AMAZING AGRI-KNOWLEDGE IN PLANTING, WE WILL VENTURE TO THE UNIQUE JOURNEY TO SUCCESS OF OUR AGRIBIDA, AND PRODUCTS THAT CAN BE SURELY SOURCE OF INCOME. WE WILL DISCOVER THEM ALL THIS MORNING. AND WE WILL START THAT HERE IN ITANIM NA YAN!

ITANIM NA ‘YAN! SEGMENT – SILI

VO: PARAISO MAN ANG NGAYO’Y MAITUTURING DAHIL SA GANDA AT YAMANG NAKAPALIGID. DATI AY LAMAN NG BALITA ANG KAPINSALAAN NA LUMAMON SA MUNISIPALIDAD NG CATEEL. BUKOD SA PAGKAWASAK NG MGA KABAHAYAN AY TINANGAY RIN NG SUPER TYPHOON NA ITO ANG ISA SA MGA PINAKAIMPORTANTENG BAHAGI NG IKINAKABUHAY NG MUNISIPALIDAD, ANG PAG-AAGRIKULTURA NA KABUHAYAN NG MGA KA-AGRI NATING CATEELEÑO.
VO: CATEEL MAY BE HAILED AS A PARADISE BECAUSE OF ITS BEAUTY AND GRANDEUR THAT SURROUNDS IT. BEFORE, IT BECAME A HIT IN THE NEWS BECAUSE OF THE DISASTER THAT DESTROYED THE TOWN OF CATEEL. ASIDE FROM THE DESTRUCTION OF HOMES, THE SUPER TYPHOON TOOK AWAY THE MOST IMPORTANT PART OF THE LIVELIHOOD OF CATEELEÑOS, THE AGRICULTURE.
VO: ANG DATING MATATAAS AT MAYAYABONG NA PUNO NG NIYOG AT IBA PANG FRUIT TREES AY PINALUHOD AT KINALBO NG BAGYO. PATI ANG MGA MATATAYOG NA PUNO NG FALCATA NA DATI AY ISA SA MGA PUNONG NAMAMAYANI SA MUNISIPALIDAD, NGAYON AY NABURA NA NG TYPHOON PABLO.
VO: THE TALL AND GRAND COCONUT TRESS AND OTHER FRUIT TREES WERE BROUGHT DOWN BY THE SUPER TYPHOON. ALSO, THE FAMOUS, STURDY FALCATA TREES IN CATEEL WERE ALSO BROUGHT DOWN BY TYPHOON PABLO.
VO: KAYA NAMAN PARA SA NGAYON LANG MULING MAKAKABISITA, TUNAY NGANG NAKAKAPANIPAGO ANG MAKIKITANG GANDA AT SAGANA NG PAG-AAGRIKULTURA DITO SA CATEEL. AT AYON SA ILANG MAGSASAKANG CATEELEÑO, ISANG PANANIM ANG NAKAKAPAGBIGAY SA KANILA NG BAGONG PAG-ASA. YAN AY ANG PAMPALASA NA SILI!
VO: BUT FOR THOSE WHO HAVE JUST CAME BACK TO VISIT, YOU WILL BE AMAZED BY THE NATURAL BEAUTY AND BOUNTIFUL AGRICULTURE OF CATEEL. AND ACCORDING TO SOME CATEELEÑO FARMERS, ONE PLANT HAS GIVEN THEM NEW HOPE, AND THAT IS THE CHILI PLANT.
VO: AT DAHIL KITANG-KITA ANG TAGUMPAY NA DULOT NITONG TANIM NA PAMPALASA, ABA’Y DI NA TAYO MAGPAPALIGOY-LIGOY PA. ATIN NANG ALAMIN KUNG PAANO ITINATANIM ITONG SILI. TUTURUAN TAYO NG PRESIDENT NG ASOSASIYON NG CHILI GROWERS DITO SA BARANGAY MAINIT SA CATEEL, SI KUYA LARRY BALMORI.
VO: AND BECAUSE THE CLEAR SUCCESS THAT THIS SPICE GIVES, LET’S GO NOW LEARN HOW TO PLANT THIS CHILI PLANT. WE WILL BE TAUGHT BY THE PRESIDENT OF THE ASSOCIATION OF CHILI GROWERS HERE IN CATEEL, KUYA LARRY BALMORI.

ON CAM LARRY[2]: ANG PANGALAN KANAMIN ASOSASYON, CATEEL DUMANG GARDEN WORKERS ASSOCIATION. ANG AMONG GIPILI NGA TANOM ANG SILI KAY GUMIKAN DUGAY MAMATAY. ABTAN UG DUHA KA TUIG O TULO, TAPOS SIGE KAMI HARVEST, PIRMI KAMI MAKA-KWARTA, MAKATABANG SA MGA KINAHANGLANON, ILABI NA SA AKONG KAUBANG FARMERS.
ON CAM LARRY: THE NAME OF OUR ASSOCIATION IS CATEEL DUMANG GARDEN WORKERS SSOCIATION. WE HAVE CHOSEN TO GROW CHILI PLANT BECAUSE OF ITS EXTENDED LIFE SPAN THAT USUALLY LASTS FROM TWO TO THREE YEARS. WE JUST HARVEST AND ALWAYS EARN THAT CAN HELP SUSTAIN OUR BASIC NEEDS, ESPECIALLY TO MY FELLOW FARMERS.
VO: OO NGA NAMAN. MABILIS ANG PAGTUBO AT DI LANG ONE TIME ANG PAG-ANI NG SILI. KAYA’T NAPAKAINAM ITONG ITANIM KAPAG PAGBANGON ANG NAIS MANGYARI AT KUNG KITA AY GUSTING MAPARAMI.
VO: THAT’S TRUE. CHILI PLANT GROWS FAST AND YOU CAN HAVEST FROM IT MANY TIMES. THAT’S WHY GROWING CHILI PLANT IS SO PRACTICAL IF YOU’RE TARGETING RECOVERY FROM DISASTERS AND DEFINITELY INCREASE YOUR INCOME.
VO: AYON KAY KUYA LARRY, MADALI LANG MAGPARAMI NG SILI. ANG MGA KAKAILANGANIN LAMANG AY SEEDLING TRAY, PANGBUNGKAL NG LUPA, SANDY LOAM SOIL AT BUTO NG SILI.
VO: ACCORDING TO KUYA LARRY, GROWING CHILI PLANT IS SO EASY. WE WILL NEED A SEEDLING TRAY, BOLO, SANDY LOAM SOIL AND CHILI SEEDS.

ON CAM RUBEN: EH KUYA LARRY, ANO PO ANG UNA NIYONG GINAGAWA SA PAGTATANIM NG SILI?
ON CAM RUBEN: KUYA LARRY, WHAT IS THE FIRST THING THAT WE SHOULD DO IN PLANTING CHILI PLANT?
ON CAM LARRY: ANG UNA AY MAGHANDA NG SEEDLING. BAWAT BUTAS AY LALAGYAN NATIN NG ISANG PIRASO NG BUTO. ILAGAY NATIN. TAKPAN.
ON CAM LARRY: THE FIRST THING THAT WE SHOULD DO IS TO PREPARE THE SEEDLING. WE WILL PUT ONE CHILI SEED IN EACH HOLE IN THE SEEDLING TRAY AND COVER IT.
VO: PAGKATAPOS ILAGAY ITO SA LUGAR KUNG SAAN MAY SAPAT NA LIWANAG UPANG MADALI TUMUBO ANG MGA SILI. PAGKATAPOS NG LABINLIMANG ARAW, PWEDE NANG ILIPAT-TANIM ANG MGA SEEDLINGS. SA PAGLILIPAT-TANIM, GUMAWA LAMANG NG BUTAS NA MAY KATAMTAMANG LALIM. YUNG SAPAT LAMANG NA IBAON ANG SEEDLING ANG ATING SILI.
VO: AFTER THAT, PUT THE SEEDLING TRAY IN A PLACE WHERE IT WILL BE EXPOSED TO ENOUGH SUNLIGHT FOR IT TO GROW FAST. AFTER FIFTEEN DAYS, WE CAN ALREADY TRANSFER THE SEEDLINGS FROM THE SEEDLING TRAY. IN TRANSFERRING THE SEEDLINGS, MAKE A HOLE THAT HAS JUST RIGHT DEPTH, WHERE YOU CAN JUST BURY THE CHILI PLANT SEEDLING.
VO: KUNG MARAMIHAN NAMAN ANG PAGTATANIM NA INYONG GAGAWIN, SIGURADUHIN ISANG METRO ANG PAGITAN NG MGA SEEDLING UPANG MAY SAPAT NA ESPASYO ANG BAWAT ISA HABANG TUMTUBO ITO. AT PAGKATAPOS NG ILANG BUWAN, PWEDE NG MAKAPAG-HARVEST NG MGA SILI KAGAYA NITO.
VO: IF YOU’RE PLANNING TO PLANT MANY SEEDLINGS IN ONE AREA, MAKE SURE THAT THERE IS A METER DISTANCE BETWEEN SEEDLINGS FOR THEM TO HAVE ENOUGH SPACE WHILE GROWING. AND AFTER A FEW MONTHS, YOU CAN ALREADY HARVEST CHILIS LIKE THIS.
VO: ANG DAMI OH! AT ETO NGA ANG NAGING SEKRETO NG MGA KA-AGRI NATING CATEELEÑOS TULAD NI KUYA LARRY. GINAGAWA NILANG HOT CHILI SAUCE O POWDER ANG MGA SILING ITO KAYA NAMAN NAGING MAS MABILIS AT MADALI ANG KANILANG PAGBANGON AT PAGKAMIT NG TAGUMPAY SA KANILANG BAGONG BUHAY KAYA NAMAN ETONG MULI ANG MGA KAILANGAN AT PROSESO SA PAGTATANIM NETO, MGA KA-AGRI.
VO: OH, THERE’S A LOT OF CHILIS! THIS IS THE SECRET OF OUR KA-AGRING CATEELEÑOS LIKE KUYA LARRY. THEY MAKE THESE INTO HOT CHILI SAUCE OR POWDER THAT’S WHY THEIR RECOVERY FROM THE DEVASTATION AND IN ACHIEVING UNPRECEDENTED SUCCESS IN THEIR NEW LIFE HAS BECOME FAST AND EASY. AGAIN, HERE ARE THE MATERIALS AND THE PROCESS IN PLANTING THIS.
VO: AALALAHANIN ANG NATUTUNANG PARAAN AT HUWAG KALILIMUTAN DAHIL BUKOD SA NAIHAHATID NITONG DAGDAG SARAP AT SIPA SA PANLASA, ABA’Y MAAARI RIN ITONG IBENTA UPANG KUMITA.
VO: REMEMBER AND NEVER FORGET THIS BECAUSE ASIDE FROM THE ADDITIONAL TASTE AND KICK OF FLAVOR THAT CHILI BRINGS, IT COULD ALSO BE SOLD FOR US TO GAIN INCOME.
ON CAM RUBEN: DI LANG ASTIG NA PAMPAGANA, PERO PARA SA ATING MGA KA-AGRING CATEELEÑOS, ITO’Y NAGBIBIGAY NG BAGONG PAG-ASA. SILING LABUYO…

ON CAM RUBEN: IT’S NOT JUST A COOL FOOD SPICE, BUT FOR OUR KA-AGRING CATEELEÑOS, THIS BROUGHT THEM NEW HOPE. SILING LABUYO…

ON CAM CROWD: ITANIM NA YAN!
HYPE NEXT SEGMENT

VO: SUSUNOD!
VO: UP NEXT!
ON CAM RUBEN: PUMAPASOK SA MATA, PUMAPASOK SA ILONG, NARARAMDAMAN KO KAHIT NAKA-MASK AKO.
ON CAM RUBEN: IT ENTERS MY EYES AND NOSE. AND I CAN FEEL AND SMELL IT EVEN IF I AM WEARING MASK.
VO: SA PAGBABALIK YAN NG AGRI TAYO DITO!
VO: WHEN AGRI TAYO DITO RETURNS!
END OF BODY 1

BODY 2 (TRT – 5:23)

SARAP KITA SEGMENT – DUMANG

VO: AT SA PAGPAPATULOY NG ATING PAGLALAKBAY SA BAYAN NG CATEEL, SAMAHAN NIYO AKONG TUKLASIN ANG IBA’T-IBANG PRODUKTO NA NAGSISILBING PANGKABUHAYAN NG ATING MGA KA-AGRI!
VO: AS WE CONTINUE OUR JOURNEY IN THE TOWN OF CATEEL, JOIN ME AS I DISCOVER THE VARIETY OF PRODUCTS THAT SERVES AS THE LIVELIHOOD OF OUR KA-AGRING CATEELEÑOS!
VO: AT ISA NGA SA MGA PROGRAMA NG GOBYERNO PARA SA MGA CATEELEÑOS AY ANG OPLAN PABLO NEGOSYO CART NA TUMUTULONG SA MGA CATEELEÑOS NA MAKAAHON MULA SA NANGYARING BAGYO. AT ISA SA MGA PRODUKTO NA KANILANG BINEBENTA GAMIT ANG NEGOSYO CART AY ANG BANANA CHIPS NA MAY IBA’T-IBANG FLAVOR NA HINDI LANG MASARAP AT MASUSTANSYA DAHIL ANG KITA ANG SIGURADO PA.
VO: ONE PROGRAM BY THE GOVERNMENT FOR THE CATEELEÑOS IS THE OPLAN PABLO NEGOSYO CART THAT HELPS THEM RECOVER FROM THE DEVASTATION OF THE TYPHOON. ONE PRODUCT THAT THEY SELL USING THE NEGOSYO CART IS THE BANANA CHIPS THAT HAS DIFFERENT FLAVORS, WHICH ARE NOT JUST AMAZINGLY DELICIOUS AND HEALTHY, BUT ALSO ARE SOURCES OF INCOME.
VO: HINDI LAMANG YAN DAHIL SIKAT RIN DITO ANG MASARAP NA…
VO: BANANA CHIPS IS NOT THE ONLY FAMOUS DELICACY HERE, BUT ALSO THE DELICIOUS…
ON CAM RUBEN: GUSTO KONG TIKMAN KASO PICTURE SIYA. TINATAWAG NA AKO!
ON CAM RUBEN: I WANNA TASTE IT BUT IT’S JUST A PICTURE. IT’S CALLING ME!
VO: ANG CASSAVA CAKE! ANG MATAMIS NA PRODUKTO, NA MASARAP NA, SIGURADO PA ANG KITA. AT SINAMAHAN NGA TAYO NI MA’AM WELLA DACUYCUY KUNG PAANO GAWIN ITONG CASSAVA CAKE.
VO: THE CASSAVA CAKE! THIS SWEET PRODUCT IS NOT JUST DELICIOUS, BUT ALSO IS PROFITABLE. AND WE HAVE WITH US IS MA’AM WELLA DACUYCUY, TO TEACH US HOW TO MAKE CASSAVA CAKE.
VO: MADALI LANG PALA ITONG GAWIN MGA KA-AGRI! ILAGAY LAMANG ANG MGA SANKAP SA BOWL, PAGKATAPOS HALUIN, PAG NAIHALO NA ITO, ILAGAY NA SA BAKING PAN NA MAY MARGARIN AT I-BAKE NG ISANG ORAS.
VO: CASSAVE CAKE IS JUST EASY TO MAKE, KA-AGRI! PUT THE PREPARED INGREDIENTS IN A BOWL AND MIX IT. AFTER MIXING IT, PUT IT IN THE BAKING PAN THAT HAS ALREADY MARGARIN AND BAKE IT FOR AN HOUR.
VO: AYAN! LUTO NA ANG CASSAVA. MMM! ANG SARAP! ANG CASSAVA AT BANANA CHIPS AT IBA PANG PRODUKTONG TATAK CATEEL AY MAKIKITA SA KANILANG BARANGAY FOOD TERMINAL.
VO: THERE! OUR CASSAVA CAKE IS ALREADY BAKED. MMM! IT’S DELICIOUS! THE CASSAVA CAKE AND BANANA CHIPS AND OTHER REMARKABLE PRODUCTS FROM CATEEL CAN BE BOUGHT IN THEIR BARANGAY FOOD TERMINAL.
ON CAM ANDRESA[3]: DITO NILALAGAY YUNG MGA LAHAT NG PRODUKTO NG ATING AGRIKULTURA AT ANG PINAKASIKAT AY ANG DUMANG.
ON CAM ANDRESA: WE PUT ALL OUR AGRICULTURAL PRODUCTS, AND THE MOST FAMOUS OF THOSE PRODUCTS IS DUMANG.
VO: ANG DUMANG AY ISANG PRODUKTONG GAWA MULA SA SILI.
VO: DUMANG IS A PRODUCT MADE OF CHILI.
ON CAM RUBEN: MGA KA-AGRI, MAKIKITA NIYO SA LIKURAN KO, ETO YUN RESULTA NUNG BAGYONG PABLO, ETO YUNG MGA PUNO, PERO UNTI-UNTI NA ITONG BUMABANGON. SA LOOB NG KAGUBATANG ITO, MAKIKITA NATIN YUNG HINAHANAP NIYONG SILI. TARA!
ON CAM RUBEN: KA-AGRI, YOU CAN SEE IT BEHIND ME IS THE EFFECTS OF THE DEVASTATION OF TYPHOON PABLO, HERE ARE THE TREES. BUT THESE ARE SLOWLY RECOVERING AND STANDING AGAIN. IN THE MIDDLE OF THIS FOREST LIES THE PLANT THAT YOU ARE LOOKING FOR, THE CHILI. LET’S GO!
VO: AT TINAHAK KO NGA ANG KABUNDUKAN UPANG MAKITA ANG ESPESYAL NA SILING ITO.
VO: AND I CLIMBED THE MOUNTAINS JUST TO SEE THIS SPECIAL CHILI.
ON CAM RUBEN: WOW ANG DAMI!
ON CAM RUBEN: WOW! THERE’S A LOT OF CHILIS.
VO: AT UPANG TURUAN TAYO KUNG PAANO GUMAWA NITONG MASARAP NA DUMANG, MAKAKASAMA NATIN SI MANG LUIS BUENO, JR.
VO: AND TO TEACH US HOW TO MAKE THIS DELICIOUS DUMANG, WE HAVE WITH US IS MR. LUIS BUENO, JR.
VO: ANG UNANG GAGAWIN AY TANGGALIN ANG TANGKAY NG SILI. PAGKATAPOS, HUGASAN AT SALAIN ITO. PAGKATAPOS AY IBILAD SA ARAW AT PATUYUIN NG TATLO HANGGANG PITONG ARAW. PAG SIGURADONG TUYO AT MALUTONG NA ITO, KAILANGAN ITONG IDAAN SA PROSESO NG SORTING. TINATANGGAL ANG PUTI O ITIM NA MGA SILI UPANG HINDI ITO MAKAAPEKTO SA KULAY NG ATING GAGAWING CHILI POWDER.
VO: THE FIRST THING TO DO IS TO REMOVE THE STEM OF THE CHILI. THEN WASH IT AND STRAIN IN. AFTER, PUT IT UNDER THE HEAT OF THE SUN AND DRY IT FOR THREE TO SEVEN DAYS. IF IT’S ALREADY DRY AND CRISPY, THIS MUST UNDERGO THE PROCESS OF SORTING. IN SORTING, WE REMOVE THE BLACK AND WHITE CHILIS FOR IT NOT TO AFFECT THE COLOR THE FINISHED PRODUCT.
ON CAM LUIS[4]: I-UNA NATIN ITO. PAGKATAPOS ILAGAY NATIN ‘TONG DRIED CHILI PO.
ON CAM LUIS: WE WILL MIX IT FIRST. AND WE WILL PUT THE DRIED CHILI.
ON CAM RUBEN: KAILANGAN TALAGA MAG-MASK KA, KASI YUNG ANGHANG NG SILING LABUYO TALAGANG MASISINGHOT MO PUMAPASOK SA MATA PUMAPASOK SA ILONG. ETO NGA EH OH, NARARAMDAMAN KO KAHIT NAKA-MASK AKO.
ON CAM RUBEN: YOU SHOULD REALLY WEAR A MASK. BECAUSE THE SPICE OF THE CHILI CAN REALLY BE SMELLED AND FELT. I CAN FEEL AND SMELL IT EVEN IF I AM WEARING MASK.
VO: PAGKATAPOS NATIN SIYA IGALING, IPASOK NA NATIN SA BOTE. SALAIN ITO UPANG MATANGGAL ANG MGA PIRASONG NANATILING BUO AT HINDI NA KAYA PANG GAWING MAS PINO.
VO: AFTER WE GRIND IT, WE WILL PUT IT IN THE BOTTLES. LET’S STRAIN IT FOR US TO REMOVE THE BIGGER PIECES THAT CAN’T BE GRINDED ANYMORE.
ON CAM LUIS: PAGKATAPOS NATIN SIYANG SALAIN, ILALAGAY NA NATIN SIYA SA BOTE.
ON CAM LUIS: AFTER WE STRAIN IT, WE WILL PUT IT IN THE BOTTLE.
VO: AT AYAN… READY NA ITONG PAGKAKITAAN! SA HALAGANG NINE HUNDRED THIRTY PESOS AY MAKAKAGAWA NA TAYO NG LABINLIMANG TIG-TWO HUNDRED ML NA DUMANG, KAYA MAY KITA KANG ONE THOUSAND FIVE HUNDRED PESOS AT MAY SARAP KITA NA FIVE HUNDRED SEVENTY PESOS. AT ETONG MULI ANG PARAAN SA PAGGAWA NG ESPESYAL DUMANG.
VO: AND THERE YOU GO…IT CAN NOW BE PROFITABLE. WITH JUST NINE HUNDRED THIRTY PESOS, YOU CAN ALREADY MAKE FIFTEEN PIECES OF TWO HUNDRED ML OF DUMANG. YOU CAN EARN ONE THOUSAND FIVE HUNDRED PESOS AND YOU’LL HAVE A NET PROFIT OF FIVE HUNDRED SEVENTY PESOS. AGAIN, HERE ARE THE STEPS IN MAKING THE SPECIAL DUMANG.
ON CAM RUBEN: TALAGANG NAGBIBIGAY ITO NG PAG-ASA. SILING LABUYO, NAGHAHATID DIN NG SARAP KITA!
ON CAM RUBEN: THIS DEFINITELY GIVES US HOPE. SILING LABUYO ALSO GIVES US…
ON CAM BOTH: SARAP KITA!
HYPE NEXT SEGMENT

VO: SUSUNOD! BILIS ASENSONG PAGBABABUYAN NA NAMAN ANG ATING SUSUNOD NA TALAKAYAN SA PAGBABALIK YAN NG AGRI TAYO DITO!
VO: UP NEXT! WE WILL AGAIN TALK ABOUT QUICK SUCCESS IN HOG RAISING WHEN AGRI TAYO DITO RETURNS.

END OF BODY 2

BODY 3 (TRT – 6:50)

HANEP BABOY – HEAT STRESS

VO: SA PAGPAPATULOY PA RIN NG ATING USAPANG TUNGKOL SA HEAT STRESS AY NANDITO PA RIN TAYO SA SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE SA ORTIGAS, PASIG – ANG PUGAD NG PRODUCT INNOVATIONS NG COUNTRY’S TRUSTED FEED BRAND, B-MEG.
VO: IN THE CONTINUATION OF OUR DISCUSSION ABOUT HEAT STRESS, WE ARE STILL HERE AT SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE IN ORTIGAS, PASIG – THE HEADQUARTERS OF PRODUCT INNOVATIONS OF THE COUNTRY’S TRUSTED FEED BRAND, B-MEG.
VO: AT NGAYON NAMAN, AALAMIN NATING ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT NASTESTRESS ANG ATING MGA ALAGANG BABOY NGAYONG MAINIT ANG PANAHON, SA TULONG PA RIN NG ATING US-TRAINED VETERINARIAN NA SI DOK EUGENE MENDE.
VO: AND NOW, WE WILL DISCOVER THE CAUSE OF STRESS THAT OUR PIGS EXPERIENCE NOW THAT THE WEATHER IS SO HOT, WITH THE HELP OF OUR US-TRAINED VETERINARIAN, DR. EUGENE MENDE.
ON CAM EUGENE[5]: MAGANDANG UMAGA, MGA KA-AGRI. SUMMER NA NAMAN. AT PAGKA-SUMMER, ANG HAYOP NA TALAGANG NAGHIHIRAP SA INIT NG PANAHON AY ANG BABOY.
ON CAM EUGENE: GOOD MORNING, KA-AGRI! IT’S SUMMER TIME ONCE AGAIN. AND DURING SUMMER TIME, THE ANIMAL THAT IS HAVING HARD TIME IN HOT WEATHER ARE THE PIGS.
ON CAM EUGENE: KASI ANG MGA BABOY MGA KA-AGRI, UNANG-UNA, WALA SILANG SWEAT GLANDS, SO WALANG MAILABAS ANG INIT NGA KANILANG KATAWAN. PANGALAWA, ANG LIIT-LIIT NG BAGA O LUNGS NG MGA BABOY KUMPARA SA LAKI NG KANILANG KATAWAN. KAYA ANG HIRAP PUMASOK NG OXYGEN.
ON CAM EUGENE: KA-AGRI, FIRST AND FOREMOST, PIGS DON’T HAVE SWEAT GLANDS, SO THEY CAN’T RELEASE THE HEAT OF THEIR BODY. SECONDLY, THEY HAVE SMALL LUNGS COMPARED TO THE SIZE OF THEIR BODY. THAT’S WHY THE OXYGEN CAN BARELY ENTER THEIR LUNGS.
ON CAM EUGENE: AT DAHIL PANT SILA NG PANT, DAPAT SILANG HUMINGA OR TALAGANG NAHIHIRAPAN SILANG HUMINGA, ANG LAKAS-LAKAS ANG PAGLABAS NG CARBON DIOXIDE SO NAPAKA-IMBALANCE NG KATAWAN NG BABOY NGAYONG PANAHON NA ITO.
ON CAM EUGENE: BECAUSE OF FREQUENT PANTING, THEY ARE HAVING HARD TIME BREATHING. THERE IS FAST RELEASE OF CARBON DIOXIDE THAT CAUSES IMBALANCE IN THE BODY OF THE PIGS DURING THIS SEASON.
ON CAM EUGENE: PANGATLO, ANG KAPAL NG KANILANG TABA KAYA TALAGANG WALANG MAKAKALABAS NA HANGIN MULA SA KANILANG KATAWAN. DAHIL DITO, ANG MGA BABOY TUWING TAG-INIT, AYAW KUMAIN, NAKAHIGA LAMANG O DI KAYA AY NAGLALARO SA TUBIG. APEKTADO ANG KANILANG PAGKAIN. ITO ANG PROBLEMA NATIN SA PANAHONG ITO.
ON CAM EUGENE: THIRDLY, THE THICKNESS OF THEIR FATS INCAPACITATES THEM TO RELEASE AIR FROM THEIR BODY. AND BECAUSE OF THIS, THE PIGS DURING THIS SEASON WON’T EAT, JUST LIE AROUND OR PLAY WITH WATER. THEIR APPETITE IS AFFECTED IN THIS SEASON OF HEAT.
ON CAM EUGENE: ANG PINAKA-WORST NITO, MGA KA-AGRI, AY DOON SA ATING MGA MALALAKING BABOY, LALO NA YUNG MGA INAHIN NATIN AT MGA BARAKO. SA SUMMER, DITO NANGYAYARI ANG SUMMER INFERTILITY. AYAW MAGLANDI NG ATING MGA BABOY NA BABAE, AT ANG BARAKO NATIN AY PANGIT ANG SEMILYA, AT ANG MGA BABAE NAMAN NATIN KAPAG BINULOG, MADALAS MA-AGASAN.
ON CAM EUGENE: THE WORST THING HERE, KA-AGRI, IS FOR THE LARGER PIGS, ESPECIALLY THE SOWS AND HOGS. THE INFERTILITY HAPPENS DURING SUMMER. THE SOWS WON’T FLIRT, AND THE SPERM’S QUALITY OF HOGS ARE POOR.
ON CAM EUGENE: KAYA KAILANGAN PAPANGUNAHAN NATIN ANG PROBLEMA SA TAG-INIT. ANG NAPAKA-IMPORTANTE AY ANG MGA TIPS NATIN PARA MAS MALAMIG ANG PANAHON KAHIT MAINIT.
ON CAM EUGENE: THAT’S WHY WE SHOULD GO AHEAD THESE SUMMER PROBLEMS. THE MOST IMPORTANT THING ARE THE TIPS TO COOL DOWN THE TEMPERATURE IF IT’S TOO HOT.
ON CAM EUGENE: TIGNAN NATIN YUNG MAS MADALAS NA PAGPAPALIGO. KUNG DATI-DATI, ONCE OR TWICE LANG TAYO MAGPALIGO, NGAYON PAKUNTI-KUNTI PERO MAS MADALAS NA PAGPAPALIGO. UNANG-UNA DIYAN, ALAS OTSO NG UMAGA, ALAS DIYES, ALAS DOSE, ALAS DOS, ALAS KWATRO AT ALAS SAIS.
ON CAM EUGENE: LET’S MAKE SURE THE FREQUENT BATHING OF OUR PIGS. IF BEFORE, WE ONLY BATH THEM ONCE OR TWICE A DAY, LET’S MAKE IT LESS BUT MORE FREQUENT. YOU BATHE THEM FIRST AT EIGHT AND TEN IN THE MORNING, TWELVE IN THE MIDDAY, TWO AND FOR IN THE AFTERNOON AND SIX IN THE EVENING.
ON CAM EUGENE: KUNG MAHIRAP ANG TUBIG SA ATIN, KAHIT BASAIN LANG NATIN ANG ULO NG ATING MGA BABOY PARA HINDI MASYADONG BASA ANG KULUNGAN NATIN. KASI PAG MASYADONG BASA NAMAN ANG KULUNGAN NATIN, TATAAS NAMAN YUNG HUMIDITY, MAGIGING HUMID NAMAN ANG BABUYAN NATIN. PAG HUMID LALO SILANG MAHIHIRAPAN NA HUMINGA.
ON CAM EUGENE: IF YOU HAVE PROBLEMS WITH WATER SOURCE, WE JUST HAVE TO BATHE THE HEADS OF OUR PIGS TO MAKE SURE THAT OUR CAGES ARE NOT SO WET. IF THE CAGE IS SO WET, THE HUMIDITY WILL INCREASE. IF THE CAGE IS TOO HUMID, THE PIGS WILL HAVE HARD TIME BREATHING.
ON CAM EUGENE: DITO NAMAN MAKAKATULONG KUNG TITIGNAN NATIN ANG MGA BABUYAN NATIN KUNG MASYADONG MABABA ANG MGA KULUNGAN NGA MGA BABOY NATIN, LAGYAN NATIN NG MGA KARTON ANG MGA GI SHEETS O KANILANG MGA BUBONG, O ANUMANG PWEDENG ILAGAY UPANG MA-BLOCK LANG YUNG DIRECT NA INIT MULA SA ARAW.
ON CAM EUGENE: IT WILL HELP IF WE MAKE SURE THAT THE CAGE IS NOT SO LOW. WE SHOULD PUT CARTON BOXES BELOW OUR GI SHEETS, OR ANYTHING THAT WOULD BLOCK THE DIRECT HEAT FROM THE SUN.
ON CAM EUGENE: ISA PA RITO MGA KA-AGRI, TIGNAN NATIN ANG PAGPAPAPAKAIN. NAPAKA-IMPORTANTE NA KAUNTI ANG KAIN PERO MAS MADALAS. KUNG DATI-DATI, DALAWANG BESES LANG TAYO MAGPAKAIN, ISANG BESES SA UMAGA, ISANG BESES SA HAPON.
ON CAM EUGENE: ANOTHER THING, KA-AGRI, LET’S CAREFULLY CHECK THE FEEDING. IT IS VERY IMPORTANT THAT THEY ARE EATING LESS BUT MORE FREQUENT. IF BEFORE, WE ONLY FEED THEM TWO TIMES A DAY, ONE IN THE MORNING AND ONE IN THE AFTERNOON.
ON CAME EUGENE: ANG NANGYAYARI NUN AY MAS MARAMI ANG NAKAKAKAIN NILA. PAG SILA AY KUMAKAIN NG MARAMI, LALO SILANG NAG-IINIT ANG KANILANG KATAWAN, SO HINDI SILA KUMAKAIN NG MARAMI, OR KUNG KUMAKAIN MAN NG MARAMI LALO SILANG NAGPAPANT, LALO SILANG NAHIHIRAPANG HUMINGA.
ON CAM EUGENE: WHAT HAPPENS USUALLY IS THAT THEY EAT A LOT. IF THEY ARE EATING A LOT, THEIR BODIES ARE GETTING WARMER AND THEY ARE PRONE TO EXTREME PANTING, WHICK MAKES THEM HARDER TO BREATHE.
ON CAM EUGENE: SO KUNG DATI-DATI TWICE NA PAGPAPAKAIN, GAWIN NATING THREE TIMES O FOUR TIMES. AT ILIPAT SA GABI ANG PAGPAPAKAIN. KASI KUNG KAILAN GAGABI AT LALAMIG ANG PANAHON, DUN SILA KAKAIN. HINDI NASASAYANG YUNG FEEDS NATIN.
ON CAM EUGENE: IF BEFORE WE FEED THEM TWICE A DAY, LET’S MAKE IT THREE OR FOUR TIMES THIS TIME. TRANSFER THE FEEDING TIME IN THE EVENING. THEY EAT MORE DURING THE EVENING AND WHEN THE TEMPERATURE IS COOLER. WITH THAT, OUR FEEDS WON’T BE WASTED.
ON CAM EUGENE: DITO RIN IMPORTANTE ANG KALIDAD NG KINAKAIN NG MGA BABOY NATIN KASI NGA SA MAINIT NA PANAHON, KUKUNTI O BUMABAGAL ANG KANILANG PAGKAIN. NAPAKA-IMPORTANTE NA BAWAT BUTIL O BAWAT PELLET NA KINAKAIN AY MATAAS SA NUTRISYON.
ON CAM EUGENE: THE QUALITY OF THE FEEDS EATEN BY OUR PIGS IS VERY IMPORTANT ESPECIALLY IF THE WEATHER IS HOT BECAUSE IT IS IN THIS SEASON THAT THE APPETITE OF OUR PIGS IS GETTING SLOW. THAT’S WHY IT IS VERY IMPORTANT THAT EVERY PELLET THAT THEY ARE EATING IS RICH IN NUTRITION.
ON CAM EUGENE: DITO PO NATIN KAILANGAN I-PREMIUM FEEDS ANG ATING PAGPAPAKAIN. NAPAKA-IMPORTANTE DIN ANG PREMIUM FEEDS, ANG INGREDIENTS NITO AY MADALING MATUNAW. KAPAG KA ANG INGREDIENTS NATIN AY MAHIRAP TUNAWIN, LALONG NAHIHIRAPANG MAG-PROCESS ANG MGA BABOY NATIN.
ON CAM EUGENE: THIS IS WHERE WE SHOULD FEED OUR PIGS PREMIUM FEEDS. PREMIUM FEEDS IS VERY IMPORTANT BECAUSE ITS INGREDIENTS ARE EASY TO DIGEST. IF THE INGREDIENTS ARE HARD TO DIGEST, THE PIGS’ SYSTEM WILL HAVE HARD TIME PROCESSING IT.
ON CAM EUGENE: ANG B-MEG PREMIUM FEEDS, MALIBAN PA SA KANILANG LEAN PLUS TECHNOLOGY FORMULATION, AY MERONG ANTI HEAT STRESS FORMULA. SINIGURADO NAMIN NA ANG LAHAT NG SANGKAP AY NAKAKABUTI SA WATER RETENTION O MAS NAKAKAPANATILI ANG TUBIG NGAYONG PANAHON NG TAG-INIT SA ATING MGA BABOY.
ON CAM EUGENE: THE B-MEG PREMIUM FEEDS, ASIDE FROM ITS LEAN PLUS TECHNOLOGY FORMULATION, IT ALSO HAS ANTI HEAT STRESS FORMULA. WE MADE SURE THAT THE INGREDIENTS CAN HELP IN THE WATER RETENTION OF OUR PIGS ESPECIALLY IN THE DRY OR HOT SEASON.
ON CAM EUGENE: ISA PA SA PINAKA-IMPORTANTENG PROBLEMA NGAYONG TAG-INIT AY NAWAWALAN NG ELECTROLYTES ANG KATAWAN NG ATING BABOY. ANG ELECTROLYTES ANG NAGME-MAINTAIN NG KATAWAN NG ATING MGA BABOY AT NAGBIBIGAY NG DIRECT ENERGY.
ON CAM EUGENE: ANOTHER MAJOR PROBLEM IN THIS HOT SEASON IS THAT OUR PIGS LOSE A LOT OF ELECTROLYTES. ELECTROLYTES MAINTAINS THE BODY OF OUR PIGS AND GIVES THEM DIRECT ENERGY.
ON CAM EUGENE: PARA MAIBIGAY ANG TAMANG ELECTROLYTES, BUMILI LAMANG TAYO NG SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE ELEC-V. ANTG ELEC-V AY KUMPLETONG ELECTROLYTES, KUMPLETONG SANGKAP NG ELECTROLYTES FROM BICARBONATES TO SODIUM TO POTASSIUM. KAILANGAN YAN PARA MAS MAPANATILING MAGANA ANG KONDISYON NG MGA BABOY, BABALIK ANG GANANG KUMAIN, PAGTAYO PARA UMINOM NG TUBIG, AT PAGTAYO PARA KUMAIN.
ON CAM EUGENE: TO GIVE THEM THE RIGHT ELECTROLYTES, WE SHOULD ONLY BUY THE SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE ELEC-V. THE ELEC-V IS COMPLETE IN ELECTROLYTES, COMPLETE FORMULATION OF ELECTROLYTES FROM BICARBONATES TO SODIUM TO POTASSIUM. IT IS NEEDED TO MAINTAIN THE CONDITION OF THE APPETITE OF OUR PIGS, THEIR APPETITES WILL COME BACK AND THEY CAN ALREADY STAND WHEN THEY EAT OR DRINK.
ON CAM EUGENE: IHALO LAMANG ANG ISANG SACHET NG ELEC-V SA ISANG GALONG TUBIG. ARAW-ARAW MO ITO IBIGAY PAG TINGIN MO MAINIT ANG PANAHON AT NANGHIHINA ANG ATING MGA BABOY.
ON CAM EUGENE: JUST MIX ONE SACHET OF ELEC-V IN A GALLON OF WATER. GIVE IT TO THEM EVERYDAY ESPECIALLY IF THE WEATHER IS HOT AND IF THEY ARE GETTING WEAK.
ON CAM EUGENE: MALIBAN PA SA MAINIT NA PANAHON, PROBLEMA NGAYON WALANG GANA KUMAIN ANG MGA BABOY. PARA BUMANAT ANG KANILANG PAGKAIN, GUMAMIT NG MULTI-V.
ON CAM EUGENE: ASIDE FROM THE HOT WEATHER, ANOTHER PROBLEM IS THE POOR APPETITE OF OUR PIGS. TO INCREASE THEIR APPETITE, GIVE THEM MULTI-V.
ON CAM EUGENE: ANG MULTI-V ANG KUMPLETONG MULTIVITAMINS AT AMINO ACIDS PARA KAILANGAN NG MGA BABOY PARA BUMALIK ANG GANANG KUMAIN, ANG LISTO AT BILIS.
ON CAM EUGENE: THE MULTI-V IS COMPLETE IN MULTIVITAMINS AND AMINO ACIDS WHICH HELPS OUR PIGS TO REGAIN THEIR APPETITE, STRENGTH AND ENERGY.
ON CAM EUGENE: IHALO LAMANG SA ISANG GALONG TUBIG ANG ISANG SACHET NG MULTI-V. PARA MALABANAN ANG MAINIT NA PANAHON, MAGBIGAY LAMANG NG TOTOONG PREMIUM FEEDS, AT MGA HIGH QUALITY HEALTH SUPPLEMENTS.
ON CAM EUGENE: UST MIX ONE SACHET OF MULTI-V IN A GALLON OF WATER. TO COMBAT THE EXTREME HEAT, JUST GIVE THEM THE TRUE PREMIUM FEEDS, AND HIGH QUALITY HEALTH SUPPLEMENTS.
ON CAM EUGENE: PARA SA IBA PANG PRACTICAL TIPS SA HOG RAISING, I-LIKE ANG B-MEG PREMIUM HOG RAISING FACEBOOK FAN PAGE OR BUMISITA SA B-MEG WEBSITE.
ON CAM EUGENE: FOR OTHER PRACTICAL TIPS IN HOG RAISING, JUST LIKE THE B-MEG PREMIUM HOG RAISING FACEBOOK FAN PAGE OR VISIT THE B-MEG WEBSITE.
VO: SA WASTONG PAG-AALAGA NG BABOY AT PAGGAMIT NG TOTOONG PREMIUM FEEDS AT DEKALIDAD NA GAMOT, MAIIWASAN NATIN ANG MASAMANG DULOT NG MAINIT NA PANAHON AT NG HEAT STRESS. MAS GAGANDA PA LALO ANG ATING HOG RAISING BUSINESS AT MAS AASENSO PA TAYO KASAMA ANG B-MEG PREMIUM HOG PELLETS, THE ONLY FEED WITH LEAN PLUS TECHNOLOGY NA PANLBAN DIN SA HEAT STRESS.
VO: WITH THE PROPER CARE OUR PIGS AND THE USE OF PREMIUM FEEDS, WE CAN AVOID THE BAD EFFECTS OF HOT WEATHER AND HEAT STRESS. OUR HOG RAISING BUSINESS WILL PROSPER AND SUCCEED WITH THE USE OF B-MEG PREMIUM HOG PELLETS, THE ONLY FEED WITH LEAN PLUS TECHNOLOGY, THAT CAN ALSO FIGHT AGAINST HEAT STRESS.
VO: ISANG ARAL NA NAMAN HATID NG HANEP BABOY!
VO: ANOTHER LEARNINGS BROUGHT TO US BY HANEP BABOY!
VO: AT MGA KA-AGRI, DAHIL NGA KA-PARTNER NATIN SA USAPANG BILIS ASENSO ANG B-MEG AT SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE, ISANG AGRICULTURE AND LIVESTOCK EXPO PO ANG GAGANAPIN NGAYON JUNE FOUR TO SIX SA SMX CONVENTION CENTER, SM LANANG PREMIER, LANANG, DAVAO CITY. TATLONG ARAW PO NA SIKSIK SA KAALAMAN SA PAGHAHAYUPAN LALO NA SA PAGBABABUYAN NA INIHANDA NG B-MEG AT SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE. KAYA, WAG NIYO PO YANG PALALAMPASIN, MGA KA-AGRI, KASI KASAMA NATIN ANG B-MEG SA PAGBILIS ASENSO NG MGA PILIPINO.
VO: KA-AGRI, SINCE B-MEG AND SAN MIGUEL HEALTH CARE ARE OUR PARTNERS IN DISCUSSIONS IN QUICK SUCCESS, AN AGRICULTURE AND LIVESTOCK EXPO WILL BE HELD THIS JUNE FOUR TO SIX AT SMX CONVENTION CENTER, SM LANANG PREMIERE, LANANG, DAVAO CITY. THREE DAYS OF FULL-PACKED LEARNINGS IN LIVESTOCK, ESPECIALLY IN HOG RAISING BROUGHT TO US BY B-MEG AND SAN MIGUEL ANIMAL HEALTH CARE. DON’T MISS THIS EVENT, KA-AGRI, BECAUSE B-MEG WILL ALWAYS BE THERE FOR THE QUICK SUCCESS OF THE FILIPINOS.

REJOINDER

VO: KAKAIBA TALAGA ANG HATID NA BAGONG KAALAMAN NG BILIS ASENSONG PAGBABABOY. AT KUNG TALAKAYAN NA BAGO ANG PAG-UUSAPAN, ATIN NAMANG TUNGHAYAN ANG KWENTO NG ISANG BUHAY NA NAGBAGO DAHIL SA PAGSISIKAP SA AGRICULTURA DITO LANG SA AGRIBIDA!
VO: AMAZING ARE THE NEW KNOWLEDGE WE GOT ON QUICK SUCCESS IN HOG RAISING. AND TALKING ABOUT NEW DISCUSSIONS, LET’S WITNESS A STORY OF A LIFE THAT HAS CHANGED BECAUSE OF HARWORK AND PERSEVERANCE ONLY HERE IN AGRIBIDA.

AGRIBIDA SEGMENT – CAMILO SALBANIA

ON CAM RUBEN: HINDI MAIKAKAILA NA KAY RAMING MGA PAGSUBOK ANG KINAKAHARAP NG ATING MGA KA-AGRING MAGSASAKA. NARIYAN ANG MATINDING INIT KAKULANGAN NG IRIGASYON, AT MGA PESTE NA SUMISIRA SA KANILANG MGA PANANIM. PERO BUKOD DIYAN, MAYROON TAYONG MGA KA-AGRING MAGSASAKA NA DI PANGKARANIWAN ANG PAGSUBOK PARA MAPAUNLAD LAMANG ANG KANILANG KABUHAYAN.
ON CAM RUBEN: IT CANNOT BE DENIED THAT THERE ARE A LOT OF TRIALS THAT OUR KA-AGRING FARMERS EXPERIENCE. THERE IS TOO MUCH HEAT, LACK OF IRRIGATION, AND PESTS THAT DESTROYS THEIR PLANTS. BUT ASIDE FROM THAT, WE HAVE KA-AGRING FARMERS THAT EXPERIENCE UNIQUE ORDEALS WHILE MAKING THEIR LIVES BETTER.
VO: AT DITO NGA SA PROBINSYA NG DAVAO ORIENTAL, ATING MAKIKILALA ANG ISANG MAGSASAKANG NAIIBA ANG PAGSUBOK SA BUHAY NGUNIT HINDI SUMUSUKO, MAKAMIT LANG ANG TAGUMPAY.
VO: HERE IN THE PROVINCE OF DAVAO ORIENTAL, WE WILL GET TO KNOW A FARMER WITH UNIQUE TRIAL IN LIFE BUT NEVER GIVES UP JUST TO ACHIEVE SUCCESS IN LIFE.
ON CAM CAMILO[6]: AKO PO SI CAMILO SALBANIA, ISANG UPLAND RICE FARMER DITO SA CATEEL, DAVAO ORIENTAL.
ON CAM CAMILO: I AM CAMILO SALBANIA, AN UPLAND RICE FARMER HERE IN CATEEL, DAVAO ORIENTAL.
VO: MAAGANG NAMULAT SI MANG CAMILO SA PAGSASAKA DAHIL NA RIN SA IMPLUWENSIYA NG MGA MAGULANG. SIYA ANG NAGING KATULONG NG KANYANG AMA SA PAGSASAKA NG KANILANG MALIIT NA LUPAIN.
VO: MANG CAMILO HAS STARTED FARMING AT AN EARLY AGE WITH THE STRONG INFLUENCE FROM HIS PARENTS. HE BECAME THE STRONGHOLD OF HIS FATHER IN FARMING THEIR SMALL PARCEL OF LAND.
ON CAM CAMILO: PAGTABANG NAKO SA AKONG PAPA, ANG AMONG ABOT MAO NA’Y GIPASKWELA SA AKONG MGA MANGHOD. HUROT MI NUON NAKAGRADUATE SA HIGH SCHOOL PERO WALA MI MAKATAPOS SA KOLEHIYO.
ON CAM CAMILO: WHEN I STARTED HELPING MY FATHER, EVERY PIECE OF INCOME THAT WE GET HAS SENT MY YOUNGER SIBLINGS TO SCHOOL. ME AND MY YOUNGER SIBLINGS WERE ABLE TO FINISH HIGH SCHOOL BUT WEREN’T ABLE TO FINISH COLLEGE.
VO: DAHIL NA RIN SA KAKULANGAN SA PANGGASTOS SA PARA SA KOLEHIYO, MAS MINABUTI NI MANG CAMILO NA IPAGPATULOY ANG PAGSASAKA. PERO SA DI INAASAHANG PAGKAKATAON…
VO: BECAUSE OF THE LACK OF MONEY TO BE SPENT FOR THEIR COLLEGE EXPENSES, CAMILO DECIDED TO CONTINUE FARMING TO HELP HIS FAMILY. UNTIL ONE UNEXPECTED INCIDENT CAME…
VO: NAGKAROON MAN NG KAPANSANAN, HINDI NAGING SAGABAL KAY MANG CAMILO ANG NAGING KAPANSANAN UPANG IPAGPATULOY ANG PAGSISIKAP SA BUHAY.
VO: BUT MANG CAMILO’S DISABILITY NEVER BECAME A HINDRANCE FOR HIM TO CONTINUE TO WORK HARD FOR THE BETTERMENT OF HIS LIFE AND HIS FAMILY.
VO: AT INAAKALA NG MARAMI NA IYON NA ANG PINAKAMALAKING HAMON SA BUHAY. NOONG 2012, HINAGUPIT NG NAPAKALAKAS NA BAGYONG PABLO ANG DAVAO ORIENTAL. AT ISA NA NGA ANG SAKAHAN NI MANG CAMILO SA MGA NABURA NG BAGYO.
VO: UNFORTUNATELY IN 2012, SUPER TYPHOON PABLO BROUGHT DAVAO ORIENTAL ON ITS KNEES. AND ONE OF THE WORST HIT BY THE TYPHOON WAS THE FARM OF MANG CAMILO.
VO: PERO DAHIL SA TIBAY NG LOOB AT PANANALIG SA DIYOS NI MANG CAMILO AT PATI NA NG MGA CATEELEÑOS, HINDI SILA NAGPATALO SA BAGYONG PABLO. SA KATUNAYAN ISA SI MANG CAMILO SA MGA NANGUNA UPANG MAKABANGON ANG MGA KATULAD NIYANG MAY KAPANSANAN SA TULONG NA RIN NG IBA’T IBANG FOUNDATION NA MAY LAYUNING MABIGYAN NG HANAPBUHAY ANG MGA KATULAD NIYA.
VO: BUT BECAUSE OF THE STRONG FAITH OF CATEELEÑOS, THEY NEVER LET SUPER TYPHOON PABLO BRING THEM DOWN. MANG CAMILO WAS ONE WHO HEADED THE RISE OF THE PEOPLE LIKE HIM WHO HAVE DISABILITIES, WITH THE HELP OF OTHER FOUNDATIONS WHOSE GOAL IS TO GIVE LIVELIHOOD TO PEOPLE LIKE MANG CAMILO.
ON CAM CAMILO: KARON, GIINGNAN NAKO ANG FOUNDATION NG NAA’Y AREA BALIGYA, MAO NANG GIANHIAN NA MI. SO ANG NAGPALIT ANI, ANG FOUNDATION PARA SA MGA DISBALED. SO MAO NI RON AMONG TRABAHO, ANG MGA DISABLED, KAMI ANG NAGTANOM PARA SA AMONG PANGINABUHIAN.
ON CAM CAMILO: AFTER TYPHOON PABLO, ONE FOUNDATION THAT HELPS PERSONS WITH DISABILITY WENT HERE IN CATEEL. I TOLD THEM THAT THERE IS AN AREA FOR SALE THAT’S WHY THEY WENT HERE. THE FOUNDATION BOUGHT THE LAND FOR THE PWDS. SO THIS IS OUR JOB NOW, THE PWDS, TO PLANT AND FARM AS OUR SOURCE OF LIVELIHOOD.
ON CAM CAMILO: SO NAG-AGWANTA NA LANG MI DIRI, KAMING MGA PWD NANINGKAMOT MI. KAY AKONG MGA KAUBAN MGA PWD, MAO’Y PANGINABUHIAN, MAGSASAKA MAN NA SILA TANAN. NAGKAMANG ANG UBAN, USAHAY NAAMAN AMONG MGA SERBIS NA KABAW, KANGGA. KANANG KAROSA MAO NANG MUSAKAY SILA, MAO NANG MUABOT DIRI. ANG UBAN NAGWHEELCHAIR MUABOT DIRI.
ON CAM CAMILO: WE SUFFERED HERE, BUT WE ARE STILL DOING OUR BEST TO SURVIVE. MY COLLEAGUES HERE ARE ALL FARMERS, SOME ARE HAVING HARD TIME. SOMETIMES, AN IMPROVISED CARRIAGE PULLED BY A CARABAO IS TRANSPORTING SOME OF THEM. SOME OF THEM ARE ON THEIR WHEELCHAIRS COMING HERE.
VO: SA KABILA NG PAGHIHIRAP NA AKYATIN ANG MATARIK NA BUNDOK NG CATEEL, SAMA-SAMA PA RIN SINA MANG CAMILO AT ANG KANYANG GRUPO SA PAGTATANIM NG PALAY MAITAWID LANG ANG KANILANG PANG-ARAW-ARAW NG PAMUMUHAY.
VO: DESPITE THE TRIALS IN CLIMBING UP THE STEEP MOUNTAINS OF CATEEL, MANG CAMILO AND THE WHOLE GROUP ARE STILL HAND-IN-HAND IN PLANTING RICE PLANT IN THEIR FIELDS JUST TO SUSTAIN THEIR DAILY NEEDS.
VO: NAKAKAHANGA ANG DETERMINASYON AT PAGSISIKAP NILANG MANG CAMILO AT KANYANG KASAMA.
VO: THE DETERMINATION AND HARDWORK OF MANG CAMILO AND HIS COLLEAGUES ARE REALLY PRAISE-WORTHY.
ON CAM CAMILO: NAGPASALAMAT KO SA GINOO NGA GITAGAAN MI SA GINOO UG MAAYONG TINDOG SA AMONG HUMAY NGA MAKA HARVEST MI NGA MAKAKAON MI.
ON CAM CAMILO: I THANK GOD FOR GIVING US GOOD QUALITY OF CROPS, WHICH WE COULD HARVEST, AND THAT WE COULD EAT.
VO: AT KAHIT PA MAY KAPANSANAN, BALE-WALA ITO KAY MANG CAMILO DAHIL MAS NANGINGIBAW ANG KANYANG PANINIWALANG MAKAKAAHON SILA SA KAHIRAPAN KAHIT ANO PA MANG BAGYO ANG DUMAAN. AT PARA SA MGA KAGAYA NIYANG MAY KAPANSANAN NA NAWAWALAN NA NG PAG-ASA, MAY MUNTING MENSAHE SI MANG CAMILO
VO: WHATEVER STRONG TYPHOON THAT MAY COME HIS WAY, MANG CAMILO DISREGARDS HIS DISABILITIES BECAUSE OF HIS STRONG BELIEF THAT HE AND HIS FAMILY WILL RISE FROM POVERTY. AND TO THOSE LIKE MANG CAMILO WHO HAVE PHYSICAL DISABILITIES THAT ARE LOSING EVERY INCH OF HOPE, HE HAS A SMALL MESSAGE…
ON CAM CAMILO: KANA SILA, MAO NA LANG ILANG MAHUNA-HUNAAN KAY HOPELESS NA SILA KAY DI MAN SILA KALIHOK. AYAW MO PANG-WA’G PANGLAOM, KAY ANG GINOO NAGTAN-AW SATOA.
ON CAM CAMILO: THAT’S WHAT THEY THINK, THAT THEY ARE HOPELESS BECAUSE THEY CAN’T MOVE AND WORK FREELY. BUT I TOLD THEM TO NOT TO LOSE HOPE BECAUSE GOD ALWAYS WATCHES US.
VO: AT BILANG PRESIDENTE NG KANILANG ORGANISASYON, PATULOY SA PAGSUSULONG NG KANYANG LAYUNIN AT PAGHAHANAP NG MAKAKATULONG SI MANG CAMILO UPANG MAKABANGON ANG KANYANG MGA KASAMAHAN.
VO: AND BECAUSE HE IS THE PRESIDENT OF THEIR ORGANIZATION THAT THEY CALL CTPC OR THE CATEEL THIS-ABLED PERSONS PRODUCER COOPERATIVE, HE CONTINUES TO PROMOTE THEIR CAUSE AND CONTINUOUSLY LOOKING FOR PEOPLE WHO ARE WILLING TO HELP HIS COLLEAGUES IMPROVE THEIR LIVES.
ON CAM IGNATIUS[7]: DAKO KAAYO AMONG PASALAMAT SA MGA TAO NGA NITABANG ARON MAGMALAMPUSON UG MABUNGAHON KINING AMONG ASOSASYON ILABI NA SA AMONG CHAIRMAN NGA SI KAGAWAD CAMILO SA IYANG PAGPURSIGE NGA KINI AMONG KOOPERATIBA BISAN SA KABILA SA AMONG PAGKAKAIBA SA IBA.
ON CAM IGNATIUS: WE ARE VERY GRATEFUL OF THE PEOPLE THAT HELPED US IN MAKING OUR ASSOCIATION BOUNTIFUL AND SUCCESSFUL, ESPECIALLY TO OUR CHAIRMAN, CAMILO IN HIS HARDWORK FOR THIS COOPERATIVE DESPITE ITS BEING UNIQUE FROM OTHERS.
ON CAM RAYMUNDO[8]: BISAN KINI AKOANG AMOANG KAHIMTANG MGA DISABLED, PERO DI MI MAWAD-AN UG PAGLAUM
ON CAM RAYMUNDO: EVEN THOUGH WE ARE DISABLED, WE WILL NEVER LOSE HOPE.
ON CAM CAMILO: ANG IMPORTANTE KARON SA MGA DISABLED DIRI ANG LIVELIHOOD GYUD. BISAN GAMAY LANG MAKA-ADVANCE LANG IYAN PANGINABUHIAN, MAG-INCOME LANG SIYA TAGA-ADLAW.
ON CAM CAMILO: THE MOST IMPORTANT THING FOR THE PWDS HERE NOW IS LIVELIHOOD. EVEN IF IT’S JUST A SMALL PIECE OF INCOME, AS LONG AS WE EARN EVERYDAY.
VO: NAKAKAHANGA TALAGA ANG KATATAGAN NI MANG CAMILO AT ANG KWENTO NG PAGBANGON SA KAHIRAPAN AT MGA HAMON SA BUHAY. SANA’Y MAS DUMAMI PA ANG INYONG MATULUNGAN AT ANG MGA MAKAKATULONG NINYO SA PAGBIBIGAY NG MAGANDANG BUKAS SA MGA KA-AGRI NATING MAY KAPANSANAN.
VO: THE STORY OF STRONGWILL AND THE RISE OF MANG CAMILO FROM THE TRAGEDY AND POVERTY IN LIFE IS TRULY REMARKABLE AND AMAZING. WE HOPE THAT YOU COULD HELP AND INSPIRE MORE PEOPLE AND WILL BE WORKING WITH YOU HAND-IN-HAND IN GIVING A BRIGHTER FUTURE FOR OUR KA-AGRI WITH DISABILITIES.

HYPE NEXT SEGMENT

VO: SUSUNOD!
VO: UP NEXT!
ON CAM RUBEN: ANG HABA NG ATING KWENTUHAN, WALA NAMAN TAYONG NAAANI.
ON CAM RUBEN: WE JUST HAVE OUR LONG CONVERSATION, WE HAVEN’T HARVESTED ANYTHING YET.
ON CAM CAMILO: PURO KWENTO LANG ATIN.
ON CAM CAMILO: WE ONLY TALK AND TALK.
VO: SA PAGBABALIK YAN NG AGRI TAYO DITO!
VO: WHEN AGRI TAYO DITO RETURNS!

END OF BODY 3

BODY 4 (TRT – 6:01)

AGREALITY SEGMENT

VO: AT KANINA NGA AY NAKILALA NATIN SI MANG CAMILO AT NATUNGHAYAN NATIN ANG KWENTO NG PAGBUO NIYA NGA BAGONG BUKAS PARA SA KANYANG KASAMAHANG MAY KAPANSANAN. NGAYON NAMAN,