Bagsik ng harabas

by: Ian Carlos Simbulan of GMA Network Inc.
2024 Best Agriculture TV Program or Segment

Bagsik ni harabas

FILIPINO SCRIPT

 

-Ngayong panahon ng tag-init,

isang kalaban ang sinasagupa

ng onion farmers sa Nueva Ecija.

Ayon sa kanila, sinisira nito

ang pinaghirapan nilang pananim.

Dahilan kaya halos

wala nang matira

at mapakinabangan pa

sa mga ani nilang sibuyas.

Ano nga ba itong kinatatakutan ngayon ng onion farmers?

 

JUN: Ngayong araw,

inabutan naming nagmamadali

si Mang Rufino

papunta sa kaniyang sakahan.

 

Nabalitaan kasi nilang

pinepeste na

ang kanilang mga pananim

na sibuyas.

At nang buksan

ang mga dahon ng sibuyas,

 

tama ang kaniyang hinala.

Unti-unti na ngang pinapapak

ng mga army worm

o mas kilala sa tawag

na “harabas”

 

ang loob ng kaniyang

mga pananim.

 

-Kaya po ay…

 

Iyan po, oh.

Iyan po, karami nila, oh. Oh.

 

JUN: Ang mga namumuting

dahon ng sibuyas,

senyales raw na nauubos na ito

ng mga harabas.

-Kani-kaniya silang dahon,

tapos mangingitlog ulit.

Kapag naubos niya,

lilipat ulit sa kabila.

 

JUN: Sa pag-asang

may maisalba pa,

humingi ng tulong

si Mang Rufino

para agad na maani

ang kaniyang mga pananim.

RUFINO: Ito po,

inagaw namin sa uod

at wala pa nga sa buwan, eh.

 

JUN: Pero dahil unti-unti na

itong inuubos ng uod,

napilitan na silang mag-ani.

-Mag-70 dias pa lang eh,

binunot na namin

gawa nang sinisira na

ng harabas.

 

JUN: Ayon sa pag-aaral ng National Crop Protection Center,

kasagsagan ng El Niño

noong 2016

nang unang magkaroon

ng onion army worm

o harabas outbreak sa Pilipinas.

 

Unang tinamaan nito

ang probinsiya ng Nueva Ecija

na kilala rin bilang

“Onion Capital” ng bansa.

 

Pinaniniwalaang galing ito

sa bansang China, Japan at Korea

na nadala ng hangin

papuntang Pilipinas.

 

Ang mga harabas,

mas nabubuhay at dumarami raw

tuwing tag-init.

 

Kung tutuusin,

taon-taon nang problema

ng mga kagaya ni Mang Rufino

ang problema ng harabas.

 

Pero ngayong taon daw

ang pinakamalalang pamemeste

sa kanilang mga sakahan.

 

Sinubukan na rin daw

nilang gumamit

ng iba’t ibang klase

ng pesticide.

Pero ang inaasahan nilang

pangontra sana sa mga harabas,

hindi raw epektibo.

-Hindi ko po alam

dahil marami nang gamot

na ginamit diyan,

hindi namin mapatay, eh.

 

JUN: Umabot ng P70,000

ang ipinuhunan ni Mang Rufino

sa kaniyang mga pananim

na sibuyas,

kasama na ang gastos

sa paggamit ng pesticide.

Pero ngayon pa lang,

alam na niyang

wala na siyang kikitain.

-Seventy thousand pesos na iyon,

madadagdagan ulit

ng mga P10,000 siguro

sa gitas, buriki,

at saka iyong taong uupahan,

pati iyong maghahakot.

Wala, iyong sa amin

ay baka hindi pa umabot

ng P100,000 iyan.

Ihahakot ko pa po iyan

diyan sa gym, eh.

 

JUN: Dahil sa nangyari, wala

na raw magawa si Mang Rufino

kundi maghintay

ng susunod na anihan

para subukang makabawi.

-Napakahirap magsibuyas

tapos minsan lang

sa isang taon iyan.

Kaya nga po pagkayari

ng sibuyas,

 

pasalamat ka kung

may pambili ka ng bigas.

 

JUN: Bago lumubog ang araw,

naabutan din naming

isa-isang pinupulot ni Mang Ed

ang mga harabas

sa kaniyang mga pananim.

 

Ito raw kasi ang oras

na mas lumalabas ang mga harabas

na nagtatago sa bawat dahon

ng sibuyas.

-Pinupudpod na po

iyong mga sibuyas eh,

at wala na po kaming maisip

na paraan na mai-spray

kaya po ang ginagawa namin

ay minamano-mano na lang

iyong pagkuha roon sa uod.

 

JUN: At para masigurong

hindi na kumalat

sa iba pang pananim

ang mga nahuling peste…

 

-Ganito po ang ginagawa namin.

Kapag ho iyan ay napipitas,

nakukuha na ho namin,

sinusunog na namin lahat

para hindi na ho kumalat.

Ay, mas mainam po

ay talagang sunugin na lang.

[ROOSTER CROWS]

 

JUN: Kinabukasan, dalawang bata

ang naabutan namin

sa sakahan ng sibuyas.

 

Ang magkaibigan na TJ,

11 taong gulang,

 

at BJ, anim na taong gulang.

 

Bitbit ang kanilang mga timba,

matiyagang sinusuyod ni TJ

ang bukid

upang bungkalin

ang mga natirang sibuyas.

Habang si BJ naman,

kinakapa ang mga itinapon

na dahon ng sibuyas.

Nagbabakasakaling may makikita siyang bunga sa ilalim nito.

 

Nang mangalahati na

ang dala nilang mga timba,

napagdesisyunan ng magkaibigan

na umuwi.

 

Ibebenta raw nila ito

sa mas mababang halaga.

-Para po pambaon-baon namin.

Pambili-bili po ng bigas

tapos ng ulam.

 

-Sa datos ng Department

of Agriculture,

umabot na sa 18 ektaryang

onion plantation sa bansa

ang napinsala ng harabas

ngayong taon.

2,400 hectares naman

ang partially damaged

at may pag-asa pang

maka-recover.

 

JUN: Pero ang tanong,

ano nga ba ang ginagawang solusyon ng pamahalaan

para matulungang makabangon

ang onion farmers sa bansa?

 

JUN: Isa raw sa mga alternatibong paraan

ay ang paglalagay

ng mga sibuyas

sa isang cold storage

facility.

 

Sa Bongabon, Nueva Ecija,

dalawang cold storage facility

ang ipatatayo ng lokal

na pamahalaan

para sa mga magsisibuyas.

 

P250 kada sako ang bayad

sa loob ng anim buwan.

-May option sila

to store muna

iyong mga produce nila

kaysa ibenta nila roon

sa mababang price nga na iyon.

 

JUN: Pero sa kasalukuyan,

puno na ang cold storage facility.

JULIUS: Pipilitin po natin masiksik. [CHUCKLES]

Kapag po sumobra naman,

eh iyong quality po ng sibuyas

baka makuwan po iyon,

magsiksikan,

hindi na po kaya ng lamig.

 

JUN: Nagbigay rin ang lokal

na pamahalaan ng Bongabon

ng ayuda para sa mga apektadong onion farmers.

 

Ayon sa SINAG,

bukod sa assistance

na ibinibigay ng pamahalaan,

mahalaga na magkaroon ng Onion Research Center sa Pilipinas.

 

-Kasi for development

and progress ito.

Iyon ang katotohanan doon.

Para hindi tayo manatili

sa dating teknolohiya.

 

JUN: Minsan nang inihain sa Kongreso ang House Bill No. 1379

o ang pagtatatag ng Philippine Onion Research Institute.

Layunin nitong mapataas ang produksiyon ng sibuyas sa bansa,

pagtatayo at operasyon ng isang

Central Experiment Station

kung saan gagawin

ang mga pag-aaral

para maparami ang supply

ng sibuyas sa bansa.

Pero hanggang ngayon,

nakabinbin pa rin ito.

GERALD: Mayroon ho tayo, sir,

tinatawag

na “insect resistance.”

Gusto po sana namin i-encourage

iyong Integrated Pest

Management.

At saka, sir, iyong Philippine Good Agricultural Practice

kung saan iyong sanitation,

iyong tamang pagtatanim,

calendar ng planting,

atin pong maplano.

-Kailangan mag-adjust,

mag-adjust ng farmers.

-Yes po.

-At kailangan mag-adjust din

lalong-lalo na ang gobyerno rin.

-Yes, definitely.

Kung mayroon po sana tayong,

iyon nga,

sustainable na budget

para sa pest management,

sa biosecurity,

 

and of course,

iyong ating support

sa ating agricultural

extension workers.

 

 

 

JUN: Malaki na ang perwisyo

ng pesteng harabas

sa mga maliliit na magsasaka

sa bansa.

 

Kailangang-kailangan daw nila

ang tulong at suporta ngayon.

-Hindi po namin alam kung

tutulungan po kami ng gobyerno

sa ganito pong problema namin

sa aming mga pananim.

 

JUN: Para muli silang makabawi

 

at muli silang makabangon.

 

 

  • Pages:
  • 1
  • 2